PART 16

26K 446 17
                                    

Nagmamadaling naglakad si Samantha papunta sa parking area, pumuslit lang kasi siya para hindi siya makita ni Yohann. Tiyak na magtatanong ito kung saan siya pupunta at baka pagmulan na naman nila ng away ang pakikipagkita niya kay Angelo.

Natapos na kasi ang klase nila at napag-usapan nila ni Angelo na sa parking area sila mag-uusap.

Nang makita si Angelo na kumakaway sa loob ng sasakyan nito ay dali dali siyang pumasok sa loob.

Pagpasok niya ay ilang Slsegundo muna itong nanahimik.
Halata sa mukha nito ang pag-aalinlangan.

"Anong problema mo? Hindi ako sanay na ganyan ka." Wika niya ng hindi parin ito nagsasalita.

Bumuntong hininga muna ito. "I need your help Sammy." Nagsusumamo ang mukhang tumingin ito sakanya. Hindi na siya nagtanong pa at hinintay nalang niyang magsalita ito.

"May business partner si papa na nakakita saming dalawa ni Tom sa Baguio. He saw us hugging Sammy, at nakarating iyon kay papa." Frustrated na wika nito.

Napatampal siya sa kanyang noo. "Bakit hindi mo nalang sabihin sa papa mo ang totoo?"

"Binalak ko Sammy, pero tinatanong palang niya ako, nanakit bigla ang puso ni papa. Idinala namin siya agad sa hospital. Grabe ang takot ko, sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari kay papa." Bumuntong hininga muna ito bago nagpatuloy. "After niya magising sa hospital, tinanong niya ulit ako kung totoo ba ang nalaman niya sa business partner niya at sabi ko, kaibigan ko lang si Tom. Sinabi ko rin na baka yung yakapan na nakita ng business partner niya ay ang nasaktuhang nagkita kami roon ni Tom at nagkamustahan."

"Naniwala ba papa mo?"

"That's the reason why I called you."

"Huh? Bakit?"naguguluhang tanong niya.

"Hindi siya naniwala sakin Sammy at natakot ako dahil parang aatakihin na naman ito sa puso, kaya sinabi kong paano ako magkakaroon ng relasyon sa kapwa ko lalake kung may girlfriend ako?"

Nanlaki ang mata niya, hindi pa man nito sinasabi ang susunod na sasabihin nito ay parang alam na niya ang gustong hinging tulong nito.

"I need your help Sammy, kahit ngayon lang. Pwede ka bang magpanggap na girlfriend ko?"

Nag-aalangan man ay tumango parin siya. Naaawa siya sa kaibigan, alam niyang hirap na hirap na ito sa sitwasyon nito. Napakahirap na sarili nitong ama ay hindi matanggap kung ano man ang kasarian nito.

"Kailan ba?" tanong niya.

"Ngayon mismo. Pupunta tayo sa hospital. Gusto ka ng makita at makilala ni papa."

"Ha?! Agad agad?!" Gulat na tanong niya. Hindi kasi niya alam kung magagampanan niya ng maayos ang pagpapanggap nilang dalawa, at isa pang problema niya ay hindi siya nakapagpaalam kay Yohann. Tiyak na hahanapin siya nito o baka nga hinahanap na siya ngayon.

"I'm sorry Sammy. Ikaw lang kasi ang naisip kong tutulong sakin. Wala na akong ibang malalapitan kundi ikaw. Pero kung hindi ka pa ready, sasabihin ko kay papa na sa ibang araw nalang kita ipapakilala."

Napatitig siya sa mukha ng kaibigan.
Mukhang frustrated na ito at halata sa mukha na may pinagdadaanang mabigat na problema.

Why can't a father accept his son for being a gay? Ganoon ba iyon makasalanan sa mata ng ibang tao? Pare parehas silang gawa ng diyos jaya dapat pare parehas din kung ituring sila. Hindi naman kasalanan ng isang tao na maramdaman na iba ang gusto nitong kasarian. Nararamdaman iyon at hindi iyon napipigilan.

May kilala siyang bading at malapit iyon sa puso niya. At hindi kagaya ni Angelo, dahil tanggap na tanggap ito ng pamilya nito at suportado sa kinahihiligan nito. Ito ay si kuya Alexis, kapatid ni Jennie. Kung sana ay ganoon lahat ng magulang, ang kayang tanggapin ang anak kung ano man ang kasarian nito nang wala ng kagaya ni Angelo na nasasaktan at nahihirapan.

LOVE ME BACK (COMPLETED)Where stories live. Discover now