PART 22

22.9K 371 11
                                    

Habang namimili si Samantha at Clinton ng souvenir ay napakunot-noo siya nang may marinig siyang pamilyar na boses ng bata.

"Hi po kuya angel, do you have cellphone? Can I borrow it? I just need to call my dad."

Mabilis siyang napabaling ng tingin.
Nagulat siya ng makita ang batang kumausap kay Clinton.

"Angel? Why did you call me angel?" Masuyong nginitian nito ang bata na kilalang kilala niya. Masyado itong tutok na tutok kay Clinton kaya hindi siya napapansin.

"Because you look like an angel." Inosenteng ani ng bata.

Natawa naman ang boyfriend niya kaya sumingit na siya sa mga ito.

"Aeros..." Tawag niya sa batang kausap ng nobyo.

Mabilis namang lumingon ang bata at nanlaki ang mga mata nito pagkakita sakaniya.

"Tita Ganda!" Tuwang tuwang tumakbo ito palapit sakanya, niyakap siya nito.

"Anong ginagawa mo ditong bata ka? Nasaan ang papa mo? Bakit mag-isa ka lang? Alam mo bang bawal gumala ang batang kagaya mo na walang kasama?" Seryosong at sunod sunod na tanong niya. Base sa narinig ay mukhang nawawala ito. Buti nalang at siya ang nakakita dito, madami pa namang masasamang loob ngayon.

Hindi niya alam na nandito pala ang Kuya niya. Akala niya ay abala ang kapatid niya.

"May nakita kasi akong laruan kanina tita, kaya pinuntahan ko,paglingon ko wala na si papa. I'm sorry po." Anito pagkatapos ay tumungo.

Natakot siya sa sinabi nito.
Paano pala kung hindi siya ang nakakita dito? Paano kung kinuha ito ng ibang tao? Tiyak na magwawala sa pag-aalala ang kapatid niya.

Malakas na napabuntong hininga siya. "Sa susunod, pag may nakita kang laruan, tell to your father. Hindi yung pupunta kang mag isa. My god aeros! You're just five years old! Paano kung may masamang nangyari sayo? Ano nalang ang mangyayari sa papa mo?" Panenermon niya dito.

Kung pwede lang din sermonan ang kapatid niya, ginawa na niya. Na dapat hindi nito inalis ang tingin kay Aeros.

"I'm sorry tita."

Akala niya ay hindi pupunta dito ang kapatid niya dahil sabi ng kanilang ina ay busy ito. Buti naman at naisipan din ng kuya niyang magbakaayon kahit ilang araw lang.

Huminga muli siya ng malalim, umupo para magpantay ang mukha nila ng kanyang pamangkin, pagkatapos ay niyakap niya ito. Nang iangat niya ang tingin ay nakita niya si Clinton na nagtatanong ang mga mata.

Tumayo siya habang hawak-hawak ang kamay ng pamangkin.

"He's my nephew. " Niyuko naman niya ang pamangkin. "Say hi to tito Clinton, Aeros."

"Hi young man. I'm your tita ganda's boyfriend." Umupo ang nobyo niya para makipagkilala sa pamangkin niya.

"Hi po Tito angel, I'm Aeros." Nakangiti namang sabi nito tsaka siya binalingan. "Is it true tita? That he is your boyfriend?" Nasa Mukha nito ang pagkalito na ipinagtaka niya.

"Yes Aeros, why?"

"Because I saw your picture in Tito Yohann's room last month. I thought Tito Yohann is your boyfriend."

Para siyang nabilaukan sa sinabi nito. Hindi niya alam ang mararamdaman sa sinabi ng pamangkin lalo pa't kasama niya ngayon si Clinton.

Nang mapabaling siya kay Clinton ay nakita niya ang pagseryoso ng mukha nito. Kinabahan siya dahil ito ang kauna-unahan niyang makitang nagseryoso ito. Nawala ang maamong mukha nito.

Agad naman niyang hinawakan ang palad nito. "Clinton, hon."

Nilingon siya nito at nang makita siya ay unti-unting umaamo ang mukha ng nobyo.

LOVE ME BACK (COMPLETED)Where stories live. Discover now