PART 11

32.5K 487 32
                                    

WARNING!

WARNING!

WARNING!

"Tama na!"

Natatawang sinasalag ni Samantha ang mga pagsaboy ng tubig ni Yohann sa kanyang mukha.

Kasalukuyan silang nasa swimming pool sa likod ng bahay nila Yohann.
Medyo nagdidilim narin dahil pagkagaling nila sa university ay niyaya siya nitong magswimming.

Tumigil naman ito at mabilis siyang niyakap.

Akmang hahalikan siya ng binata nang dumating si yaya Rosa.

"Time perss muna at magmerienda muna kayo." Nangingiting inilapag nito ang dalawang slice ng cake na dala niya kanina. Gumawa din si yaya Rosa ng dalawang sandwich at dalawang orange juice.

Umalis ang matanda na nangingiti parin, halatang natutuwa ito sa pagkukulitan nilang dalawa ni Yohann. Syempre, botong boto kaya ito sa kanya para sa alaga nito.

Alam narin ng kanya kanya nilang magulang na nagkakamabutihan na sila ng binata. Habang ang mga kaibigan ay masayang masaya para SA kanya.

Dalawang buwan narin ang lumipas pero hindi pa nito sinasabi ang salitang gustong gusto niyang marinig dito.

Ni hindi pa nila napag-uusapan kung ano ba talaga ang label nila dahil natatakot siyang magtanong sa binata at natatakot siya sa maaaring isagot nito. Tsaka lang siya magiging kampante pag nasabi na nito ang matagal na niyang gustong marinig dito. Kahit pa may pangamba parin sa puso niya ay ipinagpatuloy parin niya kung ano man ang meron sa kanila ni Yohann. Ang tagal niyang inasam na maging ganito ang turing sa kanya noon pa, at ngayon, hindi na niya iyon papalagpasin pa.

"Baby, okay ka lang?"

Nawala ang pag-iisip niya ng malalim nang mapabaling siya kay Yohann. Nakaahon na pala ito at inaabot ang kamay niya. "What are you thinking baby?" Sabi nito pagkaahon niya sa pool.

Hanggang ngayon ay kinikilig parin siya habang tinatawag siya nitong 'baby. Parang laging may nagsasayawang paro-paro sa tiyan niya tuwing tinatawag siya nito niyon.

Nginitian naman niya ito ng matamis bago siya nagsalita. "Excited kasi ako mamaya." Sabi nalang niya.

Nawala bigla ang agam-agam niya ng maalala ang lakad nila mamaya ng binata sa Baguio. Last month pa nagsabi si Yohann na gusto nitong pumunta sila sa baguio, at ngayon ay dumating na ang araw ng papunta nila doon. Excited pero kinakabahan siya dahil dalawa lang silang pupunta doon at hanggang linggo ng gabi pa ang balik nila.

Iba na naman kasi ang tumatakbo sa utak niya. Puro kahalayan. Isabay pang ginagatungan rin ni Jennie at tinuturuan kung paanong mag-ingat para hindi mabuntis. Loka loka talaga.
Idinamay pa siya sa kahalayan nito samantalang napakainosente niyang mag-isip.

Buti nalang at pumayag ang kani- kanilang magulang na silang dalawa Lang ni yohann ang pumunta SA Baguio.

"Supportive.." Pilyang sabi ng isip niya.

Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang kilig na nararamdaman nang ipaghila siya ni  Yohann ng upuan.  Umupo narin ito at nagsimula na silang kumain.

"You are really good at making cakes baby." Sunod sunod na sumubo pa si Yohann at ngumiti sa kanya.

Tumaba naman ang puso niya sa papuri nito. "Ako pa ba?" Pagmamayabang niya. "Pag binenta ko yan sayo doble presyo na yan o kaya hindi na ako magbibake para namiss mo ang gawa ko"  aniya at binuntutan pa ng tawa.

"Ah ganun..." akmang lalapitan siya nito ng mabilis at tumatawang tumakbo siya palayo rito.




Nilalamig na lumabas ng sasakyan si Samantha at inilibot ang paningin, napangiti pa siya dahil puro puno ang nakikita niya. Pumikit siya at ninamnam ang mabangong simoy ng hangin sa Baguio, pagkuwa'y napatingala siya para tignan ang mga nagkikislapang bituin sa langit.

LOVE ME BACK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon