PART 4

34.7K 570 60
                                    

Napagpasyahan ni Samantha na tumambay muna sa bahay nila Crista pagkatapos niya itong ihatid. Nakapag dinner narin sila at kasalukuyang nanunuod ng horror movie. Pasado alas once na ng gabi pero wala pa siyang balak umuwi.

"Nakakapanuod ka pa ba niyan? Kanina ka pa takip ng takip ng mata diyan, samantalang wala pa namang multo na lumalabas." Natatawang puna niya kay crista.

"Kailangan ko pa bang hintayin na may lumabas?" Lukot ang mukhang binalingan siya.

"E di sana hindi ka nalang nanuod."

"E di sana iba nalang ang pinili mong palabas. Alam mo naman ayaw ko ng horror."

Nginisihan niya lang ang kaibigan. "Ako ang bisita mo kaya dapat ako ang masusunod kung ano ang papanuorin natin."

"Hindi ka pa ba uuwi? Gabi na."

Kunwaring nagtatampong tinitigan niya si Crista. "Pinapaalis mo na ako? Ayaw mo ba akong magtagal pa rito?" Ang totoo niyan ay parang gusto niyang makitulog dahil tinatamad na siyang magmaneho pauwi.

Crista rolled her eyes. "Hindi naman sa ganun. Delikado na kasi pag ganitong oras. Baka nagtataka na ang kuya at magulang mo kung bakit hindi ka pa umuuwi."

"Nagmessage na ako sa kanila na late ako makakauwi." Paliwanag naman niya.

"Dito ka nalang kaya matulog? Tutal anong oras na." Suhestyon naman nito.

Kuminang agad ang mata niya sa sinabi nito. Matagal tagal narin kasi ang huli niyang nakitulog rito.

"Sige dito na ako matutulog. Tara na, shower na tayo." Aya niya sa kaibigan pero tinaasan lang siya nito ng kilay. Pinause niya muna ang pinapanuod nila.

"Mauna ka na. " Tumayo ito at tinungo ang wardrobe nito saka naglabas bg pink na satin night dress. Inihagis nito iyon sa mukha niya dahilan para mapanguso siya. Kumuha rin ito bg disposable panty. "Yan nalang suotin mo. Mauna ka ng maligo."

Nakakalokong nginisihan niya ito saka tumayo.
"Ayaw mo akong sabayan?Halika na sabay na tayo." Inginuso niya pa ang dibdib nito. "Hindi ko naman yan aagawin no? Meron ako niyan, mas malaki pa kumpara sayo." Tumatawang biro niya pagkatapos ay inginuso rin ang maselang ibabang parte ng katawan nito. " At saka yan. "

Akmang tatanggi pa si Crista ng hilain na niya ito patungong banyo. Wala na itong nagawa at hindi na pumalag pa.

Pagtapos nilang maligo at magbihis ay agad niyang tinungo ang kanyang cellphone dahil nakita niya iyon na umiilaw. Nakalapag lang iyon sa bedside table at nakasilent mode

Nagulat man ay hindi niya napigilang mapangiti ng makitang si Yohann ang tumatawag. Nagtataka siya dahil dis oras na ng gabi ay tumatawag ito sa kanya, na hindi naman nito ginagawa.

"Hel-

"Where the fuck are you?"

Agad namang nangunot ang noo niya sa seryosong boses ni Yohann. Parang galit pa nga.

Ano na naman ba ang nagawa niya? Bakit siya nito hinahanap? Alam ba nito na wala siya sa bahay nila?

Unti unting lumawak ang ngiti sa labi niya. "Kuya, ikaw ba yan?" Biro niya.

"Fuck Samantha! Stop joking around!"

Ngumuso siya kahit hindi nito nakikita. "E kasi naman makapagsalita ka parang ikaw ang kuya ko. At saka paano mo alam na wala ako sa bahay? Ooyyyy, ang Mahal kong Yohann, namimiss mo ako no? Hindi ko alam na minatyagan mo ako hanggang sa bahay." Aniya na parang kinikiliti sa kilig. "Sige na nga , I miss you too bebe. "

"Tsk! Nasaan ka ba?"

"Hindi mo alam?"

"Why would I waste my time asking you if I know! Stupid."

LOVE ME BACK (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang