PART 31

20.3K 340 6
                                    

Natulos siya sa kinatatayuan dahil sa gulat ng makita ang dalawang bisita ni Yohann. Ni hindi na niya nagawa pang maihakbang ang kanyang paa at makabalik sa itaas dahil sa gulat.

"Sammy?!" Gulat na gulat din ang mukha ni Isiah habang tinitignan siya. Katabi nito si Lucas at Yohann. Pasimple niyang tinakpan ang dibdib niya gamit ang kamay ng mabilis na naglakad ito patungo sa kanya. Nakabuka pa ang dalawang kamay nito na parang yayakapin siya.

"It's been awhile. Let me hug you."

Tumaas ang sulok ng labi ni Samantha ng mapansin niya ang malokong ngisi ni Isiah. Kailan kaya ito bumalik? Ang alam niya ay ilang taon itong nasa ibang bansa.

"Don't you dare isiah!"  Dumagundong ang galit na sigaw ni Yohann at inunahan nito si isiah na makalapit sa kanya.

"Sinasabi ko na nga ba."

Mahigpit na niyakap agad siya ni Yohann na parang takot na takot malapitan siya ni Isiah. His strong arms tightly hugging her waist, caging in his arms.

Napayakap narin siya rito dahil wala siyang suot na bra. Medyo naipit tuloy ang malambot na dibdib niya dahil sa pagyakap na iyon ng binata. Kung alam niya lang na darating  dito sina Isiah ay hindi siya bumaba na walang suot na bra.

"Damn it Samantha. Why you didn't wear your bra? Fuck, 'pag nagkataong nayakap ka ni Isiah na ganyan ang suot mo, hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya kahit pa kaibigan ko siya." Bulong ni Yohann. Nasa boses nito ang panggigigil at inis.

"I'm sorry, hindi ko naman kasi alam na nandito sila."

"Hey, why are you two whispering?"

Inis na binalingan naman ni Yohann si Isiah. "Just stay where you are and don't come near us."

"What? I just want to hug Sammy."

Rinig niya ang pagngangalit ng ngipin ni Yohann dahil sa sinabi ni Isiah.

"Subukan mo at hihilain kita at lulunurin sa dagat."

Tinawanan lang ni Isiah ang sinabi ni Yohann at parang aliw na aliw pang tinitignan nito si Yohann.

Gusto niyang matawa nang biglang paatras na naglakad si Yohann habang yakap yakap siya ng mahigpit. Papunta sila ngayon sa pandalawahang sofa.

"Seriously Yohann?" Natatawa parin at  naiiling nalang si Isiah habang pinapanuod sila.

Buti nalang hindi sila natutumba sa ginagawa nila.

Si Lucas ay tahimik na umupo sa mahabang sofa, habang si Isiah ay tumatawang pinapanuod sila.

Nang makaupo si Yohann ay mabilis siya nitong kinandong pero hindi siya sa hiya nito nakaupo, kundi sa sofa, pero nasa pagitan siya ng mga hita nito. Iniyakap pa ni Yohann ang mga braso nito sa braso  niya para matakpan ang dibdib niya. Hindi tuloy niya maiwasang mamula ng maramdaman ang pagkatusok ng pwet niya sa matigas na bagay nito, kaharap pa naman nila sina Isiah at Lucas.

Ipinatong ni Yohann ang baba nito sa balikat niya at masuyong hinalikan ang pisngi niya habang mahigpit parin ziyang yakap saka bumaling na sa dalawa.

"You two haven't answered my question a while ago. What are you two doing here and how did you two know I was here?"

Si Lucas ang sumagot. "I asked Tito Yohenn and he told me that you are here but he didn't say Sam was here." Walang emosyon ang mukha na binalingan siya ni Lucas. "I just want to relax." Walang kaemo emosyong sagot nito.

Sanay na siya sa ganoong ugali ni Lucas, pero parang mas lumala pa ngayon. Parang may madilim na aura ang nakapalipot sa katawan nito na hindi mo talaga gugustuhing lapitan.

LOVE ME BACK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon