Part 10

34.8K 584 28
                                    

"Teka lang! Ang daya mo!" Sigaw ni Samantha kay Yohann na papalayo na.

Kakatapos lang siya nitong turuan kung paano magjetski at napagpasyahan nilang magpaligsahan.

Gamit niya ang jetski Ng papa nito na si Tito yohenn at gamit naman ni Yohann ang sarili nitong jetski.

Hindi na niya naabutan ito kaya inis na bumalik siya sa dalampasigan.

Medyo mahapdi na ang sikat ng araw ng matapos siya nitong turuan.
Umupo nalang siya sa ilalim ng puno at pinagmasdan ito.
Ilang ikot pa ang ginawa nito bago ito bumalik sa dalampasigan.

Nakangiting naglakad si Yohann papunta sa kanya.

Puno naman ng paghangang nakatingin siya dito habang palapit ito. Para kasi itong modelo at sobrang ganda pa ng katawan nito. Naggagalawan din ang mga biceps nito na naging dahilan para mapalunok siya. "Why so hot naman mahal kong Yohann."

Pasimple niyang hinawakan ang gilid ng labi niya, buti nalang at walang laway na tumulo dahil nakakahiya pag nagkataong makita iyon ni Yohann.

Nang makalapit ito sa kanya ay inabot ang kamay niya. "Halika na."

"Ayaw ko na! Ang unfair! " Nakasimangot na Sabi niya dito.

Ngumiti lang ito."Halika na." ulit nito. "Hahayaan na kitang manalo, o kaya isasakay nalang kita."

Napanguso siya. "Mamaya nalang. Mainit na eh." Totoo naman, masakit na kaya sa balat.

Tumango nalang ito at
umupo nalang sa tabi niya.

"Bumalik nalang kaya tayo?Kahapon pa itong swimsuit ko." Sabi niya dito. Naaalibadbaran narin kasi siya dahil hindi pa siya nakakapagpalit ng swimsuit.

Napatingin naman ito sa katawan niya hanggang sa napansin niyang  napagawi ang paningin nito sa dibdib niya na labas cleavage.

Kita niyang napalunok ito at mabilis iniwas ang tingin. Mabilis na tumayo si Yohann at nagtungo sa bahay, halatang nagmamadali ito.
Sinundan naman niya ito at nang makapasok siya ay may hawak na itong makapal na puting t-shirt.

"Wear this Samantha. Aalis na tayo."
Ibinigay nito iyon sa kanya tsaka kinuha ang maliit na bag na lagayan bg cellphone niya.
Dala dala iyon ng mga kaibigan niya kagabi.

Bigla namang lumingon ulit sa kanya si Yohann. " Don't you dare wear that fucking swimsuit again Samantha. Do you understand?"

Tumango lang siya. Pansin niyang napatingin na naman ito sa dibdib niya. Hindi pa kasi niya naisusuot ang damit na binigay nito.

Napalunok na naman ito at nagmamadaling iniwan siya.

Nagtatakang sinundan niya si Yohann na papunta na sa dalampasigan kung saan nandoon ang jetski.

"Teka lang naman!" Mabilis niyang isinuot ang t-shirt at sumunod na dito. "Ba't ka ba nagmamadali? May lakad ka?"

Umiwas lang ito ng tingin at hindi siya sinagot.

Napabuntong hininga siya. "Yung mga gamit doon?" Sabi nalang niya.

"Caretaker na bahala." Sabi nito at pinaandar na nito ang jetski nito kaya sumakay narin siya sa jetski ni Tito Yohenn, tutal marunong na siya gumamit niyon.

Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit ito madaling madali.



"Nasaan si Crista?" Tanong niya sa mga kaibigan ng mabungaran niya ang mga ito na kumakain ng tanghalian. Hindi niya rin nakita si Isiah doon.

Nauna na kasi siyang pumasok sa beach house nila Yohann dahil kinausap pa ito ni Tito Yohenn. Hindi niya pa sinasadyang marinig ang pag-uusap ng mag ama. Parang nagbabalak ata ibenta ni Tito Yohenn ang beach house ng mga ito dito sa main beach. Siguro dahil nakabili si Tito yohenn ng Isla -kung saan siya dinala ni Yohann, kaya hindi na ng mga ito kailangan ang beach house nila dito.

LOVE ME BACK (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu