"Bakit hindi si Chanyeol yung tinawag mo?" tanong ko.



"Maingay." sagot niya. "Isa pa, i'm sure, si Baek na ang partner niya."



"Eh bat ako?" 



Tinignan niya ako saka nagtaas ng dalawang kilay. "You're my roommate." sagot niya. "We know each other. Saka hindi ka maingay." tapos tinignan ako mula ulo hanggang paa. "You're not really that annoying."



"Certified jerk." bulong ko at saka zinipper yung camping bag. Matapos mag-empake ay tumayo na ako at naglakad papunta sa desk.



Hinila ko yung journal saka binuksan ito. Binasa ko yung mga recent entries at narealize na wala na akong masyadong nasusulat kaya naman kukunin ko nalang ito sa camping. Baka sakaling may maikwento ako diba?



Itatago ko na sana ito nang may maalala ako. Agad ko itong binuksan saka kumuha ng ballpen.




Journal entry #3: 

Bisexual pala si Baek at mahal niya si Yeol. Paano kaya yun? Hindi kaya complicated? 

Nameet ko din pala si Krystal, ang manliligaw ni Jongin. Maganda. Pero hindi mabait. Maiinlove daw ako sa Jongin niya? ABA! Kanyang-kanya na ah. Hindi ko naman pag-iinteresan yung nognog na yun. Pwe.




Napa-pout ako saka sinara ito. Feeling ko para akong dalagang may diary. Nakakahiya tuloy. DAPAT KASI MANLY AKO! Hay. Siguro tatawagan ko nalang si Mommy mamaya para kumustahin ko din sila ni Daddy. 




Tinago ko na yung journal saka kinuha yung bag na hinihiram ni Chen.



"Oh, san ka pupunta?" tanong ni Jongin nang papalabas na ako ng kwarto. Nilingon ko siya saka napa-shrug.



"Kay Chen." sagot ko.



Tinaas niya yung isa niyang kilay. "Akala ko ba tayo na?"



Pero teka--- KAMI NA?!



"A-ano?" gulat na tanong ko sakanya. Nanlaki ang mga mata ko saka tinignan siya na parang may sayad siya sa ulo. Yung totoo Kim Jongin?


Not the PlanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora