Chapter Seventeen

Start from the beginning
                                    

"Pero hindi mo naman kailangang gawin iyon! May sarili kang pag-iisip. Puwede mong hindi gawin ang mga iyon."

"Bakit mo ba ako sinasabihan kung ano at hindi ko puwedeng gawin? You forget your place, Elizabeth. I'm the master and you are just a slave."

Parang isang malakas na sampal ng katotohan sa mukha ang mga sinabi ni Stephen. Tama siya, I was just his slave and nothing more. At ang sakit-sakit sa kaibuturan ng aking puso na sa bibig pa mismo ni Stephen nanggaling iyon. Wala akong puwang sa puso ni Stephen. Isa lamang akong alipin sa paningin niya. At dahil doon, biglang nawala ang aking enerhiya na lumaban at umpisahang ipaglaban ang aking nararamdaman para sa kanya.

Nanginginig pa ang aking labi, dala ng matinding emosyon ng pagkabigo. Gustong bumuhos ng mga luha ko ngunit pinigilan ko ang mga ito. "You are right," I whispered. "I forgot my place—I am just a slave."

Bigla namang lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Stephen. "Elizabeth..."

"Forgive me, master. It won't happen again."

"Elizabeth, stop it."

"Kung maaari sana ay mapahintulutan n'yo akong manatili muna rito sa bahay ng mga magulang ko. Kahit mga dalawang araw lang."

Napabuntong-hininga si Stephen. Itinaas niya ang kanyang kamay palapit sa aking mukha. Akala ko ay sasaktan niya akong muli, ngunit hinaplos lamang niya ang aking mukha. "Two days, Elizabeth. Only for two days. Pagkatapos niyon ay ipapasundo na kita."

Nagulat ako nang isang mabilis na halik sa labi ang ibinigay niya sa akin. Hindi ko talaga maintindihan ang disposisyon ni Stephen—galit ito sa isang minuto, ngunit maya maya ay bigla itong aamo.

"Pagbalik mo sa akin, saka ko sa iyo ipapaliwanag ang lahat." Matapos niyon, lumabas na siya ng sala at tuluyan ng umalis ng bahay.

Ang pangakong binitawan ni Stephen na ipapaliwanag niya sa akin ang lahat, kakayanin ko kayang tanggapin ang mga iyon?

I've been thinking about Stephen all day.

Hindi ko siya magawang alisin sa aking isipan. Kahit ano'ng gawin ko ay siya pa rin ang laman ng aking isip—siya at ang mga katanungan naglalaro sa aking kaisipan. Bakit kailangan pa ng mga bampira gumawa ng ganitong klaseng kontrata? Ano kaya ang nag-udyok kay Lord Devon na bumuo ng ganitong klaseng pamumuhay para sa mga bampira? Was this really the kind of lifestyle the vampires enjoyed? Did Stephen crave for this kind of life?

Sumasakit lamang ang puso ko sa tuwing iisipin ko na wala namang patutunguhan ang nararamdaman ko para kay Stephen. Why did I even fall for that vampire? How was it possible that I fell in love with someone I hated so much from the beginning?

The more you hate, the more you love? Nakakatawa. Sino ang mag-aakalang totoo pala ang kasabihang iyon?

Mababaliw na ata ako sa kakaisip! Masokita ata ako—nasasaktan na nga ako tuwing naaalala ko ang nakita kong paglalampungan nina Stephen at Diana, pero heto pa rin ako at paulit-ulit sa kakaisip sa mga ginawa nila. I needed to move on. But how?

I let out a sigh as I saw one of our maids rushing outside my room. Mukhang nag-ge-general cleaning ata sila ngayon. Marahil ay utos iyon ni Mama. Tuwing may bumabagabag sa kanya ay nagsisimula itong maglinis ng buong kabahayan. Ang sabi sa akin ni Papa noon ay na-diagnosed daw si Mama ng mild OCD noong dalaga palang ito. And arranging things like furniture was her way to keep her calm.

Marahil ang pagiging OC ni mama ay dala ng matinding dagok ng kapalarang dinanas ng kanyang pamilya nang nakulong si lolo at napilitan silang tanggapin ang inaalok ni Stephen. All those years of anxiety and antipication for Stephen to seek his payment probably built up the tension within my mother. Kaya siya nagkaganito.

MINEWhere stories live. Discover now