Chapter Twenty-Nine

1 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE: Perya

Tinapos ko na ang pagtimpla sa tubig ng bathtub. Napangiti nang humalimuyak ang bango nito. Amoy bulaklak. "Done. You can used it now"

Hinablot ko ang towel na nakasampay sa gilid. Lumayo nasa bathtub. Nilingon si Elizabeth na nakasandal sa mayroon hamba ng pintuan. Umayos na siya ng tayo tyaka hinubad ang suot na tsinelas.

Naglakad na ako palabas ng cr tyaka lumabas ng kwarto. Kailangan ko na ring magbihis. Nangangati na ang katawan ko sa putik. Marahil sa gamot na ginamit nila sa palay.

Pumailalim na ako sa shower. May ngiti sa labing nagbabad dito. Damn. Elizabeth, what have you done to my senses? And this? Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Ang bilis pa rin ng kabog niya! Damn.

Honestly? Hindi ko ito naramdaman noon kay Ziffany. Even to Anastacia. Ngayon lang. Yes. I love them but it's not as strong how I feel for Elizabeth right now. I think.. I was falling for her?

Napahinto ako. Frustrated kong nagulo ang basa kong buhok sa realization na iyon. Damn. Nagkakagusto na ba ako sa Aragon Princess? How come? Sobrang iksi ng panahon na magkasama kami? Posible ba iyong mangyari? Na magkagusto ako sa kanya sa iksi ng panahon na magkasama kami? Malala ka na nga Dailstone Isla!

Minadali ko na ang paliligo. Tyaka nagbihis na rin. Isang puting T-shirt ang isinuot ko at isang kacki short. Ang daliri ko na lang ang ginawa kong panuklay sa basa kong buhok. And after that I went to her room. I mean to my own room. I smiled.

Ang sarap talagang isipin na hinihigaan niya ang kamang ginagamit ko. Iuutos ko sa mga katulong na wag labhan ang bedsheet para naamoy ko pa ang amoy niya. Wt? Tsk. Anong pag-iisip iyon?

Kumatok muna ako sa pintuan. Mahirap na. Baka makita ko na naman siyang towel lang ang suot. May magawa pa akong hindi maganda. Mahirap na.

Humalimuyak ang amoy ng ginamit na bath perfume ng bumukas ang pintuan. Ang mukha ni Elizabeth ang sumungaw mula sa loob. Maaliwalas na. Malinis. At kaysarap siyang ikulong sa mga bisig ko. Putek ka! Namamanyak ka na naman!

"H-hi?" tumaas ang kilay niya bago niluwangan ang pagkakabukas ng pintuan. Pumasok na ako sa loob. Ang bango niya talaga!

Sinundan ko ng tingin ang paglapit niya sa side table. Dinampot ang suklay tyaka naupo sa kama. Nilapitan ko siya. Ang bilis niya yatang maligo ngayon? Pero okay na rin para hindi ako nahihirapan ngayon.
Napatingin ako sa umangat na suklay sa harap ko. Anong gusto niyang gawin ko? Don't tell me..

"Do you want me to comb your hair?" I asked her.

Ito na naman ang pagbaling ng leeg niya sa may bintana. Hindi siya sumagot. Kapag sinusumpong talaga siya sa katamaran. Hindi talaga siya kikibo. I sighed.

Kinuha ko ang suklay mula sa kanya. Sinimulan na suklayin ang basa niya pang buhok. I love doing this forever. Ang sarap sa ego na alagaan ang isang mailap na prinsesa. Ganito ba ang pakiramdam ng mga pinsan niya? Iyong pakiramdam na para kang nanalo sa lotto? Na tila ba binigyan ka ng korona? Handa mo depensahan para hindi maagaw ng ibang hari sayo? Nakakataas ng pagkalalaki!

"Anong iniisip mo?" she asked out of a blue. Kinamot pa niya ang leeg. Kasunod ang braso.

Pansin ko ang pamumula nito. Nangunot ang noo ko. May pag- aalalang kinuha ang braso niya. Pinaharap sa akin. Bakit may pasa siya? Pasa ba talaga? O, rashes? Buong katawan mayroon. Even her legs?

"May allergy ka ba sa palay?" I asked. Hindi siya kumibo pero napatango. Damn! "Bakit hindi mo sinabi?" asar ko siyang binitawan.

Umalis sa kama at naghalungkat sa may cabinet ko. Hinanap doon ang isang botelya ng gamot sa mga allergy. "Here. Take this" mariin kong utos.

HIRAM NA KATAUHAN (Finding True Love Series #1) Where stories live. Discover now