Chapter Twelve

1 1 0
                                    

CHAPTER TWELVE: The wrath of Senator Clarkson!

"WHERE IS MY DAUGHTER?"

Kasama ko si Lola na nilapitan namin si senator Clarkson. Nakapamayweng pa siya habang sinasamaan ng tingin ang mga taong kaharap.

"Senator Clarkson. Let talk in private. Don't make a scene here" seryosong litanya ni Papa. Katabi niya si Mama. Nakabantay sa pwedeng gawin ni Papa kay Senator Clarkson.

Nagsukatan sila ng tingin. Matatalim ang mga mata ng senador. "Pinagsabihan na kita. Hindi ba? Ilayo mo ang anak mo sa anak ko" nag-igting ang panga pa ng senador habang sinasabi ito.

"Hindi ko nakakalimutan, Senator. Ang problema nga lang. Ang anak mong si Anastacia ay kaibigan ng anak ko. Hindi naman kami ganoon kasamang tao na itrato ng hindi maganda si Anastacia" sagot naman ni Papa.

"Senator  Clarkson" nagsilapitan na rin sina Kuya Gary, Kuya Joseph, Stone at Kuya Elizarde sa kanilang pwesto.

Isang masamang tingin kaagad ang nakuha ni Kuya sa senador. "Nasaan si Asia?"

"Dad"

Ang tingin niya ay nabaling sa akin. Ako naman ngayon ang nakaani ng isang matalim na tingin. "Pack up all your things. You will come with me. Whether you like or not, Anastasia!"

"But Senator? Kasama namin siyang pumarito. Kasama rin namin siyang aalis" It's kuya Elizarde. "Bakasyon lang ito. Walang ibang dahilan" dagdag niya pa.

"Bakasyon? Kaya kong ibigay sa anak ko ang marangyang bakasyon! Nang hindi kayo naabala! Kaya mawalang galang na. Anastacia, kikilos ka ba? O, kakaladkarin pa kita?" may pagbabanta nasa kanyang tono.

Napangiwi ako sa inaakto ng senador. Malayo sa nakikita kong walang pakealam kay Anastacia. Isang ama na may sariling mundo.

"No" ang sagot kong iyon ang nagpatigil sa lahat.

Ito na ang oras para ipaalam sa kanya na hindi na niya pwedeng kontrolin ang buhay ni Anastacia. Na hindi na ito di- depende sa kanya. Na may sariling desisyon si Anastacia.

"Anong sinabi mo?" doon na nagliyab sa galit ang mga mata ng Papa ni Anastacia. Mas lalo akong napangiwi sa nakikita.

"Bakit Dad? Wala na rin ba akong karapatan na tumanggi? May sarili na po akong pag-iisip. Hindi na po ako bata!"

"Wag kayong magsigawan dito. Kung ano man ang gulo sa pagitan niyong mag-ama. Pag- usapan niyo nang mahinahon sa tamang lugar. Nakakahiya sa mga tao" singit nang saad ni Tanda. Nababakasan ko rin ng awa ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.

"Manahimik ka!" Damn! Sinigawan niya ba si Tanda? O, crop! "At ikaw? Wag mong sinusubukan ang pasensya ko"

Nagulat ang lahat ng lapitan ako ni Senator Clarkson tyaka kinaladkad paalis. "Ano ba, Dad! Nasasaktan na po ako!" pilit kong tanggalin ang kamay niyang humahawak sa akin.

Mahigpit. Masakit. Iyan ang ramdam ko sa pagkakahawak niya sa aking kamay.

"Senator Clarkson! Bitawan mo si Asia. Nasasaktan na siya!" puno ng pag-aalalang sigaw ni Stone sa kanya.

Pero hindi na siya pinakinggan pa ng Papa ni Anastacia. Marahas niya akong isinakay sa chopper sa medyo kalayuang distansya sa grupo namin. Kaya pala hindi ko ito napansin kanina nang lumapag.

"Let's go"

Wala na akong nagawa pa nang magsimulang umangat na ang chopper. Pinanood ko sina Stone na humahabol sa aming pag-alis. Tiningala ang chopper na papalayo. I mouthed 'I'll be fine' and give him a gentle smile.

HIRAM NA KATAUHAN (Finding True Love Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon