Chapter Ten

1 1 0
                                    

CHAPTER TEN: Between life and death

Nangatal ang buo kong katawan sa nakikita ko. Ano bang nangyayari? Nasaan ba ako? Sa huli kong tanda ay nasa kwarto ako ng mansyon namin. Pero ngayon. Bakit para akong nasa paraiso?

Binabangungot ba ako? Tiningnan ko ang kabuoan ng lugar na kinatatayuan ko. Nasa isang mapunong lugar ako. Ang tubig sa batis na konektado sa talon ay kumikinang sa tama ng liwanag. Ang huni ng mga ibon ay tila ba naging musika sa aking pandinig. Ang malamig na simoy ng hangin. Nagbigay sa akin ng kaginhawaan. Ang katahimikan ay nagbibigay rin sapat na enerhiya para makapag-isip ka ng mabuti. Ang makapag- muni-muni. Pagnilayan ang mga nagawa ko habang nabubuhay, mabuti man o masama.

"Where the hell am I?"

Damn. Bakit ba ako nandito? Paano ako napunta sa ganitong kaweirdong lugar. Pakiramdam ko kasi ay nasa loob ako ng lugar ng mga diwata. Omy!? Don't tell me. Naengkanto ako?

"Betty" isang malamyos na boses ang narinig ko. Pamilyar sa akin ang kanyang boses. Narinig ko na dati pa.

Hinanap ko ito. Isang nakaupong babae ang nakita ko sa medyo kalayuan sa akin. May hawak siyang harp na kanyang tinitipa. Diwata ba siya? Kasi naman. Nakasuot si Ateng ng puting damit at may bulaklak pa sa kanyang ulo. Napakaputi rin ng kanyang buong katawan. Na tila ba umiilaw pa.

"Betty"

Kilala niya ako? Kusang naglakad ang mga paa ko patungo sa kanya. Halos panlakihan ako ng mga mata sa aking nakita. Imposible! Paano?

"Kamusta ka na?" her sweet smile melt my heart. Malayo nasa babaeng nais magpakamatay! Subalit nasa kanyang mga mata ang kalungkutang nadarama.

"Anastacia?" teka! Bakit ko ba siya nakikita? "Panaginip ba ito?" naguguluhan ko pa ring saad.

"Halika rito. Maupo ka. Samahan mo akong mag-harp. Maganda ang aking inilikhang musika" ang boses niya napaanghel sa aking pandinig.

Naupo ako sa tabi niya. Pinanood ang pagsisimula niyang magpatutog ng hawak na harp.

"Bakit kita nakikita? Babalik ka na ba?" hindi ko naiwasan na malungkot at matakot kung iyon nga ang kanyang pakay sa pagpapakita niya sa akin.

"Hindi. Wala na akong balak na bumalik pa"

Matutuwa na sana ako eh. Ang kaso. Maraming naghihintay sa kanyang pagbabalik. "Bakit? Ang sarap kayang mabuhay. Ang swerte mo nga eh. Maraming nagmamahal sayo. Kung ako? Bibigyan ng second chance to live? Nanaisin ko pang mabuhay"

"Wala naman na akong babalikan pa doon"

"Marami, Anastacia. Sobra ka nilang mahal. Mahal na mahal. Ang mga taong iyon? Na tinalikuran mo? Tinakasan mo? Naghihintay pa rin sila sayo?"

"Para ano? Saktan akong muli? Ayoko na Betty. Pagod na ako" asar kong nagulo ang buhok.

"Pwes! Kung ayaw mong bumalik! Ako ang babalik!" galit na akong tumayo't iniwan siya.

KINAUMAGAHAN ay nagising na lang ako sa sarili kong hagulhol. Panaginip? Niyakap ko ang tuhod ko nang makabangon na ako. Bakit ba ayaw niyang mabuhay? Bakit ba ayaw niyang bumalik? Ang tanga niya ha!

Ako nga gusto kong mabuhay pero heto ako nakakulong sa katawang nais niyang iwanan. Kahit mahirap ninais ko pa ring magpatuloy. Kahit nasasaktan ako sa di malamang kadahilanan ay ginagawa ko ang best ko just to make sure na maging okay na ang buhay niya. Na hindi na siya mahihirapan pa. Na hindi na siya tatakbo pa.

"Bakit ba nabuhay pa ako? Kung hindi ko naman buhay ang mayroon ako" naiiyak ko nang saad.

Oo. Gusto kong mabuhay ng matagal. Oo. Gusto ko pang dugtungan ang buhay ko. Pero sino ba ako para magreklamo sa iniadya ng diyos sa aking tadhana. Kung maiksi man ang ibinigay niya sa aking pananatili. Bakit pa ako magre-reklamo? Bakit hindi ko na lang gawing maayos ang lahat. Gawin ang makakaya ko para sa ikabubuti ng ibang tao.

HIRAM NA KATAUHAN (Finding True Love Series #1) Where stories live. Discover now