Chapter Twenty-Four

1 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR: Abducted?

"No! Please don't hurt him!"

"Stop! Elizarde!"

"No. Please. Please. Please. Tumigil na kayo! Ano bang kailangan niyo sa amin? Pera? Give me your phone. I'll call my dad. Handa silang magbigay ng pera, malaking halaga? Kaya please pakawalan niyo na kami!"

*PAK!

"MANAHIMIK KANG BABAE! ANG INGAY MO!"

"Damn you. Hurt her again I'll swear on your tomb! I'll bury you alive!"

Dahan-dahan kong iminulat ang nanlalabo kong mga mata. Kumislot ako para maka-ayos sana ng upo. Nangunot pa ang noo ko nang mapagtantong nakatali ako sa upuan? Wth? What is going on? Gulat kong tiningnan ang mga taong nasa harapan ko. Hirao ko silang aninagin dahil sa panlalabo pa rin ng mga mata ko.

"Boss, gising na ang isang ito!" napa-angat ang tingin ko sa sumabunot sa akin. Tsk. Bakla ba ito? Babae lang ang alam kong pwedeng sumabunot? Isang matalim ang tinging ipinukol ko sa kanya. Bad breathe! "Ang tapang mo ah!"

Napayuko ako ng marahas ng bitawan niya ang buhok ko. Tsk. Kapag ako nakalbo! Ang buhok niya ang uunahin kong ahitin!

"Ano bang mayroon sayo? Bakit pinagtutuonan ka atensyon ng Aragon Princess?" blangko ang ekpresyon kong tiningnan ang mukha ng lalaking yumukod sa aking harapan. Pinagsasabi nito?

Napabali ang leeg ko kay Elizarde nang maring ko ang nakakakilabot niyang halakhak. Iyong tawa na tila ba nababaliw na siya. Na may nasabing nakakatawa ang lalaki.

"Why you don't hurt him? Punch him ? Ahh. Ito mas magandang ideya. Kill him. Then you'll know the answer" nakangisi nitong palatak.

Cursed you Elizarde! Pinagsasabi mo! Balak mo talaga akong mawala sa landas mo para masolo si Anastacia? Tinaliman ko ang tingin ko sa kanya.
Napangiwi ang lalaki.

"Para ano? Masolo mo ang babaeng ito?" umayos ng tayo iyong lalaki tyaka naglakad palapit kay Anastacia na tigmak ng mga luha. Nagpumiglas si Elizarde nang hawakan nito ang panga ni Anastacia. Bumakas ang matinding galit sa mga mata niya.

"Don't touch her!" nakita ko ang takot na lumarawan sa mukha ni Anastacia. Pinilit kong igalaw ang mga kamay ko. Sinubukan na makawala. Pero damn it! Mahigpit ang kanilang pagkakatali sa akin!

"Papatayin talaga kita!"

"Balita ko. Pinag-aagawan ka ng dalawang ito?" litanya lang ng lalaki. Hindi pinansin ang pagbabanta ni Elizarde. "Ano bang lasa mo?"

"Masarap boss! Halata naman sa katawan! Magaling siguro sa kama ang isang iyan!" sigaw ng tauhan nito. Sinamaan ko siya ng tingin. Kanina pa ako nabubwesit!

"Sigurado ka? Ano kaya ang mayroon sa ilalim ng damit na ito?" rinig na rinig ko ang pagtili ni Anastacia nang punitin ng walang hiya ang suot niyang blouse. "Woh!"

"Cursed you! Let her go! Ako naman ang pakay niyo hindi ba? Pakawalan niyo siya!" sigaw na ni Elizarde.

Kumuyom ang kamao ko sa sobrang galit na nadarama. Anong karapatan ng lalaking ito na bastusin si Anastacia? Marami ng napagdaan si Anastacia na hindi maganda. Hindi na dapat pang maulit. Nagsimula nang dumilim ang kaanyuan.

"Manahimik ka! Naglalaro pa kami ng syota niyo!" nagsisigaw si Anastacia nang pumasok ang kamay nito sa ilalim ng hita niya.

"Putakte ka!" galit ko nang sigaw na ikinalingon nila sa akin. Nakalimutan yata nilang nandito ako? Inalo ni Elizarde si Anastacia.

"Anong sinabi mo?" galit nitong baling sa akin. Nginisian ko siya na ikinabagsik ng kanyang mukha.

"Kill yourself, bad breathe!" dinuruan ko siya sa mukha. Mas lalong naulol ang loko. Marahas niyang hinugot ang baril niya sa bewang. Inihampas sa aking mukha. Napabali ang ulo ko dahil doon.

HIRAM NA KATAUHAN (Finding True Love Series #1) Where stories live. Discover now