Chapter One

2 1 0
                                    

CHAPTER ONE: My old self

"Elizabeth! Ano ba? Babangon ka ba diyan o gigisingin ka nang malamig na tubig! Tanghali na! Walang kasama ang Tiyang mo sa ating pwesto. Hala! Sige, gising! At papalaot pa kami ng Tiyo Mando mo!"

Pupungas-pungas pa akong napabangon sa aking kinahihigaan. Nakasimangot na tiningnan ang labas ng bintana ng aming tahanan. Tanghali ka diyan? Hindi ko pa nga nakikita ang sikat ni haring araw sa labas. Ano ba naman si Itay, may sariling timezoon.

"Ano? Gising ka na ba?"

"Oho!"

Nagawa niya pa akong silipin sa aking silid na may ngisi sa labi. "Mabuti naman kung gayun. Ako'y hahayo na. Ikaw na ang bahala sa ating bahay. Ikandado mo na lamang bago ka umalis" mabilis rin siyang umalis sa pintuan.

Naririnig ko pa ang kanyang kaluskos sa maliit naming kusina at ang mga yabag nila ni tiyo na papalabas ng aming tahanan. Kahit na tinatamad na bumabangon ay napilitan akong kumilos para sa panibagong araw na dumating sa buhay ko. Kailangan kong gawin. Kailangan kong magpatuloy.

Ang bawat kilos ko ay may kalakip na pagmamadali. Sa paliligo. Paglilinis ng bahay at sa pagkain ng agahan. Ang ilang oras na dapat ay mailaan para dito. Naging minuto na lang para sa akin.

Sinigurado ko munang nakakandado ang lahat ng pintuan at bintana ng aming bahay bago ako tuluyang lumisan.

"Tiyang!!

Isang matandang babae na nasa midst 40 ang napalingon sa aking direksyon. Nakita ko pa ang kanyang pagsimangot nang makita ako. "Tanghali ka na..

Masungit sa akin si tiyang. Hindi ko nga lang alam kung bakit eh. Basta ayaw na niya sa akin sa simula pa lang. Naaalala ko pa noong bata pa ako. Palagi niya akong sinisigawan. Napapalo ng walis tambo kapag tumatakas ako sa bahay para lang maglaro. Ganoon siya kalupit sa akin.

"Pasensya na po..

Hindi ko siya magawang sagutin dahil siya na ang tumayong nanay ko sa simula pa lang. Malaki ang  respeto ko sa kanya.

Sinamaan niya ako nang tingin. O, ano pa ang tinatanga-tanga mo diyan? Hala! Sige! Magsimula ka nang maglako!

Hindi ko naiwasan na panulisan ng nguso sa kasungitan ni tiyang. Na lalong ikinasama ng timplada sa mukha niya.

"Ate! Bili na po kayo! Sariwang isda ho!!!" paninimula ko sa aming paglalako.

"Kuya? Ano pong hanap niyo? Bangus po ba? Meron po kami..Bangus Dagupan po!

"Magkano isang kilo?

"150 pesos po..otsyenta ang kalahi"

"Ang mahal naman..di ba pwede 50 pesos na lang? Mukha pa namang bilasa..

"Ay naku..kuya..nasisigurado ko pong highly quality ang mga paninda po namin. Accredited po yan mula sa BFAD..trusted po ang isda po namin. Sariwang-sariwa. Bili na po kay!

"Parang ikaw? Sariwa pa?" ang tinging ibinigay niya sa akin ay hindi ko nagustuhan. Pakiramdam ko ay tila ba hinuhubaran na niya ako sa kanyang isipan.

Nag-igting ang bagang ko nang palihim. "Kung magpapalapad papel ka lang naman sa pamangkin ko, Dindo. Hala.. Maaari ka nang umalis" pananaboy ni tiyang sa kanya.

"Aling Gloria, kay-aga-aga napakasungit niyo. Ngiti nman diyan oh..sige kayo. Mabilis kayong tatanda niyan. At isa pa, ayaw niyo bang makapag-asawa na iyang si Beth"

"Kung ikaw lang naman na isang dakilang palamunin ng nanay mo ang mapapangasawa nitong si Beth namin? Wag ns lang. Mas nanaisin ko pang tumandang dalaga siya kaysa ang magdusa habang-buhay" mata-touch na sana ako eh..kaso..

Si tiyang ayaw akong magkasawa? Naku naman..wala akong planong tumandang dalaga! Dinaig niya pa si tatay kung maghigpit sa akin.

"At ikaw? Hala!! Balik sa trabaho..kay-aga-agang paglalandi ang ginagawa!

Wala na akong nasabi pa. Ang harsh magsalita ni tiyang! Lahat ng mga nagtangkang manligaw sa akin. Siya ang humaharap. Hindi si tatay. See? Napaka niya! Kayahindi nakatakatakang NBSB ako.

Bago pa man sumapit ang ika-sampu ng umaga. Dumating na sina tatay at tiyo Mando galing laot. At oras na para sa isa pa naming trabaho. Delivery.

"Sampung kilong tuna ang order ng tiya Susan mo. Tatlo naman ang sa tito Bado mo..

"Tig-isang kilong bangus at tilapia ang kay Kuya Gary? Tama?

"Oo..dalian mo..oras na nang kanilang call time"

"Okay..

Mabilis akong tinulungan ni tatay na isakay ang lahat ng mga delivery sa basket ng scooter kong kulay pula. "Mag-iingat sa pagmamaneho" pahabol pa ni tatay sa akin bago ako tuluyang makaalis sa aming pwesto.

"Tiyang!!!

"Beth..ang maganda kong mag-iisda!!" natutuwa niya akong sinalubong sa may back door ng kanilang kainan. Kasabay ko pa ang panganay niyang anak na si Hanalulo. May bitbit ring mga gulay. Marahil panghabol na rekado sa kanilang menu.

"Blackbuster po ba?

Kinuha mula sa akin ng mga tauhan niya ang bitbit ko. "Oo..alam mo naman.. Papasimula na ang ating piyesta"

"Mabuti naman po kung ganoon..o sige po. Mauuna na po ako. At baka ako'y mapagalitan pa kapag nalate ang mga delivery ko po"

"Ingat sa daan" isinunod ko si tiyo Bado na may pwesto namang ihawan ng mga seafood. "Delivery po..

"Pakilagay na lang sa freezer, Beth!!!" busy si tiyo sa pag-iihaw at pagtitinda ng mga isda. "Sige po..

"Mauna na po ako!!

"Ingat sa daan!!

At ang huli ay si kuya Gary na may kilalalang restaurant sa aming probinsya. "Here it comes...my pretty tindera!!

Hindi ko naiwasan na mapangiti sa maaliwalas niyang mukha na sumalubong sa akin. "Si kuya talaga..

"DAMN!!! ONE MORE SHOT OF BRANDY!!" malinaw na rinig kong sigaw ng isang costumer niyang nasa loob ng restaurant. "Haist..he's annoying.. Pakibigay na lang kay Marisa ang mga dalahin mo. Aayusin ko lang ang isang ito" naiwan akong may kunot sa noo.

"Stone..that's enough.. You're drunk already. You're causing a trouble again!" kalmadong saad ni kuya Gary sa nagwawala.

"Am I? Pfftt..you're wildest dream Gary..give me one another shot!

"No..you should go home. Tita is worrying on you"

"Tita?. Tsk. Your mom to be exactly. Half brother"

"Go home"

"Teh...pakisabi na lang po kay kuya Gary na umalis na ako. Marami pa po akong gawaing kailangan matapos" pamamaalam ko kay ate Marissa. Ang head sa kusina ni kuya Gary.

"Sandali!!!" napatigil ako sa akmang pagbubukas ng backdoor. "Po?

"Mag-iingat ka sa daan. Malapit nasa sayo ang kapahamakan" I blinked. Something weird. "Umiwas ka sa matatarik na lugar at kotse na may itim na kulay" Ha?

"Sige po" yun na lang ang naisatinig ko bago tuluyang umalis ng restaurant. Hindi binigyan pa nang pansin ang kanyang mga sinabi.

HIRAM NA KATAUHAN (Finding True Love Series #1) Where stories live. Discover now