Chapter Nine

1 1 0
                                    

CHAPTER NINE: Elizarde birthday

May ngiti kong pinanood ang mga bisita ni Kuya na patuloy sa pagdagsa. Kinakamayan lahat sila ni Kuya na pasulyap-sulyap sa aking direksyon.

Kumiskislap ang mansyon ng mga Aragon sa makukulay na christmas decors na marahil gawa na naman ni lola.

"Masyado siyang nag-aalala sayo. Tsk" naiirita namang litanya ni Stone sa aking tabi. Kanina pa ito umiinom ng alak at halata nang lasing. "Kasama mo naman ako. Bakit pa siya nag-aalala?"

"Baka may nagawa kang mali sa akin. Kaya siya ganyan?" nakanguso ko namang sagot.

"Oo na. Gago na ako. Ako na ang walang hiya na nagpapaiyak sayo palagi. Ang gagong walang ginawa kundi saktan ka"

"Alam mo bang ayon sa nabasa ko. Kung sino pa ang mga taong mahal natin ang siyang madalas na nakakasakit sa atin. Pero wala naman tayong magawa kundi tanggapin muli sila. Kasi nga mahal natin" isinubo ko ang hawak kong marshmallow. Actually, isang bowl ito. Bigay ni kuya.

"Tsk" namayani sa amin ang katahimikan. Ewan ko ba sa kanya kung bakit siya natahimik na lang. Huh! Aba! Pake ko ba? Basta ako may marshmallow? Okay na! "I thought you hate mallows?"

Nabitin sa ere ang hawak kong marshmallow sa sinabi niya. "Simula pagkabata natin. Hindi kita nakitaan na kumakain ng mallows? At ganyan karami pa?"

Napalunok ako ng ilang beses. Crop! Nakalimutan ko. Ako nga pala si Anastacia. Hindi si Elizabeth na mahilig sa matatamis! Sa ilang buwan ko sa katawang lupa ni Anastacia. Naiiba talaga siya sa akin. Hindi siya kumakain ng matatamis kasi nga bawal sa kanya. Bata pa lang is obbess na siya't may diabetes pa. Then anchovies na hilig ko. Bawal rin siya! May fear of height rin siya na wala sa akin. Takot lang ako sa kulog at kidlat. May takot rin sa baril si Anastacia at sa clown.

Shit. Na carried away na naman ako! "Hindi ba bawal sayo ang matatamis?"

"Minsan lang naman eh" mariin kong tinitigan ang bowl ng marshmallow na binitiwan ko sa isang tabi. "You're weird"

"Am I?" he chuckled. "Kung hindi lang sana matino ang pag-iisip ko. Malamang iisipin kong naging ibang tao ka. Hindi ikaw si Asia. Ang kaso, hindi eh"

Natameme ako. I bit my lower lip. Shocks! Kainis! Hindi ko magawa ang mga gusto ko. Kasi nga bawal sa kalusugan ni Anastacia.

Ginulo-gulo ni Kuya ang buhok ko nang makabalik siya sa aming pwesto. May hawak na siyang baso ng alak. "Oh, ayaw mo na ng marshmallow?" may ngiti sa labi niyang saad.

"Hindi ba ikaw ang dapat na manaway sa kanya. Hindi ka ba aware sa sakit ni Asia?" naiinis namang talak sa kanya ni Stone.

"Alam ko" ha? Alam niya? Eh bakit hinahayaan niya lang akong gawin?

"Tarantado ka pala eh"

"I know. Alam ko ang lahat ng tungkol sa kanya. Ang hilig niya. Ang mga ayaw niya. Ang mga bawal sa kanya. Nagbibigay kasiyahan at lungkot. Alam ko lahat iyon, Stone. Kaya mo akong sigawan!"

Nagsukatan sila ng masamang tingin bago napaiwas si Stone sa kanya. "Simula pa pagkabata nating tatlo ay inalam ko ang lahat ng iyan. Ikaw ba? Kailan mo nabigyan ng atensyon ang mga simpleng bagay nagbibigay saya kay Asia?"

"Tsk" nahuli ko ang paglabas ng ugat sa sentido ni Syone. Naiinis ba siyang isampal ang pagiging walang kwenta niya kay Anastacia?

"Noong mga panahon na umiiyak siya. Ako ang kasama niya. Noong panahon na nasasaktan siya. Ako ang gumagawa ng paraan para bumalik ang mga ngiti sa labi niya. At ang panahon na iyon? Binalewala mo siya, Stone. Ginago mo siya! Kaya wag mo akong tawaging tarantado. Dahil sa ating dalawa. Ikaw ang mas gag*!" inisang lagok pa ni kuya ang laman ng kanyang baso.

HIRAM NA KATAUHAN (Finding True Love Series #1) Where stories live. Discover now