Chapter Twenty-Five

1 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE: The abducted groom!

Nagpalakad-lakad ako sa loob ng condo ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa aaw na ito. Gusto kong tumakbo at magpakalayo-layo na lang. Wag nang sumipot sa kasalan ngayong araw.

Yes. Today is my wedding day! Pero hindi ako masaya! Hindi ako excited katulad ng mga kwentong naririnig ko mula sa ikinasal na. Kabaliktaran pa nito. Ayoko. Hindi ko gusto ang magtuloy sa simbahan. May nag-uudyok sa akin na wag na lang sumipot. Na sinasabing pagsisisihan ko ito habang-buhay kapag itinuloy ko.

Frustrated kong nagulo sng buhok ko. Bakit ko ba ito nararamdaman? Mahal ko si Anastacia? Mahal ko siya!?

Napahinto ako sa pag- aalinlangan sa pag-amin ko sa nararamdaman ko para kay Anastacia.

"Mahal ko siya" bakit naiiba ito sa isinisigaw ng puso ko. Malayo nasa katotohanan. Haist!

Tumitig ako sa cp kong umiilaw. Nag-flashed ang pangalan ni Elizabeth. Simula ng araw na nakidnap kaming tatlo nila Anastacia. Kinuha ko na ang number niya kay Gary. Nakangisi lang ang loko na ibinigay sa akin. Binigyan niya pa ako ng makahulugang tingin nang araw na iyon. Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ba. O hindi?
Kusang kumilos ang katawan ko. Hawak na ang cp kong umiilaw. Bago pa man ito mamatay ay sinagot ko. (...

"Who is this?" cursed you, Stone for being a liar! (Elly)

Ang tipid niyang magsalita ha. Kailan ba magiging mahaba ang mg kataga niya?

"Elly?" damn it! Bakit ba ako kinikilig sa boses niya? Nakagat ko ang ibabang labi ko. Napapikit ako ng mariin. Mali ito! Ikakasal na ako! (Can I go a ride with you?)

"Sure" hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bigla akong nabuhayan ng dugo sa tawag niya. Nawala ang frustation ko sa katawan. Nawala ang kanina pa bumabagabag sa akin. "Nasaan ka?"

Mabilis kong napasok ang elevator tyaka pinindot ang basement ng condo which is ang parking area. (Parking)

"Papunta na ako" pinatay ko na ang tawag.

May ngiti sa labing tiningala ang floor number ng elevator. Tinakbo ko ang paglabas sa elevator at nagmamadaling hinanap si Elizabeth sa parking. Hindi na ako nahirapan pa. Dahil nasa tapat na siya ng kotse ko. Nakasuot ng puting gown. Marahil ito ang suot niya bilang bridesmaid ni Anastacia. And that thought, hit me.

Crop! Sa simbahan pala ang punta namin. Lihim akong nanlumo sa isiping iyon. Humihiling na sana ay mag-aya na lang siya sa ibang lugar. Wag lang sa simbahan.

"Where is your car? Your cousin and reapers?" nagpanggap akong hindi naapektuhan sa kanyang presensya.

Ang nakayuko niyang ulo ay umangat sa akin. Bumagsak sa mukha ko. Wala na naman ang ekpresyon ng kanyang mga mata. Lalo pa itong lumalim ngayon. Mahirap basahin ang nilalaman ng kanyang isipan.

"Elizarde steal my car. I don't know where is he. Hindi ko alam ang simbahan kaya nagpahatid ako sa taxi dito sa condo mo" ang haba nun ah! Himala yata!

"Okay" akma ko na sang bubuksan ang pintuan ng kotse ko nang may humampas na matihas na bagay sa batok ko. Na naman?

Bumalatay sa akin ang takot at kaba ng makita ko rin si Elizabeth na tinurukan ng syringe. Mabilis siyang nabuwal at nawalan ng malay.

"Da..mn..

No not her!

Katulad nang paggising ko noong nakidnap ako noong nakaraang buwan. Nakatali ang kamay ko sa likod ng upuan. May busal ang bibig ko. Iginala ko ang tingin ko sa buong lugar kung nasaan ako. Madilim ang silid. Tanging ang patay-sinding bombilya ang nagbibigay liwanag sa loob. Nasaan na naman ako? Bakit ba lagi na lang akong naki-kidnap? Ang gwapo ko talaga! Tsk.

HIRAM NA KATAUHAN (Finding True Love Series #1) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang