Prolouge

5 1 0
                                    

PROLOUGE

"Bigyan mo ako ng rason para mabuhay?" malungkot niyang saad.

Nakakapagod ang ganitong set-up. Ang kumausap sa taong binigyan ng chance para mabuhay. Tapos ikaw na walang chance? Hihintayin mo na lang araw na ma-expired ang life line mo dahil sa magiging desisyon niya.

"Kailangan ka nila. Hindi ako. Anastacia. Tanging anak lamang ang makakaayos sa sirang pamilya niya. Ikaw ang kailangan ng parents mo. Wag kang matakot na bumalik. At magpatuloy sa buhay. Marami ang gagabay sayo. Magmamahal sa kabila ng nakaraan na mayroon ka. Wag kang susuko" tumayo na ako tyaka iniunat ko ang dalawa kong braso sa ere.

"Pagod na ako, Anastacia. Kailangan ko nang magpahinga"

"Hindi ko kaya" and she cried.

*
"Tapos na" pareho kaming napahinto.

Mas lalo akong napaiyak. "Si Anastacia na lang ang problema Kuya. Aalis na ako"

Sa pagtingala ko sa kanyang mukha ay ang pagpatak ng mga luha niya. Bakas ang lungkot at sakit. "Ayoko" mariin niyang wika.

Humarap ako sa kanya. Kahit na tigmak na ako ng mga luha. "Ito ang rason ko kaya ako bumalik sa katawan ni Anastacia. Ang itama ang mali sa buhay niya"

"Bakit ikaw pa?" tuluyan na siyang napaluha. "Bakit ikaw pa ang kailangan mawala?"

"Gusto mo si Anastacia? Seriously?" asar kong saad.

"Hindi sa ganoon..ang akin lang..

"Mas deserving siya kaysa sa akin. Mabuting tao si Anastacia. Mas kailangan niyo siya kaysa sa akin"

"Pero kailangan ka rin namin, Elizabeth! Kailangan ka ng pamilya natin! Bakit ka sumusuko kaagad?"

Napaiwas ako ng tingin. Tinalikuran siya. "Hindi sa sumusuko. Pagod na ako kuya. Pagod na akong mabuhay. Pagod na ako sa buhay na mayroon tayo" saad ko bago siya nilayasan.

"Sorry talaga. Hindi ko ginusto ang mangyari ito"

Sa pagkawala ni Anastacia ay tuluyan na akong napasigaw sa matinding emosyon na pinipigilan ko kanina pa. Bakit? Bakit ang unfair ng tadhana! Gusto ko pang mabuhay! Gustong-gusto ko!

"BAKIT!!!!

Nanghihina akong napaupo sa damuhan. Niyakap ang dalawang tuhod ko. Gusto ko pang mabuhay. I bit my lower lips. And I cried.

Ang taong ayaw mabuhay siya pa ang nabigyan ng chance na mabuhay. Ako? Ako na nagnanais na mabuhay pa. Marugtungan ang buhay ko? Ipinagkakait sa akin?

"Hindi ako ang nakikita mo two years ago, Stone. Hindi ako ang babaeng minahal mo. Marahil nakikita mo ang mukha pero hindi talaga ako ang minahal mo"

Ano bang pinagsasabi niya? Kung nais niya ng hiwalayan ako. Wag na sana siyang gumawa pa ng kwento para ayawan ko siya. Umigting ang panga ko. "What are you talking about?"

Napatingin ako sa itim na notebook na kinuha niya sa kanyang bag. Iniabot sa akin. "I'm sure. Magagalit sa akin si Elizabeth kapag nalaman niyang ginawa ko ito"

Elizabeth? Bakit napasama siya sa usapan? Nagtataka kong tiningnan si Elizarde na may seryosong tingin. "Alam kong hindi kapani-paniwala ang mga bagay na malalaman mo. Pero iyon talaga ang nangyari two years ago"

Kahit na nagtataka ay kinuha ko ang notebook. "Simulan mo ang pagbabasa mo sa araw na may amnesia ako. Malalaman mo ang dahilan kung bakit wala akong matandaan sa nangyari two years ago"

"Karapatan mong malaman ang katotohanan, Stone. Sorry for hiding this to you. Natakot lang ako na tawagin at itratong baliw. Sana maunawaan mo kami kung bakit namin itinago ito sayo"

Natatawa kong pinahid ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Ngayon naiintindihan ko na. Kaya pala may mali sa nararamdaman ko. Kaya pala nag-iba ng ganoong kabilis ang feelings ko toward Anastacia simula ng magkrus ang landas namin.

Hindi lang infatuation ang nararamdaman ko. O tukso lang na kailangan kong iwasan. Minahal ko talaga siya! Mahal ko siya. Hindi si Anastacia Clarkson!
Kundi ang babaeng nanghiram sa katawan niya. Ang babaeng almost a year na nacoma. At ang babaeng ninais na mawala na lang dahil sa pag-aakala niyang ang tunay na Anastacia ang minamahal ko. Hindi ang bago at hiram niyang katauhan.

"Elizabeth..

HIRAM NA KATAUHAN (Finding True Love Series #1) Where stories live. Discover now