Chapter Twenty

1 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY: Goodbye!?

Sa hinaba-haba ng byehe namin ni Stone. Hindi ko na namalayan na aakyat na siya sa stage para tanggapin ang diploma niya sa araw ng kanyang pagtatapos sa college.

Masaya ako sa nagawa niyang achievement. Sa wakas nakatapos na rin siya. Same with Kuya Elizarde na hindi nakadalo na naman sa kanilang pagtatapos.

Kinakabahan na ako sa pagkawala niya ng ilang buwan. May hindi ba sinasabi sa akin si Kuya? May nangyari bang masama? Sana wala naman.

Pinalis ko ang agam-agam sa aking mukha nang makita ko si Stone na papalapit nasa aking pwesto. May ngiti sa kanyang labi. Heto na naman ang malakas na kabog ng puso ko kapag nakikita siya.

"Congrats!" masaya ko siyang sinalubong ng yakap. Hinalikan naman ako ng loko sa aking noo ng pakawalan mula sa yakap.

"Thank you. Here" napasunod ang tingin ko nang hubarin niya mula sa pagkakasuot ang medalyang natanggap. Malaki ito kumpara sa mga medalyang natatanggap ko noong high school. Hinawakan ko ito't iniangat. Pinakatitigang mabuti.

"Bakit mo sa akin ibinibigay?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Dahil ikaw ang rason kaya ako nakapagtapos. Kung hindi mo ako palaging sinusuportahan nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko pa nanaisin na tapusin ang kolehiyo" nag-angat ako ng tingin sa kanya.

He's smiling on me. Passion is now on his face. My throat dries. Nagkabara sa nakikita kong reaksyon mula sa kanya. Paano ko ba sasabihin na anytime by now ay pwede nang bumalik si Anastacia sa dati? Na hindi na niya makikita pa ang pag-uugali na mayroon ako ngayon? Malayo sa tunay na Anastacia.

Isang tipid na ngiti lang ang isinukli ko sa kanya. Katulad nang nakasanayan ko na. Ang mga barkada lang ni Stone ang kasama naming kumain after their graduation. Wala ang mga magulang ni Stone. Marahil mga busy sa kanilang buhay.

Si Mr. Isla well, hula ko nasa Europe pa rin siya. Ang Mama naman niya ay hindi ko pa na- met ever since na nagsimula itong sitwasyon namin ni Anastacia.

"Anong plano mo ngayon, Dude?" tanong ni Byron kay Stone. Napatingin ako sa mga taong kumakain sa loob ng restaurant. Marami-rami rin ang kanilang mga costumer. Hindi ko tuloy naiwasan na ma-miss ang resto ni Kuya Gary. Ang kusina nito na madalas kong tambayan.

"I'm planning to take over our company. My dad wants to retire as soon as I graduated in college"

"Ako? Well, balak kong sumabak sa showbiz industry. Pinagbigyan ko na si Papa. So, pangarap ko naman ngayon"

Nangalumbaba ako patingin sa isang batang babae na kumakain sa malayong distanya sa aming pwesto. Ang cute ng tali ng buhok niya. Piggy tail. At ang chubby niya pa kahit na nakatalikod siya sa amin. May kasamang matandang babae. Masaya silang naghaharutan. Halata ang closeness ng mag-lola? I smiled. I miss my childhood already. Ang panahon na si Lola Esther ang nakakasama ko sa Caramoan while busy ang parents namin ni Kuya Elizarde sa pag-aaway.

"Nana! I want to go bathroom" ang boses niya ay di ko naiwasan na mapangiti nang marinig. Kaliit pero kaylambing. Hinaplos ang puso ko ng kung anong emosyon na di ko mapangalanan. Hindi ko naman kilala ang batang babae. O nakausap man? May kakaiba na akong nararamdaman toward for her. Weird.

Sinundan ko pa rin sila ng tingin hanggang sa makalabas ng restaurant. Baka maghahanap ng pwedeng Cr sa loob ng mall. Kanina pa kasi mahaba ang pila sa restroom ng restaurant kung nasaan kami ngayon.

Nakangiti pa rin ako kahit na wala sila sa paningin ko. It's really weird.

"Hey?" untag sa akin ni Stone. Napataas pa ang kilay ko sa kanilang reaksyon. O, anong mayroon? Bakit ganyan ang mga mukha nila? May na-miss out ba ako sa usapan?

HIRAM NA KATAUHAN (Finding True Love Series #1) Where stories live. Discover now