Chapter Eighteen

1 1 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN: Forgiveness

Kahit na pagod ako sa byehe. May jetlag pa. Sa hospital kaagad ang aming diretso. Magkahawak ang kamay naming tinungo ang silid na sinabi ng nurse sa nurse station ng hospital. Pilit akong pinapakalma ni Kuya sa pamamagitan ng pagpisil ng palad ko.

Maingat kong binuksan ang pintuan para lang tumambad ang nakahigang si Tita Ariana. Sobra ang pagkaputla nito. Pagod ang mukha na tila ba hirap na mabuhay.

I cried. Anastacia. Bumalik ka na. Kailangan ka ng mama mo ngayon. "Asia?"

Tumakbo payakap sa akin si Manang. Humagulhol sa aking dibdb. "Nakita ko na lang siya kahapon sa bathroom ng silid nila ng Papa mo na wala ng malay. Katabi ang mga basyo ng alak at isang botelya ng sleeping fills" umiiyak nitong saad.

Kumalas ako sa yakap ni Manang. Luhaan na nilapitan si Tita Ariana at naupo sa tabi niya. Hinawakan ang kamay nitong nanlalamig na.

"Mama" tawag ko sa kanya.

"Ang sabi ng doctor sa akin. Na- over dose daw siya sa gamot. Pero luckily hindi ganoon kalala ang nakuha niya. Kailangan niya lang ng mahabang pahinga at iwasan na ma-stress ulit" pagpapatuloy nito.

Tumayo si Kuya sa tapat ko. Ipinatong ang isa niyang palad sa aking ulo. "She'll be fine" he said.
Pinahid ko ang mga luha ko.

"Nasaan si Papa?" hindi ko naiwasan na sumama ang timplada ng expression sa ideyang sinusundan na naman niya si Mama. Plano ba talaga nitong sirain ang mayroon siya para lang sa isang kabaliwan. Damn! Tanga ba siya? Swerte na nga siya kung tutuusin. Minahal siya ni Tita Ariana ng buo kahit na wala itong kapalit at kasagutan.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Tita Ariana. "Hindi ko siya makontak. Simula nang lumipad ka papuntang Europe? Hindi na rin siya umuuwi" malungkot na wika ni manang.

"I'll call him. Kailangan niyang malaman ang tungkol kay Tita" suhestiyon ni Kuya na kaagad kong pinigilan.

"Wala siyang kwentang tao. Pinabayaan niya kaming dalawa para lang sa isang kabaliwan" may bahid nang galit na saad ko.

"Asia. Wag kang magalit sa ama mo. Tatay mo pa rin siya" alam kong aware rin si Kuya na ganito rin ang mararamdaman ni Anastacia kung nagkataon.
Inis kong pinahid ang mga luha ko.

"Tatay? Kailan ba siya naging ama sa akin? Asawa kay Mama? Kahit kailan hindi siya nagpaka- tatay sa akin" umiiyak ko nang litanya. Lahat ng ito ay nabasa ko sa diary ni Anastacia. Simula pagkabata hanggang sa kasalukuyan.

Mas maswerte pa nga ako sa kanya. Kahit na may alitan sina Mama at Papa. Alam kong handa silang maging magulang para sa akin. Handang ayusin ang gulo para sa amin ni Kuya. Pero si Senator Clarkson? Isa siyang patunay na may taong bato na nabubuhay sa mundong ibabaw.

"Hush. Galit ka lang kaya mo nasasabi iyan. Wag kang padalus- dalos okay? Kahit anong gawin mo ay ama mo pa rin siya" natahimik ako. Haist. Naiinis pa rin ako.

Nagsimulang magtap na naman ang mga daliri ko sa balat ni Tita Ariana. "Asia..

"Mama..

Hinintay ko ang pagmulat ng mga mata niya. Namasa na naman ang mga mata ko nang magsalubong ang aming mga mata. "Ang baby ko"

Inalalayan ko siyang makaupo nang tangkain niyang bumangon. Nag-abot ng tubig si Kuya sa kanya. "Thank you. Naririto ka rin pala, hijo. Magkasama kayong umuwe? Nasaan si Stone?"

Napatikom ang bibig ko sa pagkabanggit ni Tita sa pangalan ni Stone. "Pasunod na pong uuwe" may ngiting wika ni Kuya.

"Kayong dalawa talaga. Hindi mapaghiwalay. Kaya galit na galit ang Papa mo eh" naiiling na lang na saad ni Tita Ariana. Parang hindi nanggaling sa suicide.

HIRAM NA KATAUHAN (Finding True Love Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon