Chapter Sixteen

1 1 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN: Robert Peter

Tahimik ang hapag habang kumakain kami. Walang kibo ang mga kasama ko. Tanging mga kubyertos na tumatama sa plato ang ingay sa loob ng kusina. Napapailing ako sa eksenang ganito. Hindi naman nakakatakot ang Papa ni Stone. Malamig lang naman ang tingin niya. Hindi palakibo. At maangas lang ang datingan. Mas nakakatakot pa nga si Tanda. May katabing katana sa hapag- kainan. Ginagamit niya once na di natipuhan ang pagkaing inihanda ng mga maid namin. Pumapatay sa mismong harap ng pagkain. Creepy right? Sa ganda ko bilang si Elizabeth. Natikman ko na ang talim ng katana niya. That was my sparing session. Sinasanay niya ako sa paggamit ng mga sandata. Hell. Five years old pa lang ako nun ah!

"So..you must be the only daughter of Senator Clarkson?" nag-angat ako ng tingin.

Napasinghap sila nang ngisihan ko siya. Bakit ba? Sa trip ko?
Tsaka. Nameet ko na pala siya dati pa. Sa isang auction sa underground business. Lumitaw ang isang nakakakilabot na ngisi sa labi niya. Sumandal ako sa backrest ng upuan. Pinaglaruan ng isa kong kamay ang tinidor na gamit ko. Hindi ako pwedeng gumawa ng isang great show sa pagitan namin ni Mr. Isla. Si Anastacia ang mapapahamak kapag nagkataon.

"And you're smirk seem familiar to me. Did we met before?" isang matamis na ngiti na ang lumitaw sa labi ko.

"Hindi pa po. This is the first time we met, Sir. Maybe, a someone. But not me" makahulugan ko na saad na lalo niyang ikinangisi niya.

"And your attitude seem familiar to me also. Weird?" mas lalo akong napangiti sa inakto niya. Napakibit-balikat na lang ako. "I like that girl" ako ba ang tinutukoy niya? "The empress of Aragon Clan. I love her fierce eyes. And she's cool!" nangingiti niyang saad pa. Bumaling siya kay Kuya. "I heard what happen to your sister, Mr. Cornelio. Condolonce"

Nag-angat ng tingin si Kuya. Katulad ko ay pinaglaruan niya ang gamit na tinidor. Kung anong kilos ng kamay ko ay kaparehas ng sa akin. Pareho kami ng mannerism sa hapag- kainan.

"Thank you, Sir" magalang na wika ni Kuya. Nasa mata pa rin niya ang matinding kalungkutan sa aking pagkawala. I sighed.

"So, you're be her replacement?"

"Yeah. For the meantime? Not forever" makahulugan niyang saad.

Inihinto ko ang paglalaro ng tinidor nang mapansin ang paglipat-lipat ng tingin ni Robert sa akin at kay Kuya. Lalo nasa kamay ko at sa kamay nito. Seryoso ang kanyang mukha. Napatingin ako sa backdoor nang bumukas ito. Isang maid ang may dala ng bagong pitas na ubas.

"Oh? That must interesting" sinulyapan pa ako ni Mr. Isla na makahulugan. Hindi ko siya pinansin pa. Nanatili ang atensyon ko sa ubas ng inilalapag ng maid sa lamesa.

"I saw your grape's plantation. Can we see?" I asked.

Kay Mr. Isla nabaling ang atensyon ko. Umarko ang kilay niya. "Ms. Lileth?"

"Yes, Sir?" lumitaw naman ang isang kaedaran namin na babae. May ngiti sa labi nito.

"Ipasyal mo sila sa ating plantasyon. Mga pinoy ang mga iyan. No worries" napatango ang babae. "Eveyone this is Ms. Lileth. Siya ang magiging tour guide niyo sa plantation. Siya rin ang nangangalaga sa mga ubas. Kung may tanong kayo about plantation, siya ang hanapin niyo. Sige pwede na kayo makaalis" nagpatuloy sa pagkain ang Papa ni Stone.

Ako na ang naunang tumayo. Sumunod sa babae. "This way Master's and My Lady" nakayuko nitong saad.

Napapitlag pa siya ng akbayan ko siya. Nag-angat siya ng tingin sa aking mukha. "My Lady?"

"Crop that formality, Ms. Lileth. Asia. I want you to call me Asia"

"But..

"No but's. That's an order" friendly kong ginulo-gulo ang kanyang buhok. Nagulat pa rin siya sa inakto ko. "You know what? I like your pressence" seryoso kong saad. Totoo iyon. Gusto ko siya. Malimit lang ako magkagusto sa isang tao lalo na sa di kakilala.

HIRAM NA KATAUHAN (Finding True Love Series #1) Where stories live. Discover now