Chapter Five

1 1 0
                                    

CHAPTER FIVE: Stone

Sa loob ng isang buwan  na lumipas. Marami akong naranasan sa katawan ni Anastasia. Mga pisikal na pananakit.Verbally abused. And even..her broken heart.

Nagpatuloy ako sa pagpu-push up. Marami na ring pagbabago ang naganap sa kanya simula nang maging akin ang katawang lupa niya.

Ang katawang ayaw niyang ipakita sa iba ay ngayon? Nagawa ko pang pagandahin. At i-maintain ng maayos. Ang gandang walang kinang ay naging malinaw nasa mata ng mga tao.

Ang mga taong ayaw sa kanya noon. Mas lalong naging mabagsik sa kanya. Ang mga pananakit ay mas tumindi pa.

"Asia..

Napahinto ako sa sit-up na ginagawa ko nang marinig ko ang boses ng kung sino man. Nahinto sa pagbangon ang aking katawan.

"Yes?" nakataas ang kilay kong saad.

Sumandal ang lalaki sa hamba ng barbel. Nakatingin siya ng deretso sa kawalan. Mayroong malalamig na mga mata. Ang dalawa niyang kamay ay nakasuksok sa magkabilaang bulsa niya.

Hindi siya sumagot sa akin. Nailang ako bigla. Anong mayroon? Who is he? "Who are you?"

Sa tanong kong iyon. Doon na siya napalingon sa akin.

"Tsk.." and he left me dumbfounded. Anyare? Kilala niya ako? Pero hindi naman nagpakilala?

Maingat kong pinunasan ang mukha ko ng puting towel. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid. Pakiramdam ko ay kanina pa ako pinagmamasdan ng kung sino man. Ang pakiramdam na ito ay hindi ko gusto. Lumagok ako sa bottle water.

"Ahh.." Ang pagsayad ng malamig na tubig sa lalamunan ko ay nagbigay sa akin ng kaginhawaan.

"Yow!" its Mandy. Nakasuot rin siya ng sports bra at fitted na jogging pants. Katulad nang sa akin. Nasa likuran niya si Denver na usual walang reaksyon ang mukha.

Nilapitan ni Denver ang barbel na nasa gilid at nagsimulang buhatin na ito. Nagpatuloy rin ako sa ginagawang pagpapapawis. 'Kamusta na kaya sina Tatay?'

Ang katawan ko kaya? Nasaan? Buhay pa ba ako? O sadya nang nawalan na ng hininga? I sighed. Napalingon ako kay kuya Elizarde. Nasa square ring siya. Kasalukuyang nagba-boxing kasama ang isa niya pang barkada.

Ang pangangatawan niya ay sadyang nagbago since we last met. Totoy pa siya noon. Hirap sa pagbubuhat ng surf board na gamit ko.

Nag-iwas ako ng tingin nang lumingon siya sa akin. At sa ginawa kong ito, nakita ko ang masamang tingin ng lalaking lumapit sa akin.

Nakahawak siya sa punching bag habang nakalingon sa akin. Naipikit ko pa ang mga mata ko nang suntukin niya ito nang sobrang lakas.

Ramdam ko pa ang galit niya. Muli akong nagbukas ng mineral bottle. Akmang ilalapit ko na ito sa labi ko nang may umagaw.

"Salamat" he winked on me. Yuck! It's Kuya Elizarde. Hindi kami talo!

"Tsk..

Nagbukas akong muli ng mineral bottle. My phone ring. It's mom! Si kuya Elizarde ang sumagot nito dahil siya ang nasa malapit.

"Yes, tita? Opo..kasama ko po siya? Nasa gym po. Okay po..I'll tell her..bye"

"Pakealamero" I hissed. Inirapan ko pa siya na ikinatawa niya lang ng mahina.

"Samahan raw kita sa follow up check up mo"

"No need"

"I insist. Beside, gusto ko rin bisitahin si Mama sa hospital" my lip shut instantly.

HIRAM NA KATAUHAN (Finding True Love Series #1) Where stories live. Discover now