Chapter Fifteeen

1 1 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN: Holiday's

Maagang nagsara ang klase ngayon. Kaya malaya kaming namamasyal nina Mandy of course date niya si Denver na napaamin noong Christmas ball namin. Nagkaamin nga ang dalawa. And they are starting on dating just like Rey and Hanalulo na kung magsubuan sa harapan ko wagas! Ang sarap lang nilang pag-untuging ng malakas!

"Tsk. Nakakasuka kayo" reklamo ko. Napatulis ko ang nguso ko.

"Inggit ka lang insan. Kasi nga wala kang ka-date ngayong holidays" natatawa namang litanya ni Mandy sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin n lalo lang niyang ikinangisi.

"Don't worry. Nasulit mo naman si Stone sa isla eh. Wag nang bitter!" its Rey. Isa pa ito eh. Kung makaasar akala mo sinagot na siya. Hindi pa naman! Tsk.

"Sorry nga pala. Hindi kami nakasama sa bakasyon niyo sa Caramoan. Si Papa kasi, pinatawag ako" reklamo naman ni Denver.

Yeah. Hindi sila nakasama ni Mandy sa isla. Kasi may family matters daw silang dalawa. Si Mandy nagpunta Hongkong to visit her granny. Si Denver naman ay naatasan sa kompanya nila to train himself. Nagsisimula na sila sa future making nila ah! Mabuti pa sila.

"Sa isla magpapasko si Kuya Elizarde" inporma sa akin Hanalulo na ikinangiti ko lang. Nagiging malapit na uli ang loob ni Kuya sa pamilya namin. Naglayas kasi siya noong eighteen pa lang. About naman iyon sa tinututulan niyang arranged marriage thingy na iyan. Hindi niya kasi bet ang anak ng mayor. Masyadong maarte!

"Si Stone nasa Europe" maktol ko pa. Hindi man lang tumawag ang loko. O mag-text man lang.

Simula kasi nang ihatid niya ako sa bahay after ng christmas ball namin. Hindi na siya umiimik. Kinaumagahan rin nun is lumipad na silang mag-anak papuntang Europe. Kaasar siya ha!

Kung ayaw niyang siya ang mauna, edi wag! Bahala siya sa buhay niya! Ano iyon? Nag- iinarte lang? Tsk. Kalalaking tao nagpapamiss!

Napagpasyahan ng grupo na mag-ikot-ikot muna kami sa mall. Then archade. At movie. Ang nakakasar lang nito, ipangalandakan ba naman na ang sweet nila sa harap ko. Ayan tuloy ang haba ng nguso ko kasing haba ng pila sa ticketing booth ng sinehan.

"Kyah!" napairap ako kay Mandy na OA mag-react sa pinapanood. Kung makatili wagas! Libre tyansing pa ang loka!

Aba! Dumadamove siya eh, pansin ko kanina pa. May payakap effect ba naman kay Denver? Tsk. Obvious na siya!

"Ayoko na. Uwe na tayo!" naiiyak namang sabi ng isa pang katabi ko. Ganito kasi ang upuan namin. Bale sa kaliwang side ko ang couple na sina Mandy at Denver. Sina Hanalulo at Rey ang sa kanan. At napagitnaan ako ng dalawang bruha na OA kung makapag-react sa horror na movie na sila rin ang pumili!

"Ssshh..malapit nang matapos. Konting tiis na lang" pang-aalo naman ni Rey kay Hanalulo na nakasuksok nasa dibdib niya ang magaling kong kinakapatid! Hinahaplos pa ang ulo ng bruha! Tsk.

Isa rin ito, pasimple pa. Akala niya hindi ko alam na hindi siya matatakutin! Hmpf!

"Kyahhhh" napairap ako sa kawalan. Itinuon sa screen ng sinehan ang buo kong atensyon. Napangiwi uli ako sa magkasunod na pagtili ng dalawa.

Badtrip! Ano bang nakakatakot sa IT. Eh, hindi naman scary? Tsk. Mas scary pa nga si Tanda kapag naka-beast mode na.

"Omy. Hindi ko kinaya iyon!" palatak ni Mandy.

Sumipsip pa siya sa straw ng buko juice na binili namin. Nasa loob pa rin kami ng mall. Sa isang stall na nagtitinda ng mga meryenda. Syempre. Alangan naman na tumambay kami sa grocery tapos nakikikain pa? Abuso na iyon!

Iniunat ko ang mga paa kong nangalay sa kakaupo sa sinehan. Tinitigan ang duluhan ng paa ko.

"Nag-enjoy ka ba, Asia?" it's Hanalulo.

HIRAM NA KATAUHAN (Finding True Love Series #1) Where stories live. Discover now