TB Chapter 15: Absent

Start from the beginning
                                    

"Bwiset!" dinig naming sigaw niya. Napatingin ako sa mga kasama niya at nakitang gulat din itong nakatingin sa kanya.

"Bakit?" kunot noong tanong ni Neo sa mga kasama niya. Nagkibit-balikat naman sila.

Napunta ang atensyon ko kay Josh at nakitang kunot noo siyang nakatitig sa cellphone niya.

Bakit kaya siya nagkakaganon??

Gusto ko tuloy malaman.

Lumapit naman sa kanya si Allan at sinubukan siyang kausapin. Sa tingin ko, mukang maayos naman ang usapan nila dahil nananatili lang kalmado si Josh ngunit hindi pa rin maalis sa utak ng bulate ko ang kuryosidad.

Sa susunod kukuha nga ako ng tiempo at chichikahin ko si Allan tungkol sa pinag-usapan nila ni Josh. Titiisin kong kausapin siya kahit na may atraso pa siya sa'kin basta makasagap ako ng tsismis.

Nabalik ako sa reyalidad nang may biglang humagis sa mukha ko ng chichirya. "Aray naman!" sigaw ko at pinulot sa sahig ang chichirya na binato niya sa'kin.

"Lutang ka kase! Sabi ko saluhin mo eh!" sigaw ni Kiara habang kumukuha ng pagkain sa locker.

Hinagisan niya rin yung iba at sinasalo naman nila ito. Ang ending, lumalamon kaming lahat. Agad kong naubos ang chichiryang binigay sa'kin ni Kiara kaya naman tumayo ako upang kumuha ng panulak.

Nakita ko namang nagkakasiyahan sila habang kumakain at hindi ko na lamang 'yon pinansin. Kumuha ako ng isang litrong coke at baso. Habang nagsasalin ako, naramdaman kong may papalapit sa'kin.

"Pahingi naman niyan, wag mong solohin." lumingon ako upang kilalanin kung sino ang nagsalita at nakita ko si Ian.

Natawa naman ako. "Wag kang ano, hindi ko naman kayang ubusin mag-isa ito noh." sambit ko at sinalinan ang baso niya ng coke.

"Salamat." sabi niya at itinaas ang baso. Akala ko aalis na siya ngunit tumayo rin siya sa tabi ng lamesa at tumabi pa sa'kin.

"Oh? Bakit nandito ka pa? Bumalik ka na roon." saad ko.

"Ayoko. Boring doon." sagot niya naman.

"Tsk. Paano pa kaya rito?" may halong inis na sambit ko bago uminom ng coke.

"Okay na ako rito." dagdag niya pa at uminom. Natawa naman ako.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan ngunit napawi iyon ng muli siyang magsalita.

"Hindi pa ba kayo nagkaka-ayos ni Josh?" biglang tanong niya dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

"Hindi pa." sagot ko naman.

"Bakit hindi kayo mag-usap?" tanong niya ulit.

Napabuntong-hininga naman ako. "Sa totoo lang, gusto ko naman siyang kausapin kaso nahihiya ako. Tyaka, halata namang galit pa rin siya sa'kin kaya hihintayin ko muna na lumamig ang ulo niya bago ko siya kausapin." mahabang kwento ko sa kanya.

"Sa tingin ko, mukang hindi naman siya galit sa'yo...." sambit niya dahilan upang kumunot ang noo ko.

"Paano mo naman nalaman na hindi siya galit sa'kin?" tanong ko na may halong pagtataka.

"Napansin ko lang." sagot niya naman. Lakas ata ng tama nito eh. Sa pagkakaalam ko, coke lang itong iniinom namin hindi alak.

Paano naman niya nasabi na hindi galit sa'kin si Josh? Eh lahat nga ng kilos na pinapakita niya ay halata na may galit siya sa'kin.

Ang sama pa nga ng tingin kanina!

Hindi naman na ako nagsalita muli at nanahimik na lang. Napansin ko lang, mukang medyo maayos naman pala kausap itong isang 'to. May pagkasuplado lang talaga noong una kaming nagkita.

------

Dumaan ang sabado't linggo at hindi pa rin kami nag-uusap ni Josh bale isang linggo na ang nakaraan. Sa totoo lang, gusto ko na talaga siyang kausapin ngunit hindi siya pumupunta sa clubroom namin. Nabalitaan ko rin na hindi rin pala siya pumapasok.

Kasalukuyan kaming nasa clubroom at nakatambay lang.

Sus, lagi naman.

Nagsasalita na naman ang mga bulate ko sa utak. Hindi ko na lamang 'yon pinansin at tinuon ang atensyon sa binabasa kong libro.

Habang nagbabasa ako ay may biglang kumalabit sa'kin, tinignan ko naman kung sino 'yon at nakita ko si Kiara.

"Bakit?" takang tanong ko sa kanya.

"Wala. Napapansin ko lang kase na parang hindi na pumupunta rito si Josh? Dahil ba 'yon sa away niyo?" walang prenong sambit niya naman.

Tignan mo itong babaeng 'to. Parang pinaparating niya na kasalanan ko kung bakit hindi na pumupunta rito si Josh?!

Sabagay, medyo tama siya roon.

Naisip ko rin naman na iyon ang dahilan kung bakit hindi siya pumapasok. "Siguro." sabi ko na lang bago bumalik muli sa pagbabasa.

Siguro nga dahil doon sa away namin kaya hindi na siya pumupunta rito sa club. Pero nang mabalitaan kong isang linggo na siyang hindi pumapasok, ibang usapan na 'yon.

Ganon ba kasakit para sa kanya yung sinabi ko??

Mukang ako pa ata ang magiging dahilan ng pagkasira ng pag-aaral niya. Naku, Josh. Magpakita ka na kase!

-----

Ilang araw ang lumipas, hindi pa rin siya pumapasok. Hindi ko na itatanggi 'to, nag-aalala na ako sa kanya. Walang halong biro.

Noong nakaraan, halos araw-araw akong pumupunta sa room niya upang tingnan kung pumasok ba siya ngunit isa lang ang nakukuha kong balita sa mga kaklase niya, hindi pa rin daw siya pumapasok.

Pinuntahan ko na rin ang club niya ngunit parehong balita lang rin ang nakukuha ko roon.

Tangina. Saang lupalop ng mundo ko kaya siya hahanapin?!

"Hoy! Mukha kang tanga dyan!" sigaw sa'kin ni Kiara dahilan upang mabalik ako sa reyalidad.

Napabuga naman ako ng hangin. "Kase naman, nag-aalala na ako eh. Hindi pa rin kase siya pumapasok hanggang ngayon." matamlay na sabi ko. Naramdaman ko namang umupo siya sa tabi ko.

"Oo nga. Bakit kaya hanggang ngayon hindi pa rin siya pumapasok?? Nagtataka na rin ako, kase kung ang dahilan niya sa hindi niya pagpasok ay yung away niyo noong nakaraan, mukang ang babaw naman ata non diba?" nagtatakang sambit niya. "Kung hindi naman 'yon.....eh ano?" dagdag niya pa.

Gaga talaga 'to, siya na nga nagsabi nung nakaraan na baka yung away namin yung dahilan tapos ngayon kokontrahin niya naman.

Ang bilis magbago ng isip.

"Hindi ko rin alam." sabi ko na lang.

"Saglit lang, napuntahan naman na natin lahat ng lugar kung saan siya pwedeng hanapin diba?" agad na tanong niya kaya naman tumango ako. "Kaso mukhang may isa pa tayong nakakalimutan." dagdag niya pa at napatigil nang may biglang sumabat sa usapan namin.


"Sa bahay niya." sabat ng isang kupal.





_______________________________________

Sorry for the wrong grammars and typos!

Don't forget to vote, comment and share! Love Lots!

===Edited===

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now