Nung gabi na iyon dahil sa connections ko nalaman ko bahay nila. Nasa malayo ako at natatanaw ko siya, nakita kong lumabas sa may balkonahe ng kwarto niya. Tahimik lang itong nakatingala maya-maya umiiyak at pinunasan din agad. Tapos pumasok na ulit pinatay ang ilaw at natulog na. Ako naiwan na nakatingin pa rin sa kwarto niya habang lumuluha.

Nakita namin sila nasa soccer field. Tatayo na sana siya ng muntik ng mataan ng bola. Agad ko sanang saluhin pero naunahan ako ni Noah. Ang nakakainis lang nagdikit ang kanilang katawan. Putek! Kung hindi ko lang kaibigan itong si Noah matagal ko ng sinaktan. Dahil sa inis pinagsabihan ko siya ng masama at iniwan sila basta. Selos dude iyon ang tawag do'n shit!

Masaya niyang binalita na sasali raw sa Ms. Stanford Acadeny 20**. Kahit ayoko siyang payagan dahil pagpipiyestahan siya ng mga kalalakihan, wala ako magawa kung hindi magkunwari na walang pakialam. Hanggang sumapit ang contest gusto ko na siyang paalisin do'n sa stage dahil pinagkakaguluhan na siya fuck! Naiinis ako mga bwist na mga lalaki na ito sarap pagbubugbugin. Lalo akong nabwisit ng nalaman ko tama ang kutob ko may gusto nga si Noah sa kaniya. Fuck! Panibagong sakit sa puso kaya makikita sa mukha ko ang pagpipigil ng galit lalo na ng sumagot si Cassy sa question and answer. Natatakot ako na puwedeng mangyari iyon. Paano kung isang araw hindi na niya ako mahal? Hindi ko makakaya. Pagkatapos ng pageant at uwian na sarap pagsasapakin mga lumalapit at nagpapakilala sa kaniya. Kung hindi kasalanan ang pumatay matagal ko ng ginawa. Nagdahilan ako na may date at naghihintay na pero wala naman talaga. Hindi nila alam na nakasunod lang ako sa kanila nagseselos ako putangina!

Pagkatapos ang pagkapanalo niya daming nagtakang manligaw sa kaniya. Pero hindi pa sila nag-uumpisa binalaan ko na kaya hindi na tinutuloy ng iba. Iyong iba na malakas ang loob nakatikim sila ng sakit ng katawan isa na riyan si Kevin Russo.

Sinabihan ko na reviewhin ako wala lang gusto ko lang at para hindi siya maligawan ilalayo ko rin siya kay Noah. Kahit naaawa ako sa kaniya paninindigan ko na masamang tao ako para sa kaniya. Kahit gusto ko siyang ihatid hindi puwede dahil may sumusunod sa akin baka mapahamak lang siya. Nakita kong nilusob niya ang ulan at nahimatay. Sa mga oras na iyon wala na akong pakialam. Lalabas na sana ako para puntahan siya pero agad dumating si Noah. Sinakay siya sa kotse niya wala akong nagawa kung hindi natulala gago ko talaga gago!

Dahil sa pagkakaospital ni Cassy sinugod ako ni Noah. Sinuntok niya at hindi na ako umimik dahil kasalanan ko naman talaga. Gago ko kasi at dinaan ko na lang sa alak. Ang akala niya hindi ako bumisita sa kaniya pero nagtago ako. Narinig ko ang usapan nila ng Mama niya. Kung hindi lang dahil sa mafia hindi ganito nangyayari sa atin. Malaya tayong nagmamahalan at hindi parehong nasasaktan. Nakita kong umiiyak siya dahil doon nakatulog ito. Lumabas ako sa aking pinagtataguan pinagmasdan ko siyang mabuti at hinalikan sa labi saka ako umalis.

Nakasalubong ko siya sa hallway kakalabas lang niya galing sa hospital. Nagpanggap ako na hindi siya nakita, alam kong huminto siya pero ako dumiretso lang. Ang hindi niya alam nilingon ko siya.

Apat na taon na akong minamahal ni Cassy kahit sabihin ko na apat na taon ko na rin siyang minamahal hindi puwede dahil magulo ang buhay ko. Magtatapos na kami, ano na mangyayari sa amin? Napapaisip ako ang sakit sa ulo damn! Inutusan ko siya gawin ang thesis ko kahit nasimulan ko na. Pero napasama ang ginawa ko dahil hindi niya nagawa ang thesis niya. Dahilan para hindi makapagtapos at mawala sa kaniya ang pagka-summa cum laude. Sobrang galit sa akin ang mga kaibigan niya alam kong mahalaga ito para sa kaniya kaya gumawa ako ng paraan. Dahil sa impluwensiya ko napakiusapan ko dean nila buti pumayag. Kahit doon lang matulungan ko siya sa lahat ng masamang nagawa ko.

Sumapit ang graduation namin palala ng palala ang nangyayari sa mundo ng mafia. Lahat ng malalapit sa amin nadadamay kaya iyong gabi rin iyon isang bagay ang aking ginawa na habang buhay kong pagsisisihan. Pinagtulakan ko siya, sobra siyang nasaktan sa lahat ng sinabi ko. Tumakbo siya palayo nakita kong nadapa, pupuntahan ko sana kaso pinigilan ako ng pinsan ko. Siya iyong pinakilala ko na fake girlfriend gawa-gawa lang namin pati iyong fake na kiss para makita ni Cassy at kusa na itong lumayo sa akin. Nang tuluyan na siyang naglaho umiyak ako ng sobra ng gabing iyon. Walang nagawa ang pinsan ko kung hindi panoorin akong sawi sa pag-ibig.

Hindi siya nagpunta sa graduation ball at sinabi ng kaibigan niya na paalis na siya papuntang US. Hindi ko na kaya bahala na kung ano mangyari basta protektahan ko na lang. Kaya nagmadali akong pumunta sa airport kaso hindi na ako umabot. Alam ko habang buhay ko itong pagsisisihan.

Lumipas ang limang taon at bumalik siya. Talagang sinadya ko na sa amin magtrabaho para mapalapit sa kaniya. Ngayon na maayos na at makapangyarihan na ako sa mafia hindi ko na pipigilan ang sarili kong mahalin siya. Kaya ko na siyang protektahan kaya pinangako ko na maayos ang anuman naudlot na pagmamahalan namin.

Nung una niyang photoshoot naiinis ako dahil daring ang mga sinusuot niya. Binigay ko sa kaniya ang coat ko pero hindi niya tinaggap. Pumunta siya sa office para ibigay ang mga kuha sa pictorial nakita siya nina William at Noah. Naiinis ako lalo na kay Noah dahil sobra pa sa mag-jowa kung ma-miss ang isa't isa, kaya gano'n na lang ang pagka-beast mode ko. Lumapit siya sa akin aaminin kong naaakit ako sa kaniya pero pinipigilan ko lang.

Nakita ko siya sa bar na pamamay-ari ko lasing na at hindi alam na binubusuan. Kaya nasuntok ko ang lalaki at pinalabas. Dinala ko siya sa penthouse ko at hiniga sa kama. Tinitigan ko lang siya habang nagsasalita at naglalabas ng sama ng loob. Nang nakatulog na hinalikan ko siya sa labi.

Alam kong galit siya sa akin pero nakikita ko sa mga mata niya na mahal pa rin niya ako. Kaya lahat ginawa ko para mahalin niya ako ulit at hindi nga ako nagkamali. Nang nalaman niya ang katotohanan lahat malaya na kaming nagmamahalan. Wala ng hadlang para sa amin. Naging masaya kami hanggang sa isang tragic accident na nagpahiwalay ulit sa amin. Akala ko hanggang doon na lang talaga ang kwento ng aming pagmamahalan. Ang dami naming pagsubok na naranasan pero sa bandang huli kami rin pala.

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya dahil sinariwa ko lahat ng nangyari sa amin magmula umpisa hanggang sa dulo. Napakaganda niya sa kaniyang wedding gown. Dinala ko siya sa harap ng altar at nagsimula na ang seremonya.

Kung siguro hindi ako naduwag noon at pinaglaban ang nararamdaman ko para sa kaniya hindi ko siya nasaktan ng sobra. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil sa daming unos na dumating sa amin nakaya at nalagpasan, na lahat magagawa basta maniwala ka lang sa kapangyarihan ng totoong pagmamahal.

"You may now kiss the bride," sabi ng pari. Dahan-dahan kong tinaas ang kaniyang belo at hinalikan siya ng may pag-iingat at puno ng pagmamahal. Lahat nagpalakpakan at bumati sa amin, halos puro celebrity ang bisita at naka-live telecast ang aming kasal.

"I present to you Mr. and Mrs. Liam Arnault," sabi ng pari. Puro hiyawan ang maririnig mo sa loob ng simbahan.

Nang pictorial biglang naduwal si Cassy nag-aalala ako sa kaniya.

"Are you okay sweetheart?" tanong ko sa kaniya. Tumango lang siya sa akin.

"Cassy anak are you pregnant?" nagulat ako sa tanong ng mama niya. Pero tumingin lang siya sa akin at tumango. Hindi ako makagalaw at parang nawala sa sarili.

"Are you saying, we will have a second child?" paniniguradong tanong ko sa kaniya.

"Yes sweetheart, I'm pregnant at iyon ang wedding gift ko sa'yo," sabi niya na nakangiti. Dahil sa sobrang saya ko binuhat ko siya agad at hinalikan.

"Naku! Mga anak mamaya na iyan sa honeymoon niyo patapusin niyo muna ang reception," sabi ng papa ni Cassy na papa ko na rin at lahat ay nagtawanan.

"Salamat sweetheart sa pagbibigay mo sa akin ng walang katapusan na kasiyahan. Mahal na mahal kita pati mga anak natin," sabi ko sa kaniya at lumuluha na siya.

"Je t'aime," sabi niya sa akin na nakangiti habang naluluha.

Translation: I love you

"Je t'aime aussi," sagot ko sa kaniya at siniil ko siya ng halik sa labi.

Translation: I love you too

"Ay mga bata nga talaga ngayon hindi na mapagsabihan." Hindi namin pinansin kung sino ang nagsalita basta tuloy lang kami sa halikan. Nang humiwalay kami sa paghahalikan nakakagulat lang. Dahil kami na lang dalawa ang naiwan sa loob ng simbahan. Natawa lang kami pareho.

Binuhat ko siya pa-bridal style hanggang umabot kami sa may pintuan.

-The End-

================================

Maraming salamat po sa umabot hanggang last chapter 😊

Love lots ❤

IrishHeaven

Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)Where stories live. Discover now