Chapter 12

604 57 55
                                    

HABANG nagdri-drive ako tinawagan ko si Karen. Tinanong ko kung may available time ako sa aking schedule para kitain ko sina Olivia at Emma. Buti na lang at mayroon tomorrow na ulit. Tinawagan ko sina Olivia at Emma na magkita kami sa may LA Bar at nag-confirm naman sila.

Makalipas ang ilang minuto naroon na raw silang dalawa ako na lang ang hinihintay. Kaya pagdating ko sa bar pinark ko ang aking sports car. Pagpasok ko pa lang ingay ang bumungad sa akin halos lahat sa akin nakatingin. Marami akong naririnig pero hindi ko sila pinapansin diretso ako kung saan naroon sina Olivia at Emma. Unang pagkikita namin magmula nang umalis ako.

"Hi girls!" Bungad ko sa kanila. Pagkakita nila sa akin nagtilihan agad at nagyakapan kami.

"Musta na kayo?" tanong ko sa dalawa.

"Ito maganda pa rin," sabi ni Olivia.

"Ako always happy," sagot naman ni Emma.

"Pero girl ikaw look at you ang laki ng pinagbago mo kilalang kilala ka na ngayon," manghang sabi ni Olivia.

"No girls kung ano man ang natamasa ko ngayon ako pa rin ito still Cassy sa inyong dalawa," nakangiting sabi ko.

"Oky ka na? Naka-move on na?" tanong ni Emma pero nakita kong siniko siya ni Olivia.

"It's okay Olivia tapos na iyon nagising na ako. Naka-move on na and I'm happy," sabi ko habang tinataas ang kamay.

"Mabuti naman akala namin forever ka ng magiging tanga," sabi ni Emma habang umiinom.

"No never again at iyong bastard na Liam na iyan who you siya sa akin ngayon." Tumatawa ako habang sinasabi.

"Basta ang mahalaga ngayon be happy and let's party!" masayang sabi ni Olivia at panay pag-inom namin ng alak.

3rd Person Point of View

Sa LA Bar nandoon din sina Liam. Ngayon lang kasi sila nagkaroon ng time para mag-bonding dahil halos busy sila sa mga business. Nag-iinuman ang dalawa habang si Liam tinitingnan ang mga pictures ni Cassy na kinuhanan. Parang ayaw niyang i-approve dahil nakakaakit ang kuha. Natigil siya ng punahin ni Noah.

"Bro akala ko bonding bakit nagdala ka pa ng work dito?" tanong sa kaniya ni Noah.

"This is not work tinitingnan ko lang hindi kasi ako satisfied." Alibi niya pero ang totoo hanga siya sa photographer na kumuha.

"Let me see," sabi ni William. At tiningnan ang mga kuhang pictures.

"Are you not satisfied bro as professional photographer like us masasabi kong job well done ang kumuha nito see shit! Ang ganda ng kuha ni Cassy dito bro tingnan mo maaakit ka!" Pagmamalaki na pinakita niya kay Noah.

"Liam bro huwag mo itong i-approve marami ang makakita iyan lalo na mga kalalakihan." Pag-aalinlangang sabi niya.

"Ano naman ngayon kung makita ng mga lalaki?" tanong sa kaniya ni William.

"Bro ayokong pagnasahan si Cassy at ayokong may manligaw sa kaniya!" malakas na pagsabi niya at nagulat ang dalawa.

"Bakit ba over protective ka sa kaniya?" tanong ni Liam.

"Bro usapang lalaki wala ka talaga gusto kay Cassy eversince 'di ba?" tanong niya kay Liam. Hindi siya sumagot kung hindi nakatingin lang kay Noah.

"Bro desidido na ako magtapat kay Cassy. Chance ko na ito pinagsisihan kong hindi ko nasabi sa kaniya dati. Ngayon na bumalik siya hindi ko na pakakawalan!" masayang sabi niya.

"So are you saying na sasabihin mo sa kaniya that you like her?" tanong ni Liam kay Noah.

"Yes bro matagal ko ng gusto ko si Cassy college pa lang tayo ngayon hindi na ako naduduwag," desididong sabi niya.

Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)Where stories live. Discover now