Chapter 6

540 58 51
                                    

ONE week lang ang preparations ko para sa Ms. Stanford Academy 20**. Sa tulong nina Olivia at Emma may natutunan ako. Gaya ng pagrampa tulad ng isang model at self confident kung paano magsalita.

Nanood din ako ng mga beauty pageant like Ms. Universe upang makakuha ng tips. At ngayon araw na ito ang pinakahihintay ng lahat. Sana lahat ng pinagpagudan ko magkaroon ng saysay. Hindi mawala ang nerbyos ko lalo pa't maraming tao ang manonood. Mabuti na lang palagi akong sinusuportahan ng mga taong mahalaga sa akin. Sampu kami at pang walo ang number ko. Nang magsalita na ang emcee tinawag kami para sa opening kung saan magpapakilala isa-isa. Nung ako na ang tinawag confident akong nagsalita kahit kinakabahan.

"Good evening everyone, I'm Cassidy Tyler fine arts student major in fashion design. And I believe in saying, Elegance is the only beauty that never fades and I thank you." Pagkatapos kong mag-speech nagpalakpakan sila. Naiba ang speech ko sa kanila dahil naglagay ako ng saying.

After ng pagpapakilala talent portion naman ang sumunod. Iba-iba kami ng talent at ng ako na ang sasalang nagulat ang lahat. Ang talent ko ay magpatugtog ng instrument. Iyong first half ng song piano at iyong second half hanggang matapos violin. Tinugtog ko iyong kanta ko para kay Mama.

Sumunod ay swimsuit competition ito ang ayaw ko pero dapat fight lang! Inisip ko lahat ng natutunan ko, isa-isa kaming tinawag para rumampa at nang turn ko na simple but elegant ang pagrarampa ko. Hindi ko pinahalata na nahihiya ako sa two piece at mabuti naitawid ko.

After ng long gown competition bakas sa aming mukha ang pagod, pero kinakaya hanggang sa dulo. Ang sinuot ko na gown ay iyong labas ang aking likod hindi siya kabastos-bastos tingnan depende sa magdadala. After no'n from ten pipili lang sila ng lima. May ten minutes break para i-compute ang score ng mga judges. Kaya habang naghihintay nagdarasal ako na sana kayanin ko hanggang sa huli.

               3rd person Point of View

Habang nasa stage si Cassy na nakikipag-compete todo suporta ang mga kaibigan nito kaka-cheer sa kaniya. Magkakatabi sina Liam, Noah at William. Nang lumabas isa-isa ang mga kandidata makikita mo sa kanila kung sino ang nag-stand out.

"Akalain mo sa lahat ng kandidata si Cassy lang ang maganda," wika ni William.

"Maganda na si Cassy pero may igaganda pa pala," sabi naman ni Noah.

"Yah right maganda naman talaga siya hindi lang marunong mag-ayos," sambit ni Olivia. Pero si Liam tahimik lang na nanonood wala siyang comment. Nang pagdating sa talent portion gulat ang dalawa maliban kay Liam na hanggang ngayon wala pa rin reaction.

"Hindi ko alam talented pala siya," sabi ni Noah.

"Hindi lang iyan ang alam niya magaling din siyang mag-paint," sabi naman ni Emma.

"Multi-talented pala talaga siya grabe ngayon ko lang nalaman!" amaze na sabi ni William. At dumating na ang swimsuit competition lahat ng kalalakihan naghihiyawan.

"Tingnan mo silang lahat halatang mga manyak!" naiinis na sabi ni Olivia. Pati iyong tatlo tutok na tutok. Nang turn na ni Cassy ang rumampa halos lahat ng lalaki nagsitayuan.

"Hoy! Mga bwisit magsiupo nga kayo hindi namin makita!" inis na sabi ni Emma.

"Bro ang sexy ni Cassy may tinatago pala siyang kagandang katawan," tulala na sabi ni William.

"Bwisit ka William! Pinagnanasahan mo ba siya masusuntok kita!" Hindi alam kung pabiro o seryoso ang pagkasabi ni Noah.

"Hindi bro humahanga lang ako sa kaniya," sagot ni William pero si Liam wala talagang imik nanonood lang siya. Ang dami nilang naririnig na sigawan. Cassy ang sexy mo...Cassy ang ganda mo...Cassy can you be my girlfriend?...Cassy manliligaw ako sa'yo...Cassy ikaw ang destiny ko. Iyan lang ang hiyawan na maririnig sa loob. Hindi inaasahan nina Olivia, Emma, Noah at William nang magsalita si Liam.

Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)Where stories live. Discover now