Epilogue

943 56 46
                                    

Liam's POV


"MISS pakihagis naman iyong bola sa akin." Iyon ang unang tagpo ng aming pagkikita. Pagkakita ko pa lang sa kaniya may naramdaman na ako.

Cute iyan ang sabi ng isip ko. Kahit hindi siya marunong mag-ayos may angking kagandahan naman ito. Tinanong ko pa kung ano ang pangalan niya. At ng nalaman ko bagay lang sa kaniya ang pangalan na Cassidy.

Sa sandwich niya dinaan ang pagpapakilala sa akin. Kinikilig ako shit! Nauutal pa siya sa pagbanggit ng pangalan niya. Pero hindi niya alam na nalaman ko na. Napapangiti ako ito ba iyong sinasabi nila na love? Pero naiinis ako dahil hindi ko siya pwedeng mahalin. Mafia boss ako mapapahamak lang siya, kaya nilait ko siya para ayawan ako. Pero fuck! fuck! Ang sakit hindi ko siya kayang saktan.

"Liam, water oh!" Inabutan niya ako ng tubig. Natulala ako dahil lalo siyang gumanda. Ang swerte ko dahil nag-ayos siya para sa akin. Gusto kong magtatalon sa saya shit! Pero hindi puwede kaya sinaktan ko na naman siya. Nakita kong tumatakbo siya na umiiyak fuck! Liam ang gago mo! Nasabi ko sa aking sarili.

Pumunta siya sa library para humingi ng sorry. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero sa imagination ko lang iyon. Pinasagutan ko sa kaniya iyong physics kahit alam ko naman, dinahilan ko lang para makita siya. Nasa isang sulok lang ako at palihim na kinuhanan ng picture. Nakakabakla ang pag-ibig shit!

Binigyan niya ulit ako ng sandwich napangiti ako ng palihim. Pero nawala iyon dahil mayron din sina Noah at William. Shit! Nagselos ako kaya nilapag ko iyong sandwich na gawa niya. Ibubuking pa ako ni William kaya hinatak ko na siya palayo. Sinadya kong iwan iyong sandwich para ma-turn off siya. Nang mag-isa na lang ako kinain ko ang sandwich na gawa niya. Swerte ng gago na ito! Sabi ko sa aking sarili.

Sinabihan niya kami about sa quiz bee. Kahit hindi niya sabihin pupunta talaga ako mahal ko eh shit! Nasa library siya kunwari magpapagawa ako ng poem kahit wala naman gusto ko lang siyang makasama. Pero kahit anong gawin ko hindi pa rin siya lumalayo sa akin. Kaya napaisip ako kung gagawin ko ito baka ayawan na ako. Kaya pinakita ko na nilalandi iyong babae kahit ang totoo gusto ko ng sakalin. Basta makita lang niya upang magselos at masaktan. Gago mo talaga Liam! Iyon lang nasabi ng isip ko.

Nagkaproblema sa mafia sinabi ko lang na sa business para hindi nila malaman ang pagkatao ko. Pilit akong pinapalayo ng Lucas Mondal na iyon kay Cassy. Ano ba relasyon nila? Hindi na ako nagtanong sinunod ko na lang. Kaya hindi ako nakapunta ng maaga sa quiz bee. Pero dahil mahal ko si Cassy gumawa ako ng paraan iyon nga lang hindi ako umabot. Nasa malayo ako at nakita ko siyang masaya. Gusto kong puntahan para yakapin dahil proud ako sa kaniya. Pero napawi ang ngiti ko ng nakita kong niyakap siya ni Noah. Putangina! Ang sakit nagselos ako kaya dahil sa inis umalis na lang ako. Sinadya ko talagang hindi pumasok ng isang linggo dahil naiinis ako sa kaniya at sa kaibigan ko. Nagpaparamdam na ba ang mokong na iyon sa kaniya? Tanga mo kasi Liam! Tanga mo! sabi ko habang sinasabutan ko ang aking buhok.

Nagkita kami sa library nangangamusta nag-aalala raw siya sa akin. Shit! Mahal niya talaga ako mahal ko rin naman siya. Gusto kong magsisigaw sa library at sabihin na mahal ko siya pero hindi puwede fuck mafia! Pinagawa ko sa kaniya lahat ng naiwan ko para makahabol ako sa lesson hindi ito umangal. Iniwan ko siya at pagbalik ko may kasama na akong babae kahit gusto ko ihagis iyong kasama ko. Halata sa mukha niya na nasasaktan siya. Ayaw kong gawin ito sa kaniya pero iyon ang tama. Pinakita ko pa talaga sa kaniya na hinahalikan ko ang babae kahit nasusuka na ako. Nakita kong may luhang pumatak sa papel na agad niyang pinunasan. Binigay niya sa akin at umalis na agad nasaktan ko ulit siya fuck! Hindi ko kinaya kaya pag-alis niya tinulak ko iyong babae at napaiyak ako. Sorry sweetheart iyon lang ang lumabas sa bibig ko.

Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)Where stories live. Discover now