Chapter 26

466 54 37
                                    

3rd Person Point of View

4 years after

SA apat na taong pamamalagi ni Liam sa US hindi madali para sa kaniya. Kahit lumipas na ang apat na taon sariwa pa rin sa alaala niya ang pagkamatay ng nag-iisang babaeng minahal niya. Pero sa tulong na rin ng pagmamahal ng kaniyang Ama at mga kaibigan na nasa Pilipinas unti-unting nawawala ang pagkawasak niya.

Maliban sa pagiging photographer naging busy siya sa pagma-manage ng business nila roon. Naging model din siya at di kalaunan pinasok na niya ang pag-acting. Nakilala siya sa hollywood pati sa ibang bansa. Sa lahat ng kasikatan mayroon siya ngayon hindi pa rin nawawala sa puso niya si Cassy. Siya pa rin ang nilalaman nito may mga naka-date siya pero walang may gusto ng puso niya.

Ngayon pabalik na siya sa Pilipinas dahil may gagawin siyang movie. Pagkakataon na rin ito para sa kaniya na makita ang mga taong malalapit sa buhay niya.

"Handa ka na bumalik Liam?" tanong sa kaniya ni Karen. Siya ang kinuha niyang manager dahil maliban sa dating manager ni Cassy parang pamilya na ang turing niya sa babae.

"Yes Karen," maikling sagot niya habang nakangiti.

Paglapag nila sa airport sobrang na-miss niya ang simoy ng hangin. Agad siyang sinalubong ng kaniyang kaibigan, Daddy niya at magulang ni Cassy.

"Welcome back!" sabay-sabay na pagbati sa kaniya. Ngumiti lang ito.

"Musta na ang hollywood actor," pagbibiro sa kaniya ni William. Sinuntok lang siya ng mahina sa dibdib.

"May pupuntahan lang ako," sabi niya at umalis na.

"Alam ko na kung saan pupunta iyon," sabi ni Noah na napapangiti.

Mabilis ang pagdri-drive ni Liam at kaagad nakarating ito sa pupuntahan.

"Kumusta ka na sweetheart? I'm back," nakangiting sabi niya habang inaalis ang mga dahon na nasa puntod. "I miss you so much, I promise na babalik ako at tinupad ko nga. Nandito na ako new Liam strong at hindi na umiiyak. You still in my heart sweetheart sinubukan ko pero ikaw pa rin talaga huwag kang magalit sa akin I love you," sabi niya at naluluha ng konti. Tumagal siya ng ilang minuto at umalis na rin.

Pinapunta niya ang mga kaibigan sa hideout dahil may pag-uusapan sila. Kahit nasa US siya hindi ito tumigil sa paghahanap ng katarungan para kay Cassy. Pagdating niya walang pinagbago.

"Bro kararating mo lang mag-celebrate muna tayo," sabi sa kaniya ni William.

"Later bro may pag-uusapan lang tayo," sagot nito sa kaibigan.

"Habang nasa US ako at sa impluwensiya ko may nalaman ako. Isang Elijah Russo ang namumuno sa kanila, napagalaman ko rin sa aking imbestigador na sa Italy ang main hideout nila. Mayroon din sa Pilipinas at sa ibang parte ng mundo, Stidda ang pangalan ng mafia nila. Ang pagkakaalam ko hindi sila madaling kalabanin. Pero hindi ako magpapatalo dahil sa kaniya nagdurusa ako hanggang ngayon," mahabang salaysalay niya.

"Sige bro ngayon na may nakuha na tayong impormasyon unti-untihin na natin hanggang bumagsak siya," sabi ni William tumango lang ang dalawa.

"Dave alamin mo lahat ng kalakasan ni Elijah Russo iyon ang uunahin ko," utos ni Liam at tumango lang ang lalaki.

Sa kabilang dako, "Dad, sigurado ka ba? Okay na kami rito hindi na kami babalik sa Pilipinas," sabi ng lalaki.

"Kailangan natin bumalik son four years na rin ang nakakaraan at madami akong aayusin doon pagbalik," sabi ng kaniyang ama.

"Pero masaya na kami rito, nandito rin ang career niya pati work ko narito," pangungulit ng anak niya.

"Babalik tayo dahil may opportunity para kaniya sayang kung palalagpasin niya!" naiinis na sabi ng Ama.

"Pero Dad kasi baka-" pinutol ng kaniyang Ama ang sasabihin.

"Son pinagbigyan na kita sa gusto mo binigay ko kung anong magpapasaya sa'yo. Puwede ako naman pagbigyan mo, natatakot ka ba? Son listen matagal na kayong magkasama kaya posible iyan iniisip mo no more buts that's final." Pagtatapos ng kaniyang Ama. Kahit labag sa kalooban niya sinunod na lang ang Ama.

Paglabas nila ng airport agad silang sinalubong ng sankaterbang men in black at diretso sa mansion ng Russo. Pagsapit ng gabi habang mahimbing na natutulog dahil napagod sa biyahe nag-usap ang mag-ama.

"Dad sigurado kayo na siya ang kukunin? Bakit siya pa? Madami pa diyan na magagaling," sabi ng anak.

"Wala akong magagawa son dahil iyon ang kagustuhan ng producer na ipareha sa kaniya," sabi niya sa anak.

"Dad do something ipareha mo siya sa iba maimpluwensiya ka kayang kaya mo iyan," hindi mapakaling sabi nito.

"Son this time wala akong magagawa kahit maimpluwensiya ako. Malaki ang mawawala sa atin kapag pinagpilitan mo iyan gusto mo. Huwag na natin pagtalunan ito maniwala ka matimbang para sa kaniya ang naging samahan niyo," sabi ng Ama habang tinatapik-tapik ang anak.

"Go get some sleep and be prepared tomorrow. Don't worry magiging masaya ka sa gagawin ko." Pagkasabi ng kaniyang Ama umalis na ito.

Pagsapit ng umaga marami ng tao ang dumating para sa launch ng bagong movie na gagawin under Russo Entertainment. Naroon na ang staff at director, mga producers, pati mga media. Naka-live ito nationwide at sa ibang bansa.

"Good morning everyone, I'm Elijah Russo CEO and president of Russo Entertainment. Narito tayong lahat to launch the new movie titled Ikaw Pa Rin under our entertainment na idi-direct ng isang international director. Ang mga main cast ay pang-international din, to start let's welcome the male main role for this movie he is hollywood actor Mr. Liam Arnault. And to complete the female main role also she's an international acctress Ms. Cassandra Accardi," sabi ni Elijah lahat natulala sa paglabas ni Cassandra lalong lalo na si Liam.

================================

Ano sa palagay niyo ang mangyayari?

IrishHeaven

Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)On viuen les histories. Descobreix ara