Chapter 27

516 54 43
                                    

NUNG tinawag ni Tito Elijah ang pangalan ko at lumabas lahat ay nagulat. What's happening? Nasabi ko sa aking isipan. Hindi ko na lang pinansin iyon baka nagulat lang sila sa aking kagandahan natawa na lang ako ng palihim. Natigil ako sa kakaisip ng kung ano-ano ng magsalita si Tito.

"I have another announcement to make. My son Kevin Russo and Cassandra Accardi are now officially engaged." Ano raw? What? Hindi pumasok sa aking isip ang narinig kaya napatulala ako. Nawala lang nang tumabi sa akin si Kevin at hinalikan sa pisngi. Tinatanong ko siya gamit ang mata pero sinasabi lang din niya na sumakay na lang. Nang umalis siya saglit lumapit si Liam ang makakapareha ko sa movie.

"Cassy," sambit niya na pinagtaka ko.

"Excuse me? I'm not Cassy I'm Cassandra nice meeting you." Nilahad ko ang aking kamay pero nakatitig lang siya sa akin. Makikita mo sa mata niya ang kalungkutan.

"Hindi mo ako naaalala o nakikilala?" tanong pa niya.

"No, this is the first time na nakilala at nakita in person. Usually sa mga ads at movie lang kita napapanood," sagot ko pero parang hindi siya satisfied sa sagot ko.

"What happen to you?" Hindi ko talaga siya maintindihan.

"I don't know what are you talking about, anyway nice meeting you Liam right? And I'm happy to work with you." Nakangiti na sabi ko pero siya walang imik pa rin. May sasabihin pa sana siya ng tinawag ako ni Kevin. Gusto raw akong interviewhin kaya iniwan ko silang dalawa.

            3rd Person Point of View

Nang nakaalis si Cassandra sila lang dalawa ang naiwan. Nagkasubukan sila ng tingin walang gustong magpatalo.

"So ikaw pala Kevin Russo!" May diin na sabi ni Liam.

"The one and only Liam," mayabang na pagkasabi niya. Kung walang mga tao matagal na niya itong nasuntok.

"Ang lakas din ng apog mong kalabanin ako." Nakatitig lang siya kay Kevin. Kung nakakamatay lang ang titig patay na ito kanina pa.

"Kung noon wala akong kalaban-laban sa'yo ngayon ako ang matindi mong kalaban. Teka, bakit ka ba nagagalit sa akin dahil ba may nawala sa'yo at napunta sa akin? Hahaha sorry bro wala ka ng magagawa." Iniinis niya ang taong kausap. Kinuyom ni Liam ang kaniyang kamao dahil sa galit. "Gusto mo akong suntukin go on," sabi pa niya talagang ginagalit niya ang binata.

"Pagbabayaran mo ito Russo kayo ng Ama mo at sisiguraduhin ko sa bandang huli ako ang panalo!" Nakangising sabi niya.

"Una pa lang Liam talo ka na tingnan ko lang kung may magawa ka pa. Dapat binabati mo ako dahil ikakasal na ako, invited ka sa kasal namin," pang-aasar niya at umalis na.

Sobrang galit ang nararamdaman ni Liam. Gusto niyang patayin si Kevin pero ayaw niyang dungisan ang kaniyang kamay kaya sa ibang paraan niya ito gagawin. Nasa hideout siya kasama ang kaibigan at lakad ng lakad. Hindi mapakali ang lalim ng iniisip niya.

"Bro umupo ka muna nahihilo na kami sa'yo," sabi ni Noah sa kaniya. Umupo ito at tiningnan ang mga kaibigan.

"Sina Elijah at Kevin Russo ang may kagagawan kung bakit nawala sa akin si Cassy," panimula nito.

"Anong dahilan ng Russo bakit ginawa ito sa'yo?" tanong ni William.

"Dahil gustong maghigante sa akin si Kevin. Pinagbawalan ko siya noon na tigilan ang panliligaw niya kay Cassy kung hindi makakatikim siya. Kaso tinuloy pa rin niya kaya binugbog ko siya na halos hindi na mabuhay. May galit ang Elijah na iyon sa Dad ko dahil gusto niya kunin ang ebidensiya na magdidiin sa kaniyang mga illegal na transaction. Siya rin ang lalaki na nakita kong bumaril sa Mommy ko kaya patong-patong na ang kasalanan nila sa akin." Nalinawagan ang mga kaibigan sa paliwanag niya.

Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)Where stories live. Discover now