"Magsitigil kayo! Kung ayaw niyo palabasin ko kayo o dudugo mga bibig niyo mamili kayo sa dalawa!" Natakot ang lahat sa ginawa ni Liam kaya tumahimik ang lahat.

"Na-badtrip," wika lang ni William.

"Bro ang ganda ni Cassy," wika ni Noah kay William.

"Huwag mo sabihin bro may gusto ka kay Cassy." Sinasabi niya na nakatingin kay Noah.

"Wala naman masama single ako at single siya!" masayang pagkasabi niya.

"Whoa! Bro congrats binata ka na!" pangloloko na sabi ni William.

"Kayong dalawa titigil ba kayo o paduduguin ko rin mga bibig niyo!" Sa gulat ng dalawa hindi na sila nagsalita pa.

"Beast mode ang lolo niyo," pang-aasar na sabi ni Emma.

Nung long gown competition na lahat ng mata na kay Cassy dahil sa magaling siyang magdala ng damit.

"Alam niyo guys may potential maging modelo si Cassy tingnan niyo ang galing niya mag-model," wika ni Noah.

"Napansin din namin iyan," sabi ni Olivia.

"Ikaw bro anong masasabi mo?" Tanong ni William kay Liam pero hindi siya nito sinagot deadma kumbaga.

Natapos ang ten minutes break at na-compute na ang score. Nagsalita ang emcee at sinabi ang nasa top five. Nung isa na lang ang tatawagin lahat sumisigaw ng number eight at hindi nga sila nabigo dahil huling tinawag si Cassy. Lahat ay nagpalakpakan, isa-isa silang tinanong lahat ay nakikinig lang sa sagot nila. Nang turn na ni Cassy ito ang tanong sa kaniya.

"Ano ang ibig sabihin ng pag-ibig para sa'yo?" Huminto saglit si Cassy at nagsalita.

"Ang pag-ibig napakalawak na salita, maraming pwedeng ipakahulugan sa salitang pag-ibig. Pag-ibig ang bumubuhay sa bawat tao. Kaakibat ito ng salitang sakripisyo. Tulad ng pag-ibig ng diyos sa tao, isinakripisyo ang sariling buhay para tubusin ang kasalanan ng sanlibutan. Kung wala ang salitang pag-ibig sa'yo, kaya mo pa kayang mabuhay sa mundo? Para kang alikabok sa daan, walang halaga o isang dumi na hindi pinapansin. Alam mo ba na ang pag-ibig at pagmamahal ay dalawang magkaibang salita para sa akin. Ang pag-ibig ay wagas at ang pagmamahal ay may iba't ibang lebel. Maaring mahal mo siya ngayon, mas mahal mo siya bukas o baka hindi mo na siya mahal. Ang ibig kong sabihin, ang salitang pagmamahal ay nagbabago pero ang pag-ibig ay hindi nababawasan, ito ay wagas at hindi matumbasan. Iyong pansinin mas madalas gamitin ang salitang mahal kita kaysa iniibig kita. Iyon lang po at maraming salamat." After ng sagot ni Cassy pati mga judges nagpalakpakan sa kaniya.

"Ganda ng sagot ni Cassy parang may hugot," sabi ni Emma na nakatingin kay Liam na ngayon ay parang nagtitimpi ng galit.

"Para kanino kaya iyon?" sabi naman ni Olivia. At silang apat sabay-sabay na tumingin kay Liam na nakatingin lang sa stage. At oras na para malaman ang nanalo. Sa huli si Cassy ang tinanghal na Ms. Stanford Academy 20**. Masaya ang lahat lalo na ang mga kaibigan niya.

After ng pageant nagkita-kita sila sa may labasan. Nakadamit pa ng gown si Cassy kaya kitang-kita ang hubog ng kaniyang katawan. Nabigla ang lahat dahil may lalaking lumapit sa kaniya.

"Hi Cassy! Ang galing mo congrats. I'm Kevin Russo pala from engineering department. Puwede ba ako na lang maghatid sa'yo sa bahay niyo?" Hindi nakasagot si Cassy dahil hindi niya alam ang isasagot.

"Sorry bro pero ako ang maghahatid sa kaniya," sabi ni Noah na agad naman tumango si Cassy.

"Ah gano'n ba okay sige nice meeting you ulit. Kita na lang tayo sa school," sabi ni Kevin kay Cassy at saka na umalis.

"Girl may admirer ka na agad ang haba ng hair mo ah!" panunukso ni Emma.

"Hindi naman siguro nakikipagkaibigan lang iyong tao," sagot naman niya.

"Naku Cassy! Lalaki kami kaya alam namin iyong mga moves na gano'n," sabat ni William.

"Naku, baka maunahan pa ako ah!" bulong ni Noah pero rinig naman. Maliban kay Cassy dahil nagtitipa sa kaniyang cellphone.

"Ano iyon Noah? Sorry tini-text ko kasi si Mama," sabi ni Cassy.

"Ang sabi ko hatid na kita sa inyo. Ikaw Liam sasabay ka ba sa amin?" tanong niya kay Liam.

"Hindi bro may date pa kasi ako naghihintay na rin siya sa akin," sabi ni Liam. Naging malungkot ang mukha ni Cassy pero hindi niya pinahalata at lahat ay nagsialisan na.

Hindi alam nina Noah at Cassy na may sasakyan sumusunod sa kanila.

================================

IrishHeaven

Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon