36: FATHER'S BLESSING

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Nag iisip!" Natawa ako.

"Talaga? Ano naman?"

"Kung paano ko pigilin ang damdamin kong huwag makaramdam ng selos tuwing si Matapang at ang Chekwa ang topic." Bigla akong na habag. At niyakap ko siya.

"Black... I love you. You don't have to feel jealous sa mga kaibigan ko."

"Alam ko naman yun eh. Kaso hindi ko maewasan. Marami silang nagawa para sayo. Samantalang ako kahit isa wala gumawa pa ako ng masama sa kanila."

"Black... hindi mo alam kung anong nagawa mo sa akin?"

"Hindi."

"Loving me is the best that you do for me. At yung pag tyatyaga mo sa tatay kong nag seselos sayo? Is a big thing. I didn't ask you to understand him but you did. Alam mo bang pinaka mamahal ko ang tatay ko? At sa pag pilit mong intindihin siya ay laking tuwa ko kasi, i know hindi ako nagkamali sa lalaking minahal. At handa kitang ipaglaban kay daddy kasi alam kong wala kang ibang hangad kundi ang respeto at basbas niya."

"Mahal na mahal kita Mae. Sorry kung i hold on too much sayo. Natatakot lang naman kasi ako na pag aalis ka hindi kana babalik." Naiyak na ako sa sinabi niya.

Mas yumakap pa ako sa kanya ng mahigpit. "Hindi ako mawawala pa Black. Pakasal na kaya tayo. Hayaan muna si daddy."

"Mae, you have no idea how much I want to call you my wife. But no matter how much I wanted it, I'm still trying to win your father's heart so he can trust me to take care of you. Can we wait a little bit more? Please?" Tumango na ako. Basta nasa tabi lang siya happy na ako.


***

I hate his guts! He remind me of me in my younger days. But i hate to admit na mas may paninindigan siya kaysa sa akin. Doon ako mas na iinis. Kasi wala siyang inaatrasan makuha lang ang anak ko. Ako dati, kaunting takot lang pinakawalan ko si Lene. Kung naging katulad lang niya ako baka masaya ako ngayon.

Looking at my daughter's eye alam kong masaya siya. And that's because of that Fuentebella boy. Feeling ko inagaw niya sa akin ang lahat. I don't hate him though, nag seselos ako, kasi ang anak ko, na in love lang kinalimutan na akong lambingin. Sa Fuentebella na yun kung maka hawak parang sawa sa akin isang mabilisang halik at kiss lang.

Pero nawala ang lahat ng inis ko sa kanya sa pagkakarinig ko ng kwentuhan nila ni Mae. Napangiti ako instead. Knowing that his trying to earn my trust and love para ibigay ko si Mae ng may basbas.

"Oy, narinig niya... sabi na sayo eh, mabait yan kahit mukhang demonyo." Nabigla ako sa pag kalabit ni Blade. "Nagseselos daw. Hayaan muna kung hindi kana niya nilalambing. Hanggat single ako lalambingin kita."

Natawa ako kay Blade at ginulo ko ang buhok niya. "Sino naman kaya ang lalaking haharap sa akin para hingin ang kamay mo?"

"Hay nako dad. Malabo pa 'yan. Ang dapat mong paghandaan ay apo. Ano excited kana?" Na tawa akong tumatango.

"Ay pasensya pero hindi kay ate kundi sa akin." Bigla akong natigilan at parang gusto ko ng pumatay ng biglang tumawa si Blade.

"Tell me joke lang yun!"

"Syempre naman noh! Under negotiation pa ang spratly island."

"Siguraduhin mo lang na walang ginawa ang Fuentebellang 'yun sayo."

"Aside sa kiss at make out wala pa.

"Mabuti. Ang ate mo hindi nakinig. Buti naman at mukhang walang alam ang Fuentebellang yan sa kung ano ang Hit and Run."

"Tara na dad. Tuloy muna ang pagluluto nakakagutom manood ng love sick people."

"Parang tayo lang? Kumusta na kayo ni Matapang?"

TANGLED TO OUR PROMISENơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ