Hindi ko inaasahan ang pag tanggap sa akin ng mommy ni Black. Nakasalubong ko si White at natakot. Agad siyang nag tago sa likod ng mommy niya.

"White sorry. Sa totoo lang nahihiya ako sa pag parito dahil sa ginawa ko sa inyo."

"Ano kaba Mae. Wala yun! Pasalamat pa nga ako eh sa ginawa mo eh. Graveh kaya ang iyak ko nun kasi wala kaming katulong tapos nag kalat si Black. Ayun ako ang naglinis."

Napanganga ako sa mama ni Black. Lilinisin pala ang iniyakan niya ng dumating ako. Kumain ako kasabay nila ng dumating si Orange. Nakatitig lang siya sa akin na malungkot hanggang hinila siya ni White palayo.

Kung ano-ano ang napag usapan namin ng ginang. Masaya siyang ka kwentuhan. Parang si Orange at Green walang boring moments. At yung bibig niya parang Armalite.

"Mae, walang sekreto ang mga anak ko sa akin. Matanong kita. Ikaw ba ay buntis?" Napaubo ako sa ka prangkahan ng nanay niya.

"Madam-- ano kasi---"

"Call me tita Mae, masanay kana rin sa akin ganito talaga ako. So, ano buntis kaba?"

"Hindi po tita."

"Sayang naman. Sige puntahan muna ang anak ko. E tanong mo din kung papasok pa siya sa office."

Pag akyat ko hindi mahirap tukuyin ang kwarto ni Black dahil may pangalan ang bawat kwarto nila. Pinihit ko ang knob. Si Black tulog na tulog at naghihilik. Akala ko da-dramahan niya ako na magpapagising siya pero gising naman talaga. Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mukha niya.

"Hindi na ako magtataka kung bakit ang gwapo mo. Mukha kang napakabait pag tulog. Siguro maganda ang panaginip mo kasi nakangiti ka." Hinawakan ko ang mukha niya. "Siguro kung buntis lang ako, gusto ko kasing gwapo mo ang baby natin. Wag lang sana pati utak."

"Mae-Mae? Andito kana?"

"Oo kaya bumangon kana d'yan at maligo."

"Ayokong malego Mae. Malamig."

"Gusto mo papaliguan kita?" Biglang nagliwanag ang mukha niya. Expected ko na 'to. "Sige, bukas paliliguan kita sa ngayon malego ka muna mag isa." Biglang nalukot ang mukha nito.

"Maaga akong naligo kanina kasi hindi ako makatulog sa kakaiisip sayo." Ani niya at pinalungkot ang mukha.

"Bihis na dali! Kakain kapa."

"Ayokong kumain!"

"Ganun? Kahit susubuan kit--" hindi ko pa natapos ang sasabihin ay agad ng hubad si Black sa harapan ko. Napatalikod ako bigla at namumula ang pisngi ko sa hiya.

"Mae dapat masanay kana. Dahil araw-araw muna akong makikitang hubo't hubad." Napailing ako.

Graveh ang lalaking to!

"Hihintayin kita sa baba." hahakbang na sana ako nang maramdaman ko ang hubad na kawatan ni Black dahil niyakap niya ako. "Magbihis ka nga na eeskandalo ako."

"Humarap ka nga Mae!"

"Magbilang ako ng tatlo pag di kapa mag bihis hindi na kita susubua--" bigla niya akong binitawan at agad kumuha ng susuotin.

Pag harap ko naka pants at tshirt na siya. Mas cool siyang tingnan kaysa sa business suits. Pag baba namin ay nakasabay namin si Orange ang lungkot niyang nakatingin sa amin pero lumabas din si Green at hinatak si Orange pabalik sa kwarto niya. Alam kong iniiwas siya ni White at Green sa amin ni Black.

"Nasasaktan siya." Ani ni Black na nalungkot para sa kapatid.

"Hindi ko sinasadya."

"Alam ko. At alam ko ring alam niya. Di nga lang niya maiwasan."

TANGLED TO OUR PROMISEWhere stories live. Discover now