Lorenza's POV
"Kumpleto na po ba ang mga sangkap Aling Lorenza?"tanong sakin ni Stella
" Oo,Stella" maikling sagot ko
" Ako na Pong bahala dito,balikan nyo nalang po bukas" sabi nya at tumango naman ako
" Sige aalis na ako,balik nalang ako bukas"paalam ko
" Sige po mag ingat po kayo" sabi nya
--------------------------------------------------------
Habang naglalakad ako sa daan pabalik sa bahay ay May narinig akong sigawan sa loob ng isang bahay dahilan para mapatigil ako sa paglalakad
"Bakit mo sinira ang cellphone ko!!" Sigaw ng isang binatang lalaki
" Hindi ko naman sinasadya ,panoy pakalat kalat sa daan kaya natapakan" laban ng isang bata
" Panoy bulag ka ay!!! suntukin kita dyan ay!!!" Banta ulit Nong binata
" Ano ba tama na kayo!!!kasalanan mo naman ito Cesar eh kung hindi pakalat kalat ang cellphone mo ede Hindi sana mayayapakan yan !!!" Sigaw ng kanilang ina
Magkapatid na nag away dahil sa cellphone....
Dahil dito naalala ko ang nangyari kina K at Nana
Flashback
" Ate pahiram naman ang damot damot mo naman " paiyak na sabi ni Anna .
" Hindi nga pwede ang tagal tagal na nitong laruan ko tapos sisirain mo lang?" Galit na sabi ni K
" Hindi ko naman sisirain !!! Isusumbong kita kay mama!!!" Umiiyak na sabi ni Anna
" Hindi nga pwede eh!! Wag kang mag sumbong kay mama hindi ka ba naaawa sa kanya? Pag nagsumbong ka magkakaroon ng problema si mama gusto mo ba yon?" Banta ni K
£=
" Pahiram kasi ang damot!!!!!!mo!!!!" Sigaw ni Anna sabay palo kay K.
"Tama na yan! Anong nagyayari dito?" Mahinahon na tanong ko sa dalawa
End of flashback
Alam kong normal lang sa magkakapatid ang mag away away pero kinakabahan talaga ako para sa mga apo ko
---------------------------
Pagpasok ko sa bahay nakita ko si Scarlet na karga karga si Azzy Nakita ko ang mata ni Azzy na nakapikit at May luha sa gilid ng mga mata nya
Pero mas lalo pa akong nagulat ng makita ko na mayroon syang pasa.
" Anong nangyari kay Azzy?" Tanong ko kay scarlet
" Hinampas sya ni Anna , hindi ko alam ang buong nangyari ayw nilang sabihin sakin eh" malungkot na sabi ni scarlet
" Siguro tama ka nga mama, nag aaway lang sila pag hindi ko nakikita , hindi ko alam kung saan sila natutong mag away away"dugtong pa niya
" Wag kang mag alala anak , malapit na ang sulosyon sa problema mong yan" sabi ko
-------------------------------------------------------------------
Kinabukasan 🏙️
"Ma pupunta po ako sa palengke mamayang alas nuebe (ng umaga syempre)May gusto ka po bang ipabili?" Tanong nya sakin
Yes tamang tama mamaya na namin gagawin ang plano namin ni Stella. Ayaw ko munang sabihin kay Scarlet ang tungkol dito kasi baka hindi sya pumayag.
"Ma May gusto po ba kayong ipabili sa akin ?" Nabalik ako sa realidad ng magtanong ulit sya
" Ah, wala anak " sagot ko
---------------------------------------
" Tara pasok ka" yaya ko kay Stella
" Maupo ka " dugtong ko pa
" Salamat po Aling Lorenza" nakangiti na sabi nya
" Oh, ito baso " sabi ko sabay abot ng tatlong baso sa kanya
Nilagay na nya ang potion na ginawa nya sa tatlong basong inabot ko sa kanya
" Sabay sabay po natin itong ipapainom sa mga apo nyo " sabi nya
" Sige tatawagin ko lang sila."
" K!!!Nana !!!" Sigaw ko sa kanila
" Bakit po lola " sagot ni K
" Pumarito kayo !!!isama mo si Anna!!!" Sabi ko pa
Di nagtagal ay lumapit na sina K at Nana sa amin
" Bakit po?" Tanong ni nana
" Asan si Azzy?" Tanong ko
" Nasa kwarto po" sabay na sagot nila
" Sige pupuntahan ko lang" sabi ko at pumunta na ako sa kwarto nila Scarlet
Nang makarating na ako sa harapan ng kwarto dahan dahan kong binuksan ang pinto .
" La!!!!! " Tawag sa akin ni Azzy
" Bakit po" nakangiting tanong ko
" Do!!!" Sabi pa nya
" Ah madede na ikaw? Parito na " sabi ko sabay karga sa kanya
______________________________________
" Sige na inumin nyo na " nakangiting sabi ni Stella sa mga apo ko habang iniinom Nina Anna at Key ang potion ako naman ang nagpapainom kay Azzy .
" Ang sarap ng juice lola " nakangiting sabi ni K
" Dos " panggagaya ni Azzy
" Hahahahah dos daw, juice yon ha " tumatawang sabi ni Anna
" Shh tahimik na" mahinang saway ko sa kanila at sinimulan na ni Stella ang orasyon
___________________________________
N/A:Ang istorya ito ay kathang isip lamang ito ay gawa lamang ng malikhaing isip ng may akda 😉😉
Thanks for reading don't forget to vote and comment 😘😘
~Graciana_567
YOU ARE READING
3 in 1
FantasyKey Anna Yazzy Montemayor isang buong pangalan pero ito ay tatlong tao. Tatlong magkakaibang boses sa iisang bibig . Tatlong magkakaibang isip sa iisang utak. Tatlong magkakaibang tibok sa iisang puso. At tatlong magkakaibang kaluluwa sa iisang ka...
