💕Chapter 2💕

18 7 5
                                        

Scarlet's POV

Nakaalis na ang babaeng mangkukulam
Kasama ang mga barangay tanod at si aling Marta naman nandito parin.

" Anong tinitingin tingin nyo dyan!!! Ano to ha pelikula na pwede nyong panoorin!! Umalis na kayo mga chismosa!!" Sigaw ni Aling Marta sa mga chismosa at isa na nga ako don.

Nagsi alisan na kami at bumalik na din ako sa mga anak kong naglalaro parin.

"K!!!Anna!!uwi na tayo!!!" Yaya ko sa mga anak ko at nagsilapitan naman sila.

"Nag enjoy ba kayo? Sa palaruan mga anak? Tanong ko sa kanila habang binubuksan ko ang pinto ng bahay namin.

"Mga anak?" Gulat na tanong ng isang tao sa likod ko .

"Lola?" Nagtatakang sabi ni K,so si mama ko ang nagsalita kanina?

Agad kong nilingon si mama
" Mama" gulat na bigkas ko

"Scarlet,sino ang dalwang batang ito " tukoy nya kay Anna at Yazzy.

Si Key lang kasi ang kilala ni mama, tinatago ko si Anna at Yazzy sa kanya kasi gusto nya na isa lang ang anak ko ewan ko kong bakit, hindi pa nya nakikita si Key sa personal kasi sa vedio call lang sila nag-uusap.Nong inanak ko kasi si K ay wala ako sa tabi ni mama lumipat kasi kami dito sa Mindoro kasi dito nakatira si Gabriel.

"Mama bakit po kayo nandito? Diba dapat bukas pa kayo pupunta dito" tanong ko sa kanya

" Wag mong ibahin ang usapan Scarlet,sino ang dalwang batang ito!!at bakit tinawag mo silang anak- " Hindi na natuloy ang sasabihin ni mama. Ng magsalita si Anna "Mama sino sya?" Tanong sakin ni Anna "At tinawag ka nyang mama?" Sabi ulit ni mama
"What is the meaning of this!!!" Galit na sigaw ni mama

"Mama anak ko rin po sila" Malumanay na sabi ko.

" Ano!!!Nagsinungaling ka sakin?!!" Galit na sabi ni mama.

"Hindi ko po kasi alam Yong rason nyo kong bakit gusto nyo isa lang ang anak ko" sabi ko sabay pasok sa loob at nilapag ko si Yazzy sa Kuna .

"Wag mo kong talikuran Scarlet!!!" Sigaw sakin ni mama.

"Ate K bantayan mo muna mga kapatid mo ha" sabi ko kay Key at bumalik ako sa harapan ni mama.

"Mama, wag tayo dito mag usap naririnig ng mga bata eh" sabi ko sabay punta sa aking garden sumunod naman si mama sa akin.

-------------------------------------------------------------

" Bakit mo nagawa sakin yon Scarlet?" Mahinahong sabi ni mama.

"Sorry mama" malungkot kong sabi

" Ano pa bang magagawa natin? Nandyan na sila eh" sabi ni mama

" So pinapatawad nyo na po ako?"tanong ko kay mama

" Oo pinapatawad na kita, kung tutuusin ako naman ang tunay na May kasalanan, kasi kung sinabi ko sana agad ang rason kong bakit siguro Susundin mo naman ako diba?" Tanong sakin ni mama

" Oo naman mama" sabi ko sabay yakap sa kanya " salamat sa pag-intindi mama" sabi ko at humarap na ulit ako sa kanya at kinapitan ko ang dalwa nyang kamay .

"Ano po bang rason ninyo?bakit gusto nyong isa lang ang anak namin ?" Tanong ko kay mama.

"Bago ko ikuwento , ipangako mo muna sa akin na maniniwala ka" sabi nya sa akin at tumango naman ako.

Lorenza's POV

"Bago ko ikuwento , ipangako mo muna sa akin na maniniwala ka" sabi ko sa anak ko at tumango naman sya.

Flashback

"Mahal!!!!" Tawag sa akin ng aking gwapong asawa na si Boyet . Agad akong lumabas ng kubo at sinalubong ko sya. " Kamusta huli mo? "Tanong ko sa kanya . "Ito, sakto lang pang ulam madalang ang isda eh" sabi nya " ok lang yan mahal , baka sa susunod na araw marami na ding isda" sabi ko sa kanya

"Sana nga mahal, tara na sa loob nakakain ka na ba?" Tanong nya sakin sabay pasok sa loob ng kubo .

" Hindi pa hinihintay kasi kita" sabi ko at pinaghain ko sya ng pagkain.

"Mahal, may maganda akong balita sayo" nakangiti na sabi ko.

"Ano yon mahal?" Tanong nya sabay subo ng kanin at ulam

"Buntis ako , isang buwan na" sabi ko na ikinatigil nya.

" Talaga ?" Di makapaniwala na sabi nya.

"Yessss!!!!! magiging tatay na ko!!!" Sigaw nya.


------------------------------------------------------------
Kinabukasan....

Naglalakad ako sa dalampasigan ng May isang babaeng lumapit sa akin.

" Ikaw pala ha!!!" Sigaw nya sa akin sabay sampal sa pisngi ko.

--------------------------------------------------

Hi guys !!! thanks for reading and enjoy^_^

Don't forget to vote 😘😘

~Graciana_567

3 in 1Where stories live. Discover now