Year 2006
Scarlet's POV
"Mama!!!ang bango naman po nyang niluluto nyo mukhang masarap po yan ah " sabi ng panganay kong anak na si Key, tatlong taong gulang na sya mabait sya at maraming alam." Naku!!!nambola ka pa, kailan ba ako nagluto ng hindi masarap?"sabi ko habang hinahalo ang niluluto kong ginataang monggo ." Oo nga kailangan nga ba nagluto si mama ng hindi masarap?" Tanong nya sa sarili nya kaya napatawa nalang ako." Nasan na sina Anna at Yazzy?" Tanong ko sa kanya ." Nasa sala po naglalaro " sabi nya ng May ngiti sa labi "Sinarado mo ba ang pinto?" Tanong ko sa kanya sabay salin ng ginataang monggo sa malaking mangkok "Opo naman ,baka kasi lumabas sila ng bahay mga pasaway pa naman yon" tukoy nya sa dalawang nakababatang kapatid.
"Hahahaha hahahahaha"
Napatigil kami ni Key ng marinig namin ang tawa Nina Anna at Yazzy.Agad kaming tumakbo at tinungo ang sala para malaman kong anong nangyari .
Nang makarating na kami sa sala tumambad sa amin si Anna (pangalawa kong anak ,2 years old ) na nakatayo at tawa ng tawa at si Yazzy( bunso kong anak, 1 year old) na nakaupo at nilalandi ang ihi nyang nagkalat sa sahig.
"Hahahahah mama Assy ihi hahahahah" sabi ni Ana sabay turo kay Yazzy na tuwang tuwa parin sa pagtatampisaw sa ihi nya .
Lumapit ako kay Yazzy at kinarga ko sya " Walang lalapit sa wiwi ni azzy ha baka madulas kayo" sabi ko kina Anna at Key " Ate K kuha muna ikaw ng basahan bilis at pupunasan ko ang wiwi ni baby" utos ko kay K " Opo" sabi nya sabay alis para kumuha ng basahan " Opss!!wag lapit dito" saway ko kay Anna nong muntik na syang lumapit sa wiwi ni baby.
"Ubusin nyo ang kanin nyo ha para tumaba kayo,ayaw ko ng tirang kanin ha" utos ko sa mga anak ko nandito kami sa kusina kumakain ng tanghalian ."Mama, pupunta po ba dito si Lola mamaya ?" Tanong ni K " ay Hindi anak, bukas pa daw " sabi ko sa kanya " mama, wag po kayong magagalit ha, bakit po ba natin tinatago si Anna at azzy kay lola?" Tanong ulit nya sa akin" anak sasabihin ko namn sayo pero wag muna ngayon ha, pero wag kang mag alala ipapakilala din natin sila Anna at azzy kay lola ha" sabi ko sa kanya na ikinatango nya pagkatapos ay kumain na kami.
"Sinong gustong sumama sa palaruan?" Tanong ko sa mga anak ko nandito na kami sa sala at nanunuod ng tv simple lang naman ang pamumuhay namin dati kasi madami kaming pera kaso nagkasakit ang asawa ko Nong 2years old palang si K at pinagbubuntis ko palang si Yazzy sa kasamaang palad di din sya nagtagal.
"Ako po mama" -K
" Ako sama palaluan" -anna
"Sige ,pero iligpit nyo muna ang mga laruan nyo ha"sabi ko sa kanila.
" Tara na !!bilis" sabi ko sa kanila at Sinaraduhan ko na ang pinto Nong paglabas namin sa bahay.
"Hooooo!!!yehey" hiyaw ni Anna habang inuugoy ang duyan nya.
Si K naman ay nagpapadulas sa padulasan at ako? Heto sinusundan si baby azzy naglalakad kasi sya eh .
Di nagtagal May napansin akong mga taong nagtutumpukan sa gilid ng parke .So dahil sa isa akong dakilang chismosa, kinarga ko si azzy at lumapit doon.
Nakisiksik ako sa mga tao don at nakita ko ang isang babaeng Naka upo at gulo gulo ang buhok habang umiiyak habang nasa harapan nya si Aleng Marta ang babaeng basag ulo at judgemental sa barangay namin.
"Aba!!!at ikaw pa ang May ganang umiyak ha eh Yong anak ko naman ang kinulam mo!!"sigaw ni aleng Marta. Ano daw? Kinulam ang anak ni aleng Marta at mangkukulam ang nasa harapan nyA? Pero mukhang maamo ang mukha Nong babae ha,baka hindi naman sya mangkukulam masyado lang judgmental itong si aleng Marta. "hindi po totoo ang sinasabi nyo!!opo mangkukulam ako pero hindi ko po kayang gawin kay lanny yon!!!" Sabi nya habang umiiyak parin.Ay mangkukulam pala😅ano ba yan scarlet 🤣🤣
"Anong hindi!!,dibA May gusto ka sa boyfriend ng anak ko kaya mo sya kinulam!!"sigaw ulit ni Aleng Marta.
"Hoy tama na yan!!!"sigaw ng barangay tanod na kararating lang kaya agad humawi ang mga tao."Yan!!yang babaeng yan damputin nyo yan!!" Sigaw ni aleng Marta at sinunod naman iyon ng mga tanod.
--------------------------------------------------------------
Hi guys💕💕💕
Don't forget to vote and follow me😘😘😘
Stay Safe😷😷😷
~
Graciana_567
YOU ARE READING
3 in 1
FantasyKey Anna Yazzy Montemayor isang buong pangalan pero ito ay tatlong tao. Tatlong magkakaibang boses sa iisang bibig . Tatlong magkakaibang isip sa iisang utak. Tatlong magkakaibang tibok sa iisang puso. At tatlong magkakaibang kaluluwa sa iisang ka...
