💕Chapter 7💕

5 4 0
                                        

Lorenza's POV

" Unum eorum anima mea " basa nya sa isang pahina.

" Anong ibig sabihin non?" Tanong ko sa kanya .

" Ang pagiging isa ng mga kaluluwa" sabi nya sa akin.

"Anong ibig mong sabihin ?"

" Ito lang ang alam kong dapat gawin para hindi matuloy ang sumpa" sabi nya

" Ang iyong tatlong apo ay ating paiisahin sa iisang katawan " dugtong pa nya

" Pano mo magagawa yon?" Tanong ko

" Kaylangan natin ng mga sangkap na ito, ugat ng punong narra , mata ng tilapia ,dugo ng isang birheng dalaga ,bunga ng Santa Anna at sariwang dahon ng bayabas" sabi nya

(N/A : ang istorya na ito ay para lang sa mga gusto na magbasa ng fantasy ang mga sangkap po na nabanggit ay gawa gawa ko lamang ✌️

" Baka namn malason ang mga apo ko nyan " sabi ko.

" Wag po kayong mag alala aling Lorenza meron po ditong potion na umaalis ng lason sa isang bagay" sabi nya

" Mag titiwala ako sayo Stella pero sana wag mo yon sirain "mahinahon na sabi ko .

" Sige po aling Lorenza " sabi nya .

Di nagtagal ay napag pasyahan ko na ring umuwi .

------------------------

" Ma san po ba kayo galing?  Kanina ka pa namin hinahanap akala ko umalis ka na " umiiyak na sabi ni Scarlet.

" Wag kang mag alala anak May pinuntahan lang ako" mahinahon na sabi ko.

" Akala ko dinamdam nyo Yong sinabi ko kanina, sorry po mama hindi po kasi ganon ang pagkakilala ko sa mga anak ko ang alam ko po ay mabubuti na bata sila " umiiyak parin na sabi nya .

Dahan dahan ko syang hinila papalapit sa akin at niyakap.

" Kahit kailan hindi na ako magtatanim ng sama ng loob sayo anak" sabi ko.

" Hindi ko hinihiling na maniwala ka ,at tsaka wag mo nang alalahanin un ha " nakangiting sabi ko at pinahiran ang mga luha nya

------------------------------

K❣️I❣️N❣️A❣️B❣️U❣️K❣️A❣️S❣️A❣️N


"Anak lalabas muna ako ha " paalam ko sa anak ko.

" San po kayo pupunta mama?" Tanong nya

" Dyan lang sa labas,anak May alam ka ba kung saan merong puno ng narra? " Tanong ko.

" Puno ng narra? Aanhin nyo po yon?" Tanong nya

" Gusto kong kumuha ng ugat non " sabi ko

" Po? Bakit po?"

" Basta , gusto ko eh"

" Mahirap kumuha ng ugat non ma , wag kang mag alala hahanap ako ng pwedeng utusan para kumuha non" sabi nya

" Sige salamat,labas muna ako ha mag lalakad lakad lang " sabi ko .

Lalabas na sana ako kaso pag bukas ko Nong pinto tumambad sa akin ang isang magandang dalaga na May dalang mangkok.

" Magandang umaga po ,nasan po si Tita Scarlet?" Nakangiti na tanong nya

" Ahh, Scarlet!!! May naghahanap sayo!!" Sigaw na tawag ko kay Scarlet.

" Sino po yon? " tanong ni Scarlet habang naglalakad papalapit sa amin.

" Tita, ulam po para sa inyo " nakangiting sabi Nong dalaga

" Ay naku ,salamat ha ,wait lang isasalin ko lang ha " sabi ni Scarlet sabay kuha Nong ulam at pumunta na sya sa kusina.

Kailangan ko ng dugo ng isang birheng dalaga

" Ija , pwedeng magtanong? Wag ka sanang magagalit ha " sabi ko sa kanya

" Sige ano po yon?"

" Birhen ka pa ba ?" Seryosong tanong ko

" Po ? Hahahahah si lola naman oh hahahaha syempre naman po wala nga akong jowa eh hahahaha" natatawang sabi nya

Pwede na siguro TOH ,eh kaso pano ko sasabihin sa kanya na kailangan ko ng dugo nya

"Ah sige na  aalis na muna ako " sabi ko sa kanya at lumabas na ako ng tuluyan .

------------------------

Hi guys 💟

Ang storya na ito  ay para sa mahilig sa fantasy at gustong magbasa ng fantasy

Ito po ay kathang isip lamang

Thanks😘😘

Don't forget to vote and comment at syempre follow me 🤣🤣🤣

3 in 1Where stories live. Discover now