💕Chapter 4💕

7 5 0
                                        

Continuation....

Lorenza's POV

"Bilis mahal sakay na sa bangka" mahinang tawag sa akin ni Boyet.
Inalalayan nya ako sa aking pagsakay sa bangka.Aalis na kami at pupunta sa Manila.

" San kayo pupunta?" Napatigil kami ni Boyet ng May ibang taong nagsalita . Nilingon namin ang buong paligid pero
Wala namang ibang tao.

" Sino ka??" Pasigaw na tanong ni Boyet .

" Walang hiya ka Boyet!!! Tatakasan nyo pa ako!!!" Nag eechong sigaw Nong taong boses babae ,teka pamilyar ang boses nya alam ko na!! Sya Yong tunay na asawa ni Boyet nasan sya bakit boses lang nya ang naririnig namin pero hindi namin sya makita. Napatigil ako ng maalala ko ang sinabi sa akin kahapon Nong babae .

Kung hindi mo sya iiwan!! Kukulamin kita May lahi akong mangkukulam kaya, matakot kana!!!

Noon, Hindi ako naniniwala sa kulam pero dahil sa nangyayari ngayon mukhang maniniwala na ako.

" Tigilan mo na kami Selena !!! Hayaan mo na kaming maging masaya!! Hiwalay na tayo diba kaya hayaan mo na kami!!!" Galit na sigaw ni Boyet.

" Ano ako tanga!!! Hahayaan ko kayong maging masaya habang kami ng mga anak mo ay nagdurusa!!!hindi ako tanga Boyet hindi ko kayo hahayaang maging masaya !!!!" Galit na sabi ni Selena.

"Mas pinipili ko si Lorenza kaysa sa'yo mas mahal ko din sya kaysa sa'yo!!!" Sigaw ulit ni Boyet.

" Kung pipiliin mo sya ,isinusumpa ko!! Mamamatay ka Boyet!!!!! At magkakaroon kayo ng tatlong apo, at hindi sila magkakasundo sa ano mang bagay!!! Hindi sila magkakaisa at sa huli sila rin ang magpapatayan !!!" Sigaw ni Selena ,alam kong masakit ang nararamdaman ni Selena pero mahal ko din si Boyet.

---------------------------------------------------

(Fast forward)

Nandito na kami sa Manila umupa muna kami ng bahay, wala kasi kaming mga kamag anak dito mga taga Visayas ang mga kamag anak ko at taga Palawan naman ang mga kamag anak ni Boyet.

" Wag mong isipin Yong sinabi ni Selena" sabi nya sa akin habang hawak nya ang kanang kamay ko habang naglalakad papunta sa bahay paupahan." Dito po tayo" turo sa amin Nong may ari ng paupahan . Pumasok sya sa May eskinita at sumunod naman kami.

" Sana nga hindi totoo ang sinabi nya" malungkot na sabi ko.

" Tama ka hindi totoo ang sumpa sum--" naputol Ang sasabihin nya ng May narinig kaming putok ng Baril . at dahil don nagsigawan at nagkagulo ang mga tao." Ma- hal" napunta ng atensyon ko kay Boyet nong tinawag nya ako.

Laking gulat ko nong makita ko si Boyet na kapit kapit ang dibdib nyang dumugo .
" Natamaan sya ng baril!!! tulong tulong!!!! " Nagpapanic na sigaw nong kasama namin

------------------------------------------
Fast forward

Sunod sunod na pumatak ang mga luha ko ng makita kong dahan dahan na ibinababa ang kabaong ni Boyet sa kanyang huling hantungan.

Bakit mo ako iniwan Boyet ? Bakit mo kami iniwan ng anak natin? Pero wag kang mag alala aalagaan ko ng mabuti ang anak natin.

End of flashback

Scarlet's POV

" Kaya pala gusto nyong isa lang ang maging anak ko" mahinang sabi ko.

" Oo anak dahil umaasa ako na pag isa lang ang anak mo ay baka hindi na matupad ang sumpa." Sabi ni mama

" Pero nandyan na sila eh ano pang magagawa natin, hindi naman ako naniniwala sa sumpa sumpa pero sa kalagayan ng anak ni Aling Marta, mukhang naniniwala na rin ako." Sabi ko.

"Isa lang ang alam kong pwede mong gawin,yon ay ang turuan sila ng magandang asal at turuan mo rin sila na mahalin ang isa't isa" sabi ni mama sabay hawak sa magkabilang balikat ko.

"Ginagawa ko na yon mama at patuloy ko parin Yong gagawin" sabi ko at yumakap na ako kay mama.

-------------------------------------------------------

" Mama sya si Anna, ang pangalawa kong anak 2years old na po sya "sabi ko kay mama habang turo ko si Anna na nakaupo sa tabi ko at nasa harapan naman namin si mama" at ito naman si baby Yazzy ang bunso kong anak 1 year old palang po sya" sabi ko kay mama sabay turo kay azzy na nakaupo sa hita ko.

" Bakit sunod sunod ang edad nila?, May hinahabol ba kayo?" Nagtatakang tanong ni mama.

" Hahaha Opo mama, gusto kasi ng papa ni Gabriel na May lalaki kaming anak kaso hindi nabiyayaan eh tapos namatay pa si Gabriel Nong pinagbubuntis ko si Azzy" sabi ko kay mama.

-----------------------------------

Hi guys💕💕💕

Don't forget to vote and follow me😘😘😘

Stay Safe😷😷😷

~Graciana_567

3 in 1Where stories live. Discover now