💕Chapter 5 💕

5 5 0
                                        

Lorenza's POV

" Magandang umaga po mama" nakangiting bati sa akin ni Scarlet." Halika na dito mama sumabay ka na sa amin mag almusal" yaya nya sa akin.

Lumapit ako sa isang bakanteng upuan at umupo doon." Hello po lola" nakangiti din na bati sa akin ni Key " hello din apo kumain ka ng madami ha,para tumaba ka, "sabi ko sa kanya

" Opo lola yan po ang laging sinasabi ni mama tuwing kakain kami" sagot naman nya. Tama nga si Scarlet, mababait ang mga anak nya dahil tinuturuan niya ito ng magandang asal .

-------------------------------------------------

Scarlet's POV

" Sige na bilisan nyo na " pagmamadali ko sa mga anak ko, mamamasyal kami para naman makalabas si mama dito kahit papaano, madaming magagandang lugar at tanawin dito sa aming barangay merong talon falls sa bundok at malalim na dagat sa aplaya at mga ilog na galing din sa bundok .

"Tara na anak excited na ako" yaya sa akin ni mama. " Baka naman hapoin (hikain/ hingalin/ kapusin sa paghinga )
kayo sa pag ahon(pag akyat) natin sa bundok,mama" sabi ko sa kanya masyadong matarik Yong daan pero hindi na yon madulas dahil nakasemento na ang kalahati ng daan papuntang talon falls." Ano ka ba hindi yan,kaya ko yan" sabi ni mama. " Oo sige tara na" sabi ko at umalis na kami.

----------------------------------------------------

Lorenza's POV

" Ang ganda naman dito anak!!!!!" Manghang sabi ko sa anak ko

" Ang lamig ng tubig " sabi ni K

" Yehey!!!" Sigaw ni Anna

Lumubog na din ako sa tubig , ang sarap ng tubig grabe.

----------------------------------------------

" Anak ,itatapon ko lang to ha" paalam ko kay Scarlet. Tumayo ako sa pagkaupo at lumapit sa sako na nakasabit sa puno .

Nang Itapon ko ang plastic sa basurahan May nakita akong dalawang lalaki May dalang malaking bag

Maya-maya ay lumingon sa akin ang isang lalaking kasing edad ko lang at dahil don kinabahan ako dahil baka masasamang loob sila.

"Ma-magandang umaga po" kinakabahan kong sabi

Tumingin sya sa kasama nyang lalaki at tumingin ulit sya sa akin .
" Magandang umaga din" nakangiti nyang sabi.

" San po kayo pupunta ?" Hindi ko alam kong bakit pati yon natanong ko pa.

" Don sa May kubo doon, ibibigay namin itong mga pagkain nato" sagot nya sabay turo sa bag na dala nya . So pagkain pala ang laman non.

" Bakit ano Pong meron don?" Nagtatakang tanong ko

" May babaeng nakatira don , madaming galit don kasi isa syang mangkukulam kaya para sa kaligtasan Nong babaeng yon napag pasyahan namin ni kapitan na dito nalang syang tumira sa bundok at dadalhan nalang namin sya ng mga kailangan nya" sagot Nong isang lalaking Naka uniform na pang barangay tanod.

" Mga opisyales pala kayo" sabi ko sa kanila.

" Oo ako ang kapitan dito at yang talon falls na yan isa yan sa ipinagmamalaking lugar dito sa Mindoro" pagmamayabang nya.

" Sige aalis na kami" paalam ni kapitan.

----------------------------------------------

" Anak totoo ba Yong sinabi sa akin ni kapitan?" Tanong ko sa anak ko pagkatapos kong ikuwento sa kanya lahat ng nalaman ko kanina.

" Opo mama May mangkukulam nga Pong nakatira dito sa barangay natin at nilipat sya sa bundok para sa kaligtasan nya" sabi ni Scarlet

-------------------------------------------------

" Magandang umaga po mama" masayang bati sa akin ni Scarlet May dala syang basket na puno ng labahin.

" Maglalaba ka?" Tanong ko sa kanya

" Opo mama" sabi nya at lumabas na .


" Ano ba Anna akin yan!!! Wag mong pakialaman!!!" Mahinang sigaw ni K.

Binuksan ko ng kaunti ang pintuan ng kwarto Nina Scarlet at sinilip ko sina K at Anna .

" Ate pahiram naman ang damot damot mo naman " paiyak na sabi ni Anna .

" Hindi nga pwede ang tagal tagal na nitong laruan ko tapos sisirain mo lang?" Galit na sabi ni K

" Hindi ko naman sisirain !!! Isusumbong kita kay mama!!!" Umiiyak na sabi ni Anna

" Hindi nga pwede eh!! Wag kang mag sumbong kay mama hindi ka ba naaawa sa kanya? Pag nagsumbong ka magkakaroon ng problema si mama gusto mo ba yon?" Banta ni K

" Pahiram kasi ang damot!!!!!!mo!!!!" Sigaw ni Anna sabay palo kay K.

"Tama na yan! Anong nagyayari dito?" Mahinahon na tanong ko sa dalawa

--------------------------------------------

Hi guys💕💕💕

Don't forget to vote and follow me😘😘😘

Stay Safe😷😷😷

3 in 1Where stories live. Discover now