💕Chapter 3💕

10 5 0
                                        

Continuation.......

Lorenza POV

Kinabukasan....

Naglalakad ako sa dalampasigan ng May isang babaeng lumapit sa akin.

" Ikaw pala ha!!!" Sigaw nya sa akin sabay sampal sa pisngi ko.

" Ouch!!sino ka ba ?" Tanong ko sa kanya habang hinihimas ko ang pisngi ko na sinampal nya.

" Gusto mo ko makilala? Sige!!!, Ako lang naman ang asawa ni Boyet !!" Sigaw nya sakin.Teka Boyet? Sinong Boyet?

" Boyet ang pangalan ng asawa ko, siguro hindi namn sya ang tinutukoy mo diba?" Tanong ko sa kanya .

" Sorry pero sya ang tinutukoy ko" mataray na sabi nya " at anong sinasabi mong asawa mo si Boyet, teka kasal na ba kayo? " Dugtong pa nya.

" Hindi pa kami kasal, pero sabi nya asawa na daw nya ako." Sabi ko sa kanya.

" Talaga !! Eh tinanong mo ba sya kong bakit hindi pa kayo nagpapakasal ?" Tanong nya ulit.

" Kasi nag iipon palang sya " mahinang sabi ko.

" What?? Mag iipon!!!! Kaya hindi pa kayo nagpapakasal kasi kasal pa kami at May 2 kaming anak!!!at ikaw hindi ka asawa isa ka lang kabit!!!" Sigaw nya sa akin. At dahil don sunod sunod na tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

" Wag mong sabihin yan!!hindi ako kabit!!!" Sigaw ko sa kanya.

"Talaga hindi ka kabit ? Anong gusto mong itawag ko sa yo? Masamang tao!!! Tama!! Yon dapat ang itawag ko sayo masama kang tao kasi naninira ka. Ng pamilya!!!" Sigaw nya ulit.

" Hindi ako masamang tao!!! hindi ko naman sya papatulan kong alam kong May pamilya na sya !!" Ganto ko sa kanya .

" Kung hindi ka masamang tao, iwanan mo ang asawa ko!!!" Sigaw nya

Hindi ko yon kaya mahal ko
si Boyet at isa pa , buntis ako

" Kung hindi mo sya iiwan !!kukulamin kita May lahi akong magkukulam kaya , matakot Kana- " naputol ang sasabihin nya ng May dalawang batang babae ang lumapit sa kanya ." Ma tama na yan !!!" Sabi ng batang mukhang 8 years old at isang batang babae na mukhang 2 years old.

" Mama wi na tayo" sabi ng batang 2 years old.

Di nagtagal ay umalis na sila at naiwan naman ako dito na luhaan dahil sa patuloy na pagpatak ng mga luha ko.

--------------------------------------------------------

" Mahal !!!!" Tawag sa akin ni Boyet.
Agad kong binuksan ang pinto at sinalubong sya ng malakas na sampal.

" Mahal para saan naman yon?" Nagtataka nyang tanong habang hinihimas ang pisngi nya.

" Bakit namumugto ang mata mo? Teka umiyak ka ba?" Tanong nya. Lalapit sana sya para punasan ang mata kong May tira pang luha pero agad akong umiwas at pumasok sa loob ng kubo at sumunod naman sya " May problema ba ?" Tanong nya sa akin.

" Bakit hindi pa tayo nagpapakasal?"
Nagtitimpi ko sabi pero tumutulo na ulit ang luha ko.

" Mahal diba nag iipon pa ako" sabi nya

" Wag mo na akong lokohin Boyet!!! Hindi mo ko pinapakasalan dahil kasal ka pa!!!" Sigaw ko sa kanya.

" Pano mo nalaman?" Tanong nya.

"So totoo nga!!! H*y*p ka !! Niloko mo ko!!!" Sabi ko sa kanya habang hinahampas ko ang kanyang dibdib.

" Mahal sorry , baka kasi hindi mo ko tanggapin pag sinabi ko ang totoo " umiiyak nyang sabi.

" Talagang di kita tatanggapin dahil ayaw kong makasira ng pamilya!!" Sigaw ko " maghiwalay na tayo" umiiyak na sabi ko.

" Mahal wag naman ganon mahal na mahal kita" umiiyak na sabi nya sabay yakap sa akin.

" Boyet tama na" nahihirapan kong sabi
" Bumalik Kana sa tunay mong pamilya " dugtong ko pa

" Ayaw ko mahal , gusto mo din bang masira ang pamilya natin?" Umiiyak na tanong nya.

" Pero wala na tayong magagawa sila ang tunay mong pamilya" sabi ko ulit

Maya maya ay hinarap nya ako at kinapitan ang magkabila kong pisngi
" Kung mahal mo ko sasama ka sa akin"

Sabi nya

" Anong ibig mong sabihin? " Tanong ko sa kanya

" Ayaw kong masira ang pamilya natin , gusto mo bang lumaki ang anak natin ng walang kinikilalang ama?" Sabi nya sa akin.

" Syempre ayaw ko-" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ulit si Boyet
" Yon naman pala eh , bukas na bukas aalis tayo dito pupunta tayo sa Maynila don tayo magsisimula ulit , maliwanag"
Tanong nya.

Tumango ako kahit mahirap sa loob ko ayw ko man makasira ng pamilya ng iba pero mas ayaw ko na masira ang pamilya ko..

------------------------------------

Hi guys enjoy reading 😘😘😘 don't forget to vote 😎😎😎

~Graciana_567

3 in 1Where stories live. Discover now