Lorenza's POV
" Aray tulong!!! Tulungan niyo ako!!!"
Habang naglalakad ako sa daan ay narinig ko ang sigaw na yon kaya't dali dali akong lumapit doon .
At sa hindi inaasahang pangyayari nakita ko ang isang babaeng naliligo sa sarili nyang dugo " tulong!!!!" Agad akong lumapit sa bahay bahay at humingi ng saklolo di nagtagal ay nadala na rin sya sa hospital
Nilapitan ko ang lugar kong saan nakita ang babae kanina kinuha ko ang isang cup sa basurahan at kinuha ko ang panyong dala dala ko inilapit ko ang panyo sa dugo at piniga sa tapat ng plastic cup, dalaga ang babae kanina siguro birhen pa yon . Agad akong tumayo at aalis na sana kaso " lola?" May tumawag sa akin . Nilingon ko yon at nakita ko ang isang babaeng nasa 40 na siguro ang age " bakit?" Sagot ko sa kanya
" Kayo po ba ang nakakita sa babae dito kanina?" Tanong nya
" Ako nga " maikling sagot ko
" Ako po ang tita nya, alam nyo po ba kung anong nangyari sa kanya?" Umiiyak na sabi nya.
" Naku ija pasensya na kaso hindi ko alam nakita ko lang sya Nong humingi na sya ng tulong" mahinahong sabi ko
" Sige po lola salamat nalang po " sabi nya at Umalis na
( N/A : kung masyado Pong mabilis ang mga pangyayari, sinadya ko po yon dahil ito ay flashback lang
Thanks enjoy 😘😘)
-------------------------------
" Eh kamusta naman po Yong babae? " Nag aalalang tanong sakin ni Scarlet.
" Hindi ko alam , nasugod naman agad sya sa hospital kaya sigurado akong maliligtas sya-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng May tumawag sa labas.
" Scarlet!!!" Sigaw ng tao sa labas
" Sandali lang ma ha nandyan na si mang Kanor eh" sabi nya pagkatapos ay lumabas na sya
Di nagtagal ay bumalik narin agad si Scarlet " mama ito na nga po pala Yong ugat ng narra na gusto nyong kuhain " sabi nya sabay abot sa akin ng ugat ng narra " salamat anak " nakangiti na sabi ko.
" Aanhin nyo po ba yan? " Tanong nya
" Basta wag mo nang tanungin " sabi ko
Ano pa kayang kulang? Ugat ng narra.....meron na,dugo ng birheng dalaga.....meron na .
Hmmm ano pa kaya?mata ng tilapia , san kaya makakakuha non
" Ma!! Kain na po tayo" tawag sakin ni Scarlet
" Sige pupunta na ko" sabi ko
Pumunta na ako sa hapag kainan , magandang tanghali lola " nakangiti na bati sa akin ni Key "magandang tanghali din apo kain kayo ng madami ha " sabi ko .
Naglagay na ako ng kanin at ulam sa plato ko.
" Ay May sinigang na tilapia nga pala binigay nina aling Saling kanina " sabi ni Scarlet
" Tilapia?" Tanong ko
" Opo mama,Yong dala ni Niña kanina" sabi nya sabay lapag ng sinigang na tilapia sa mesa.
" Yong dalagang May dalang mangkok kanina?" -ako
" Opo ma" maikling sagot nya sabay subo ng kanin .
Tilapia pala yon hindi ko napansin kanina eh, masyado kasi akong na fucos don sa dalaga kanina kaya hindi ko napansin na tilapia pala ang dala nya.
Kumuha ako ng tilapia at kinuha ko ang mga mata nito.
-----------------------------
Tatlong sangkap na ang nakuha ko
Bunga ng Santa Anna at sariwang dahon ng bayabas nalang ang kulang ,kaya naman palang kuhain ang mga sangkap sa madaling panahon lang maganda na rin yon para bukas dadalhin ko na ito kay Stella.
"Anak pupunta lang ako sa hardin mo ha ". Paalam ko kay Scarlet
" Sige po mama, papatulugin ko muna si Azzy " sabi nya
----------------------------
Bunga ng Santa Anna ....bunga ng Santa Anna ....ayon!!! Nakakita rin
[^_____^]
Isa..... dalawa ....tatlo
Tatlo lang ang nakuha ko
Yun puno ng bayabas kaso nasa taas ang mga sariwang dahon
(^^'). Hindi ko abot
Aakyat na sana ako ng biglang...
" Mama!!!" Tawag sa akin ni Scaret
" Anong ginagawa mo?" Dugtong pa nya
" Gusto ko ng sariwang dahon ng bayabas " sabi ko
" Ako nalang po dyan baka malaglag ka pa " sabi nya at dahan dahan na umakyat sa puno ng bayabas
-----------------------
" Aanhin nyo po ba yan ?" Tanong nya sa akin
" Wala " maikling sabi ko
" Ma , napansin ko lang na iba ang ikinikilos nyo ngayong araw
Masyado po kasi kayong busy " sabi nya sa akin
" Nababagot lang siguro ako hahaha" pagdadahilan ko at natawa namn sya
-------------------------
Hi guys thanks for reading
Don't forget to vote and comment syempre follow me na rin para lagi kayong updated^_^^_^^_^
YOU ARE READING
3 in 1
FantasyKey Anna Yazzy Montemayor isang buong pangalan pero ito ay tatlong tao. Tatlong magkakaibang boses sa iisang bibig . Tatlong magkakaibang isip sa iisang utak. Tatlong magkakaibang tibok sa iisang puso. At tatlong magkakaibang kaluluwa sa iisang ka...
