Lorenza's POV
"Tama na yan , anong nangyayari dito?" Tanong ko kina Anna at K
" Lola,wala po" nakasimangot na sabi ni Anna .
"Anong wala? Nakita ko kayong nagaaway na tapos wala?" Sabi ko
" Lola sorry po , wag nyo po kaming isumbong kay mama please" pagmamakaawa sa akin ni K.
"mag sorry na kayo sa isa't isa" sabi ko
" Sorry Anna" sabi ni K
" Sorry din Ate" si Anna
--------------------------------------------------
"Mama, totoo po ba ang sinasabi nyo?" Tanong sa akin ni Scarlet matapos kung ikwento ang pag aaway ni K at NAna kanina. Pumunta ako dito sa labahan ni Scarlet para sabihin sa kanya ang nangyari.
" Oo anak " sabi ko
" Kilala ko po sina K at NAna , Hindi po nila gagawin yon" mahinahon na sabi ni Scarlet.
" Pero kilala mo din ako Scarlet , Hindi ako magsisinungaling sayo" sabi ko
" Bakit nyo po ba sila sinisiraan ? Akala ko tanggap mo na sila?" Mahinang sigaw ni Scarlet
" Tanggap ko na nga sila ,malay mo nagbabait baitan lang sila pag nandyan ka" laban ko.
" Ewan ko sa inyo" sabi nya sabay alis.
-------------------------------------------------
Hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kanina ,una nagaway sina K at Anna tapos pangalawa, kami naman ni Scarlet.
Hindi kaya...... Nag aaway lang ang magkakapatid pag wala si Scarlet?
Kailangan ko ng kumilos . Ano kaya kong... Puntahan ko Yong mangkukulam,baka kaya nyang kontrahin ang sumpa ni Selena.
----------------------------------------------------
" Mano po lola" nakangiti na sabi nang isang batang lalaking nakasalubong ko sa daan .
" Ijo alam mo ba kung saan ang Barangay hall dito?" Tanong ko sa kanya.
" Opo lola bakit po?" Tanong nya sakin.
"May itatanong kasi ako sa kapitan nyo eh" sabi ko
"Sige po samahan ko na kayo" sabi nya at sabay na kaming naglakad.
-------------------------------
"Magandang umaga po kapitan" nakangiting bati ko kay kapitan
" Magandang umaga rin, maupo ka" sabi nya sa akin at umupo naman ako sa upuan na kaharap nya
" Diba ikaw Yong babaeng nakita ko sa talon falls namin?" Tanong nya
" Ako nga po" sabi ko
" Anong maipaglilingkod ko sa iyo?"
" Kapitan, gusto ko po sanang samahan nyo ako don sa babaeng sinasabi nyong mangkukulam, yon ay kung ayos lang sa inyo" sabi ko
" Oo naman, Nelia samahan mo si aling.......?"
" Lorenza, Lorenza Azola " pagpapakilala ko.
" Samahan mo si Aling Lorenza sa bahay ni Stella alam mo naman yon diba" sabi nya don sa Nelia
" Opo kapitan , kailan po ba?" Sabi ni Nelia.
" Ngayon na sana " sabi ko.
" Sige po tara na" sabi nong Nelia .
---------------------------
" Nandito na po tayo" sabi ni Nelia
" Stella!!! Si Nelia to!! Buksan mo ang pinto" sigaw ni Nelia.
Di nagtagal ay bumukas na rin ang pinto ng kubo .
" Magandang umaga po konsehal Nelia" bungad na bati ni Stella.
" Pasok po kayo" yaya nya sa amin
----------------------------
" Sino po ang kasama nyo konsehal?" Tanong ni Stella kay Nelia.
" Ah si Aling Lorenza , gusto nya daw ikaw makausap" sabi ni Nelia.
" Tungkol saan po yon Aling Lorenza?"mahinahong sabi ni Stella , maganda sya at mukhang mas matanda sya sa anak kong si Scarlet.
" Ahmmm konsehal ,pwede mo ba kaming iwan?" Mahinahon na sabi ko.
" Ah sige po " sabi ni Nelia sabay labas.
---------------------------
" Stella, mangkukulam ka diba?" Sabi ko sa kanya.
" Opo, May lahi po akong mangkukulam pero hindi ko po ginagawa ang turo sakin ni mama kasi ayaw kong maging masama" sabi nya
"Ahmmm ,kaya mo bang komontra ng isang sumpa?" Tanong ko.
" Pasensya na po , nakalimutan ko na po kong pano gawin yon eh"
" Ganon ba,Nong buntis kasi ako isinumpa ako eh , magkakaroon daw ako ng tatlong apo lagi daw silang mag aaway at sa huli sila rin daw ang magpapatayan, noong una hindi naman ako naniniwala sa sumpa pero dahil sa pagkamatay ng asawa ko naniwala na ako." Sabi ko
" Ganon po ba? " -Stella
"Oo kinakabahan ako para sa mga apo ko , May magagawa ka ba para don?" Tanong ko.
" Saglit lang po ha " sabi nya sabay tayo at pumasok sa isang silid.
Maya maya ay bumalik na sya at May dala syang makapal na libro
" Ito po ang aklat na bigay sa akin ni mama , dito po mahahanap ang sagot sa problema nyo" nakangiti nyang sabi
Sinimulan na nyang buklatin ang kada pahina
-------------------------
Hi guys don't forget to vote 😘😘
And follow me thanks
Stay Safe
YOU ARE READING
3 in 1
FantasyKey Anna Yazzy Montemayor isang buong pangalan pero ito ay tatlong tao. Tatlong magkakaibang boses sa iisang bibig . Tatlong magkakaibang isip sa iisang utak. Tatlong magkakaibang tibok sa iisang puso. At tatlong magkakaibang kaluluwa sa iisang ka...
