TB Chapter 12: Friend

Start from the beginning
                                    

"Ang cute naman nung isa!" Pandak naman, ems.

"Si Gent 'yon di ba?" So?

"Oo, yung model ng campus!" Edi waw.

"Sayang, wala si Papa Allan!" Habulin niyo dun sa court.

"Ampogi naman nung isa, yung nakasalamin!" si Ian ata yung tinutukoy nito.

"Balita ko, magkakasama sila sa iisang room." Ambilis ni Tsis.

"Yung babae sa gitna, di ba siya yung jowa nung pogi sa senior?" Ha? Senior? Sino 'yon?

"Ay oo nga! Kilala ko 'yon!" Sinoo??

"Si Papa Piolo!" Ha? Kilala nila si Kuya?

"Swerte naman nung dalawang babae!" Anong swerte doon? Malas nga kasama iyang mga 'yan!

"Sana ako rin kasama nila sa room!" Goodluck sa'yo!

Ilan lamang 'yan sa mga narinig ko mula sa kanila ngunit marami pa talaga silang sinasabi. Ang dami na palang pinakalat ni tsis tungkol sa'min.

Maya-maya lang ay natahimik sila at hindi ko naman alam kung bakit? Napansin kong nakatuon ang kanilang atensyon sa entrance ng cafeteria kaya naman napabaling din ang tingin ko roon.

Bumungad sa akin ang isang magandang babae na nakatayo sa may pintuan, siya yung babae kanina na nagtanggol sa'min ni Kiara. Yung ex ni Kuya.

Ano nga ulit pangalan niya?

Hindi naman niya pinansin ang mga nakatingin sa paligid niya at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa direksyon.....namin?

Bakit siya palapit sa amin?

Tyaka, bakit kaya sila tumahimik?

Nang makalapit siya sa amin ay agad na nabaling sa akin ang kanyang atensyon.

"Oh? Hi, Phia!" bati niya at nginitian ko naman siya pabalik. Napatingin ako sa mga kasama ko at nakitang nananatili lang silang nakatingin sa magandang nilalang na nasa harapan ko.

Hindi ko talaga matandaan pangalan niya.

Ngumiti siya ulit bago bumaling sa mga kasama ko. "Kasama mo sila?" takang tanong niya sa'kin at tumango naman ako bilang sagot.

"Wow! Hi! Nice to meet you all! I'm Caisy, Phia's friend." bati niya sa kanila.

Buti pinaalala niya yung pangalan niya.

Nagningning naman ang mga mata ng mga loko at lalong-lalo na si Josh. "It's my pleasure to meet you, beautiful lady." sambit ni Josh habang hawak ang kamay ni Caisy.

Daming alam, gumaganon pa.

"By the way, I'm Josh Mendez. Just call me, Josh." dagdag niya pa bago hinalikan ang kamay ni Caisy.

Hindi niya naman siguro nakalimutang mag-tooth brush noh?

"Oh? Okay. Nice to meet you too." nakangiting tugon naman sa kanya ni Caisy.

Buti, nagagawa pa niyang tiisin si Josh.

Kung ako sa kanya, may tattoo na ng black eye 'yan sa mukha.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now