CHAPTER 30 | TRAITORS

419 25 8
                                    

Chapter 30: Traitors

NAKATAPIS na lumabas ng banyo si Drake. Nang mabungaran na wala si Amanda sa kwarto niya, nagbihis muna siya saglit. Nagsuot siya ng puting tee-shirt at makapal na itim na pajama.

Hinanap niya si Amanda sa kusina. Nang wala doon ang babae ay pumasok ulit siya sa kwarto niya at doon niya nakita ang isang bagay na malapit sa cabinet niya. Ang ID niya.

Napansin niyang hindi maayos ang pagkakasara ng kanyang kabinet kung kaya't binuksan niya iyon. Ang pinakahuling drawer nito ay hindi rin maayos.

Shit! He curse. Dali-dali siyang humablot ng jacket at lumabas ng bahay. Nakita niyang bukas ang gate ni Amanda at wala na ang kotse nito. Tatawagan niya sana ito ng makita ang bag ni Amanda sa kaniyang kama.

Out of frustration, he immediately called Nath, Nikolai, Betty, Myi and even the two guards and Chelzey.

"Hindi ko maintindihan. Bakit naman gagawin iyon ni Amanda kung wala siyang alam?" Through video call ay kausap nila si Chelzey.

"I think someone told her." Nath said.

"Who?" Sabay-sabay nilang tanong na lalo pang nagpadagdag ng sakit ng ulo ni Drake.

"Tayo lang ang nakaka-alam at ang angkan.  Aminadong guilty ako, but I swear, hindi ako!" Betty exclaimed. Maging ang dalawang matanda ay tumango.

"Ganoon din ako." Si Mang Kanor. Myi sighed.

Nasa loob silang lahat ng bahay ni Drake. Mag-mamadaling araw na nga't wala pa si Amanda. Nag-aalala narin si Myi para sa anak niya. Baka kung napano na ang hija niya.

"Sana lang talaga ay nasa mabuti siyang kalalagayan. Alam kong darating tayo sa punto ito kung saan malalaman na niya ang lahat. Ngunit hindi ko inaasahang ganito ka-aga." Myi comb her hair. Sumandal siya sa kanyang upuan at napahugot ng hininga.

"Hindi ko ito inaasahan." Betty sobbed. Nananakit narin ang kanyang mata. Wala pa siyang tulog. Kahapon ay nagising siya ng alas dos at anong oras na ngayon. Paniguradong mugto na ang mga mata niya.

"Sino bang hindi?" Chelzey yawned. "Wife, matulog ka na kaya?" The man spoke. Her husband. Nawala ang camera ni Chelzey pero hindi pinatay ang tawag.

"I'm scared." Betty honestly burst out. Takot siya sa maaaring mangyari. "I am damn scared."

Hanggang sa ibang malakas na paglapag ng folder sa lamesa ang gumising sa kanilang lahat.

* * * * *

AMANDA wipe her tears. Nang sipatin niya ang oras sa kanyang relo ay ala-una trenta na. Napag-pasyahan na niyang bumalik sa village. Siguro ay papakalmahin muna niya saglit ang kanyang sarili.

Isinandal niya ang kanyang ulo sa sandalan. Natatawa siya habang iniisip na ilang buwan siyang nagpaloko at ilang taon na siyang niloloko. At hindi lang pala iisa ang nanloloko sa kanya kundi lahat sila.

Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang kanyang tiyahin. "Tita. . ."

Ria smirked. Anong oras na sa Gleoda? Alas-syete kuwarenta na, napatawa si Ria ng ma-compute na ala-una na sa Delivour.

"Bakit naman ang tagal mong tumawag, Amanda!" She said. Tumawa pa siya.

"Tita Ria. . . Kailan mo pa alam ang lahat?" Pumiyok pa ang kanyang boses.

"Simula nang mapunta sa iyo ang kumpanya. Funny, right? Matagal ko nang alam lahat, Amanda. I even know his reason, their reasons."

Naipikit ni Amanda ang kanyang mga mata. Marami pang sinabi si Ria sa kanya at nang mag-alas-dos na umuwi na siya sa village.

Dumaretso siya sa bahag ni Drake nang makita niya ang mga kotse na nakaparada sa harap ng bahay ng nobyo niya. Nobyo my ass.

"Hindi ko ito inaasahan." She heard Betty sobbed.

"Sino bang hindi?" Narinig niya si Chelzey. Hanggang sa makarinig sila ng boses ng isang lalaki.

Narinig niyang muli ang mahinang pag-iyak ni Betty. "I am scared. I am damn scared."

Pinalis ni Amanda ang kanyang mga luha at tuloy-tuloy na pumasok sa kusina at pagalit na ibinagsak ang folder. Nabuklat ang unang pahina ng folder at napasinghap si Myi, ang kanyang ina.

"Tell me, kailan niyo sana balak sabihin sa akin lahat ng ito? Lahat. . . ng panloloko niyo?!" Pumiyok ang kanyang boses. Napaluhod siya at sumubsob sa kanyang mga palad.

"Hindi ko maintindihan! Anong rason niyo! Kahit saang anggulo ko tignan, wala akong makalap na rason! Ano bang rason niyo?!"

Drake's face soften. Masakit sa kanyang dibdib ang makitang umiiyak si Amanda. Sa lahat ng bagay na ayaw niya, ang makita ang kanyang mga luha ng dahil sa kanya ang pinakamasakit na nakita niya.

"Babe."

"Shut up!" Amanda shouted.

Tinignan niya silang lahat. Si Betty na nagkayakap kay Nath at si Nikolai na blangko ang mukha. Ang kanyang ina na hindi nakatingin sa kanya. At si Chelzey sa screen ng laptop ni Drake at katabi ang asawa nito.

Nilapitan ni Drake si Amanda. Lumuhod si Drake upang magpantay ang kanilang mukha. Pinalis niya ang mga strand ng kanyang buhok na dumikit na sa mukha ng kasintahan niya dahil basa na ang mukha ng dahil sa luha.

"I trusted you, guys." Natatawang suminghap si Amanda. "Mahal na mahal ko kayong lahat. Mga kaibigan ko kayo. Takbuhan tuwing malungkot ako, may problema."

Dumako ang mata ni Amanda sa ina niya. Myi sniff. "Ina pa kita, Mama. Pati ba naman ikaw, tratraydurin din ako? Kailan pa, Mama? Kailan mo pa alam ang lahat ng ito, Mama?"

Myi shook her head. "I'm sorry, Anda."

"Sorry lang? Lahat kayo, sorry lang? Wala manlang kayong idadahilan? Wala? Reasons? Nath? Nikolai? Betty? . . ."

Umiling lang silang tatlo, nang malingunan niya si Chelzey ay nakasubsob ito sa dibdib ng kanyang asawa.

Mas lalo lang siyang nanlumo. Mga traydor!

"Hindi ko ito inaasahan, ang mga kaibigan ko pa pala mismo ang tra-traydor sa akin."

Nag-angat siya ng tingin kay Drake. "What can you say, Drake--- oppss! I mean, Timothy!" She sarcastically laughed!

"All this time, my first love is my husband and my boyfriend at the same time! Ginawa niyo pa akong cheater! Akala ko pa naman ay niloko ko ang sarili kong asawa para sa iba! Ang tanga ko naman at hindi ko inisip na ang asawa ko at ang kabit ko ay iisa!"

To be continued. . .














Ayun, medyo sabaw. Lutang ako dito sa scene na ito. At wala sa hulog ang mga ito. Ang to inform you, simula chapter 28 ay isinulat ko ang mga chapters in impromptu way.

Walang outline pero may plano. Sorry sa mga errawrs. Because I had no time to edit pa. Soon siguro. Also, check the multimedia. Nandoon yung unang page ng folder na hawak ni Amanda.

Ang siyempre! Bago ko i-update ang next scene! Pahingi muna ng comments. I swear, hindi ako mag-a-update pag walang comments (chawrs) and votes narin. Parang awa niyo na! HAHAHAH.


























🥀Before proceeding to the next chapter. Kindly, VOTE and leave a COMMENT. Follow me too! Gracias!

Leanna Avys | Lady_Avys

Marrying Amanda SalazarWhere stories live. Discover now