CHAPTER 10 | DINNER

517 33 2
                                    

Chapter 10: Dinner

NAKANGITING INAALALA ni Drake ang nangyari noong nakaraang araw. Hindi niya alam kung nagkataon lang na mapunta siya sa ibang bahay para makapagpahinga at mas maging close sila ni Amanda, at the same time.

"Hulaan ko, nagde-daydream ka na naman, no? Tungkol na naman 'yan sa Amanda'ng 'yan, no?"

Natatawang iniwas nalang ni Drake ang kanyang mga paningin sa kaibigan.

"Inlababo ka na talaga, brad. Ipapaalala ko lang, ha? May asawa yung tao." Eskahaderong tumawa si Nath sa harap niya. Pigil ni Drake ang sariling wag suntukin ang kaibigan niya.

Minsan ang mga kaibigan talaga, ang akala mong susuportahan ka, ilalaglag ka pa pala.

"Nathaniel Smith, lumabas ka na ng opisina ko bago pa kita masakal."

"Sabihin mo, tatawagan mo na naman si Amanda at palusot mong tungkol sa kumpanya ang balak mo. Yun pala, gusto mong kausapin yung babae."

Inis niyang tinapunan ng tingin si Nathaniel. Nath just shrugged. Somehow, totoo naman ang sinabi ni Nath. Nakakatawang isipin na nagiging palusot niya ang business para lang makausap si Amanda.

"Let's face the reality nalang kasi pare. Kasal yung tao, tapos balak mong ligawan? Pare! Loyal yun sa asawa niya!"

Umiling si Drake.

"She's mine even in the beggining. Sakin siya. Kaya kahit na kasal siya, aagawin ko siya. You know me, Nath. What I want, I always get. And Amanda is mine. Wedded or not, nothing can stop me."

Napangiwi nalang si Nath. Well, hindi niya masisisi ang kaibigan niya. He's friend totally sucks!

"Cupid hit you man!"

* * * * *

HALOS SABUNUTAN na ni Amanda ang sarili dahil sa katangahan niya. Bakit ba nakalimutan niya! Ngayon pala ang anibersaryo nila ng asawa niya.

Hindi pa niya sana 'yun maaalala kung hindi lang nagring ang telepono niya at batiin ng asawa. Nakakadismaya lang. Tatlong taon na siyang kasal. Ngunit hanggang ngayon, walang asawang kasama.

Ano ba naman itong kapalaran niya! Talagang wala siyang pag-asa sa pagibig.

"Nasa'n na ba?" Naiinis niyang tanong kay Betty na naka-poker face lang naman habang nagtitimpla ng kape.

"Siguro, madami ka lang iniisip, Madame! Lalo na ngayon at ito ang buwan na madaming benta tapos madaming mga alalahanin sa kumpanya. Tapos dumagdag pa yang kabilang kumpanya na umanib kuno satin."

"Pero hindi, eh!" Laging siya ang nakakaalala ng anibersaryo nila. Hindi niya talaga lubos akalain na makakalimutan niya ang isa sa pinakamemorable na araw ng buhay niya.

Tss.

"Madame!" Nagkakamot sa batok na bungad ni Nikolai. May hawak siyang bungkos ng bulaklak. "Para daw sayo, Madame!" Naiilang niyang patuloy.

"Kanino raw galing?" Aniya. Inabot niya ang bulaklak.

"Kay Kuya Drake po." Halos masamid si Betty sa narinig niya. Napasinghap siya ng mapaso ang dila niya.

"Ano?" Halos sabay nilang tanong ni Amanda. Nagbabakasakali na mali ang narinig nilang dalawa.

"Eh, kasi madame. Nakasalubong ko siya kanina papunta rito. Eh, medyo close naman na kami kaya pinakisuyuan na niya ako."

"B-bakit daw?"

"Sabi niya, Madame. Kung pwede daw po ba kayong ayain mag-dinner ulit sa bahay niya."

Marrying Amanda SalazarWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu