CHAPTER 4 | ACE

708 46 5
                                    

Chapter 04: Ace

NAKAKUNOT ANG noo niya habang binabasa ang proposal na pinirmahan ng Boss niya.

"Sigurado ka na?"

Oo naman. Kailan ba siya hindi naging sigurado sa mga desisyon niya pagdating sa kumpanya. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang palakihin at palakasin ang kumpanya.

"Yeah. Tsaka hindi sila magkakamaling balian tayo. Kapag nangyari yun, mapupunta ang kalahati ng Gallegos satin. Win-win situation tayo. Makikinabang sila, ganun din tayo."

"Naalala ko pang tahimik ang Gallegos Company. Kaya nagulat ako dahil dito. Hindi ko alam na interesado ang mga Gallegos sa mga Salazar."

Nagkibit balikay siya. Okay lang naman. Hindi maitatanggi ni Betty na matalinong boss si Amanda. Magaling siya sa desisyon. Hindi nagkamaling siya ang boss ng Salazars.

"Ah. Nga pala, Ma'am. Tungkol pala sa Black Market--"

"No! Sabihin mong hindi tayo papasok sa illegal na pagbi-benta. We're on the top. Ano nalang ang magiging pangalan natin kapag pinasok natin ang Black Market?"

Ayaw niyang masangkot sa Black Market. Hindi na magiging deserving ang Salazar Inc. kapag pumasok sila ng Black Market.

Ayaw niyang isugal ang Salazar para sa posisyon. At ilang taon nang nasa una ang Salazar ng walang tulong ng Black Market.

"Sige po. Sasabihin ko po."

Umalis na din siya. Matapos ang ilang minuto. Madami pang ibinilin si Amanda kay Bettina.

"Salazar Inc. Head. How can I help you?" Sabi niya habang nagbabasa.

"Sound serious and ready to fight, wife?"

Napangiti siya sa sinabi ng asawa niya.

"Yeah. HAHA!"

"Oh, baby. Trying to seduce me using your laugh, wife? Hm?" Lalo siyang tumawa.

"Nope. I'm just happy to hear your voice again, hubby. How's life?"

"Well, I'm fine. I called because I heard that Gallegos Company invest?"

"Hm-hm." Tumango siy at kinagat ang ibabang bahagi ng labi niya. "I... is it okay?"

"Baby. You amazed me."

Kinikilig naman siya. Ang asawa na niya mismo ang nagsabi. Noong sinabi ng iba yung sa kanya natutuwa lang siya. Minsan, tinatanggi pa niya.

Pero tignan mo naman naman, iba pala ang feeling kapag ang asawa mo na mismo ang magsasabi sayo.

"T-thank you."

"I didn't expect your wise desicion."

Matapos ang pag-uusap nila, napagdesisyunan na rin niyang kumain ng pananghalian.

"Roast beef and chapsuey, please." Aniya.

"Hey!" Ani ng isang boses sa kanya.

"Drake." Sabi niya sa binata. Nakashade parin gaya ng dati. Ayaw yata niya ng nasisilaw.

"Akala ko ba may pupuntahan ka ngayon?" Tanong niya sa lalaki.

"Ahm, 'di natuloy eh. Napasarap ako ng usap sa babaeng mahal ko kaya nalate ako sa flight." Tumango lang naman si Amanda. Kailangan ba talagang i-share niya yun?

"Kakain ka din? Naka-order ka na?" Umiling si Drake sa kanya. Nakita lang niyang umupo si Amanda kanina kaya siyang lumapit dito.

"Pwede ba kitang saluhan? Wala kasi akong kasama, eh. It's lonely eating alone."

Amanda shrugged. Feel lang niya ang loneliness kapag kausap niya sa telepono si Timothy.

"Sanay na din akong kumain ng mag-isa. Simula noong ilipat ako ng asawa ko sa Village. Saka nalang ako nalulungkot kapag kausap ko siya."

"Bakit ka naman nalulungkot, nakakausap mo naman ang asawa mo?"

Hindi din niya alam. Siguro dahil nakakausap nga niya ito pero hindi niya nakikita sa personal.

"Malungkot ako kasi sa telepono ko lang siya nakakausap. Hindi ko nga alam kung bakit di siya nagpapakita o umuuwi sa akin. Pangit ba ako? Pero sinasabi niya laging ang ganda ko. Minsan, naiisip ko, hindi ba niya ako mahal?"

Kumuyom ang kamay ni Drake habang pinapakinggan si Amanda.

"Mahal niya daw ako. Lagi niyang sinasabi yun. Kaya kahit na nahihirapan akong ganito ang sitwasyon namin, nagtitiis ako kasi he always assure that he'll comeback to me. Natatawa nalang ako kapag niloloko ako ng pamilya ko. Sabi nila baka kaya daw ayaw magpakita ng asawa ko kasi baka bakla."

Tawang tawa siya ng maalala kung ano ang pinagsasasabi ng mga pinsan, tito at tita niya.

"Yeah. I'm going. Sorry. Have a nice lunch."

Nagtataka siyang tinatanaw si Drake nabigla nalang nag-walk out.

Labo-labo. Natatawang sabi niya sa sarili niya. Bakit naman umalis agad yung lalaki. Umiling nalang siya sakto naman na dumating ang order niya.

Kumain muna siya. Bago pumasok ulit ng opisina.

* * * * *

EVERYTHING IS now settled. Hindi niya alam kung tama ba lahat ng ginagawa niya para sa Silver Anniversary ng kumpanya.

Nagtataka din ang mga kasosiyo nila kung bakit hindi si Mr. Salazar ang nasa venue. Galing iba't ibang bansa ang mga dumalo. Managers, Heads and Investors. At ngayon lang nagpakita sa mga investor si Amanda ng personal.

"Looking good, Madame Amanda!" Nakipagbeso siya sa mga nakakasalubong niya habang papunta sa bahaging bar ng reception.

Madaming tao. Sari saring lenggwahe. Pero nagkakaintindihan sila sa English.

"Ma'am." Bumulong sa kanya si Betty.

Ininom niya muna ang kanyang tequila bago bumaling sa sekretarya.

"Tumawag po si Mr. Salazar, Ma'am. Nasa line 08 po. Gusto daw po kayo makausap." Sabay silang umalis. Nasa ika-apat na palapag sila ng Head Company. Malaking floor naman yun kaya kasya ang lahat.

"Hubby?" Napangiwi naman si Betty sa narinig niya. Minsan talaga, napapaamo ng daga ang pusa. Pero walang meaning yun.

"Beware, Wifey. I'm watching you the whole night."

"Where are you?" Tanong pa niya. Tumingin naman si Betty. Bigla ay parang naging sabik si Ma'am Amanda.

"I'm everywhere, wifey. I'm not gonna lose you and you'll not gonna lose me. Well, you look good tonight."

Namula siya. Napatingin siya sa sarili niya. Isang silver fitted dress. Bahagyang sumisilip ang cleavage niya. Off-shoulder din kasi kaya lantad ang kanyang balikat.

"Can you change your dress? You exposed too much skin. I hate it when someone sees it. You're mine, baby. Please?"

Napalunok naman siya. At dahil isa siyang masunuring asawa, pumayag siya. Kaya kahit na gahol sa oras ay nakahanap siya ng dress.

Silver rin yun. Hindi na lantad ang balikat. Cross-stringed naman ang lace sa likod. With her killer shoes on. Silver pourse and her creame lip color.

"Alas." Tumatangong sabi ni Betty sa boss niya.

"What do you mean?" Nakangiting tanong ni Amanda.

"You're the Ace, Madame Amanda. Kapag nawala ka, talo ang hari dahil bagsak ang reyna."

To be continued. . .








🥀Before proceeding to the next chapter. Kindly, VOTE and leave a COMMENT. Gracias!

Marrying Amanda SalazarWhere stories live. Discover now