CHAPTER 23 | DUCHESS

361 26 3
                                    

Chapter 23: Duchess

MAGAAN ang loob niya kay Chelzey. Lalo na at nalaman niyang sa maraming bagay ay nagkakasundo silang dalawa. They shared the same vibes, likes, wants. Parehas sila ng hilig sa isa't isa.

Mula sa pagkain, sa cake, paborito nilang dalawa ang mocha cake. Parehas sila ng taste sa fashion. Maging sa pagkagusto nila sa sunset.

Maging sa kulay ay parehas sila ng taste, dark colors such as blue, black, gray. They even both love dark rooms, night's peacefulness.

Dahil doon, naging magkaibigan sila. Amanda accept the friendship. Masaya siya dahil madadagdagan ang kaibigan niya.

"Sige, ano pang gusto mo maliban sa kulay blue, gabi at ulap?" Tanong ni Chelzey sa kanya. Napatulala si Amanda.

"I am starting to like Drake, Chelzey." Napasinghap si Chelzey at muntik ng mabulunan. Umagap siya ng tubig sa tabi niya.

Akala niya, 'yun lang ang revelation na maririnig niya mula sa babae ng biglang humirit ito ng isang linyabg muntik na niyang ikinahulog sa upuan.

"I wish, he's my husband."

"The heck! Seryoso ka ba diyan?" Natatawang tanong ni Chelzey. Napapaisip nalang siya na baka hindi pa matapos ang buwan na ito, tapos na din ang misyon. Misyon na parang ayaw na  niyang ituloy.

Umiling si Amanda. "Kasi naman, diba, like what you said. He's a husband material. Napaka-sweet. Caring."

Napainom si Chelzey at nag-iwas ng tingin. Dumadagundong ang kanyang dibdib. "Nice wish." Naiusal nalang niya.

* * * * *

MYI AND DRAKE is in the coffee shop near Villia Familia. Hindi alam ni Amanda na narito sa Delivour ang kanyang Ina.

The two of them is talking about the plan. Ang planong ito ay para narin sa anak niya. Gusto din naman niyang maging maayos ang kalalagyan ng kanyang anak. Kaya hangga't makakaya niyang tumulong para sa plano, tutulong siya.

Hindi maiwasang mapaisip si Myi. "Mahihirapan tayong ihulog ang loob niya sayo, Drake. Lalo na nga at malaki ang utang na loob niya sa pamilya mo."

Naisip narin iyon ni Drake bago pa man ang lahat. "My family knows about our plan, they won't get mad."

Umiling si Myi. Bilang Ina, alam na niya ang ugali ng anak niya. Maging yata isip ni Amanda sa isang bagay ay alam niya. "But Amanda doesn't know anything, kaya she won't cheat sa pag-aakalang kamumuhian siya."

Wala nang ibang nagawa si Drake kundi ang sumandala at bumuntong hininga. "Ano ba kasing buhay ang meron ako." He sighed na para bang pasan niya ang lahat ng problema sa mundo. "Gusto ko lang naman ang maging malaya mula kay Papá."

Myi smile. Anak. Anak na turing niya kay Drake. Hindi nalang siya isang kapamilya niya, isa ng anak, anak mula sa puso. Hinawakan niya ang kamay ni Drake na nakapatong sa lamesa kung saan sila magkaharap.

Mapungay ang mga mata'ng sinalubong nij Myi. Kulay kayumanggi'ng mga mata. Mga matang kakausapin ang iyong kaluluwa.

"If plan goes well, or plan backs out, nasa likod mo lang ako. Kami. Hindi ka namin iiwan."

Nakaramdam ng paghaplos sa puso ni Drake. Haplos ng pagmamahal ng isang Ina. Hindi niya naranasan ang ganito sa kanyang Mamá. Dahil bago pa man siya magkaroon ng isip ay namatay na ang kanyang Ina. Kung kaya't nagpapasalamat siyang nagkaroon siya ng mga Aunt at si Myi, ang pangalawang ina niya.

Marrying Amanda SalazarWhere stories live. Discover now