CHAPTER 20 | BABY

533 25 3
                                    

Chapter 20: Baby

"HELLO, SON?"

Napamulagat siya at napabalikwas ng higa nang marinig ang boses ng Ama niya.

"Dad." He asked. Bigla siyang kinabahan at lumakas ang tahip ng kanyang dibdib.

"Nasa Gleoda ka pala, why don't you visit your father, son?"

Napapikit siya ng mariin. Kahit na free siya at may malawak na time. He'll never visit his father. Para saan pa? Para diktahan siya sa kung ano ba dapat ang gawin niya?

Pagod na siya. Ayaw na niya ang ganoon. Malaki na siya. Matanda na siya. Alam na niya ang dapat gawin ag kailangang gawin.

"D-dad."

"Hindi mo ba ako na-miss, anak? Ayaw mo na ba sakin? Visit me, son. Please?"

"Dad, may gagawin akong importante ngayon." Napakamot siya ng batok niya.

"Is it about the company?"

"Yes." Tumango siya.

"Okay, son."

He sighed. Company. Money. Heir. Lahat iyan ay hindi mawawala sa lahat ng sasabihin ng Ama.

* * * * *

AFTER A WEEK and so, Amanda's feeling already settled. Nagkagusto lang siya kay Drake because he's a husband material. She's just in love with the idea of him as a good husband.

She's not in love of Drake. She's not because she's already in love and she can't be in love with to person. Isa lang ang puso niya kaya dapat lang na isa lang ang mamahalin niya.

Hindi niya talaga mahal si Drake dahil minsan lang ma-inlove ang isang tao. Ang nararamdaman niya kay Drake ay infatuation lang. Sigurado siya doon. At ang mahal niyang talaga ay si Timothy, siyempre, siya ang asawa niya.

"Hello?" Sagot niya nang mag-ring ang telepono.

"Baby!"

"Mom?" She lazily answered her Mom.

"Bebe, I am here in front of your house na. I can't pasok because I don't have susi." Then her Mom chuckled. Napahawak siya sa noo.

* * * * *

UMUWI RIN siya agad matapos niyang matanggap ang tawag ni Myi.

"Mama." Pagod niyang hinarap ang Ina.

"Nakapasok na ako kanina, eh. Tinulungan ako ni Nikolai." Ngiting aso lang ang binigay ni Amanda kay Myi.

"Hoy, babae. Saan ka naman natutong magmaneho ng kotse?" Tinawanan niya lang ang Ina.

"Simula noong umalis yung naghahatid at sunusundo sakin ng walang paalam." Nilagpasan niya ang Ina. Kunot noo'ng sinundan niya ng tingin ang anak niyang nakabusangot.

"Talaga? Sino ba naghahatid-sundo sayo? Diba si Nikolai?" She frowned. 

"Bakit ka bigla napapunta dito? Kumusta na si Teffany?"

"Okay lang." Maikling sagot niya. Sabay silang napalingon sa pintuan ng mag-door bell ang kung sino sa kanyang pinto. Siyempre, saan ba ang doorbell? Door.

"Hoy, babae. May bisita ka."

"Alam ko, Ma. 'Matic na yun."

Dumaretso siya sa gate at binuksan iyon.

"Amanda." He greet Amanda. Pero dahil masama ang loob niya kay Drake. Pinagsarhan niya ang lalaki ng gate.

"Oh? Sino yun? Ba't di mo pinapasok?" She rolled her eyes. Isinandal nalang niya ang likod sa sofa at pinakalma ang puso niya.

Marrying Amanda SalazarWhere stories live. Discover now