CHAPTER 3 | DEAL

839 49 5
                                    

Chapter 03: Deal

NASA LOOB SILA ng conference room. Kasama ni Amanda ang kanyang sekretarya. Nakaharap siya sa malaking screen. Hindi niya personal nakikita ang mga manager ng iba pang kumpanya.

Dumating siya sa kumpanyang wala siyang nakitang investor ng personal. Lagi siyang nasa conference ng mag-isa.

Kapag meeting naman, nasa isang private room. Nakakatakot lang kasi dahil sa dami ng kaaway ng Salazar Inc.

"And everything is settled now. We're ready for the near Silver Anniversary."

Tumango si Amanda at pinirmahan ang papeles.

"Meeting adjourned, then." Hanggang sa namatay ang monitor at umilaw na ang buong conference.

"Exhausted, eh?" Natatawang sabi niya sa boss niya.

"Yeah. Exhausted much. Para na akong tumatanda ng isang taon kapag pagod na pagod."

Tumawa siya at inabutan ng inumin si Amanda.

"Pa'no ba yan, Madame Amanda? It's near six na. Uwian na."

"Sige, salamat ah!"

Lumabas na siya ng opisina at nagderetso sa private elevator niya. Hanggang sa marating niya ang lobby.

"Bye, Madame Amanda!"

"Good Bye, Ma'am!"

Tumango tango si Amanda sa kanila. Nakakailang dahil lagi siyang nakikita ng mga trabahador niya.

"Bakit di ka nalang bumili ng kotse mo, Ma'am Amanda. Para kahit papano safe ka kapag umuuwi o kaya naman papasok."

"Hindi na, Manong. Nakakahiya naman humingi ng kotse sa asawa ko. Himingi nga lang ako ng bahay sa isang simpleng Villiage pero inilagay ako sa isang exclusive."

"Oh, ayaw mo n'un, Ma'am?"

Umiling si Amanda at tumawa siya.

"Baka kapag humiling ako ng Vios sa kanya, BMW o kaya Lamborghini ang ibigay niya sakin."

Tumawang tumango naman ang guard. Hinintay ni Amanda si Nikolai para sunduin siya. Nagkwentuhan muna naman si ng Guard.

"Ilang taon na po kayong nagta-trabaho para sa kumpanyang ito, Mang Gardo?"

Nilingon naman siya ng guard. Nagsusulat siya sa kanyang record book.

"Ah, dalawang dekada na mahigit, Madame Amanda. Bakit po?"

"N-nakita niyo na po ba sa personal ang boos?"

"Ah? Hindi pa ikaw ang boss?" Nagtatakang tumingin si Mang Gardo sa kanya.

"Hindi po ako. I-iyong asawa ko po. Si Timothy Salazar po."

Umiling naman si Gardo.

"Hindi ko pa siya nakikita. Pero lagi niya akong kinakausap. Tumatawag siya kapag katapusan ng linggo. Napapadalas na nga ngayon. Dalawang beses na sa isang linggo."

Bakit kaya napapadalas ang tawag niya, hindi lang da kanya, pati sa iba.

"Ma'am Amanda! Tara na! Sakay na!" Sabi ni Nikolai sa tapat niya. Nakauniporme pa si Nikolai. Baka kagagaling lang niya ng eskwela.

"Sige po, Mang Gardo. Mauna na po ako. Salamat nga po pala." Sumaludo naman si Gardo sa babae.

"Walang anuman, Ma'am Amanda! Ingat po kayo!"

Kumaway pa siya ng may ngiti sa labi niya.

"Ang ganda ng jacket mo, Ma'am Amanda. Saan galing yan? Sa Plovialen? Ang ganda, ah. Hindi mo ako binilhan ng souvenir?"

Marrying Amanda SalazarWhere stories live. Discover now