PROLOGUE

2K 90 16
                                    

Title: Marrying Amanda Salazar

Sub-Title: Her Mysterious Man

Date Officially Started: December, 31, 2020.


PROLOGUE

SINO 'yon? 'Yon ang unang tanong ng babae habang nakatingin sa lalaking nakaitim mula sa malalaking puno ng Acacia.

Kanina pa niya napapansin na nakikita niyang sumusunod sa kanya ang lalaki. Oo, lalaki. Nakikita niya ang tikas ng katawan ng lalaki. Tinawagan niya ang number ng kaniyang Ina.

"Mom, I-I think. . .someone's f-following me." Nanginginig niyang sabi. Galing siya ng opisina at wala ng taxi. Naglakad nalang siya at mas maganda sana kung nagpasundo siya kay Nikolai pero alam niyang pagod din ito sa eskwela niya.

"What?! Amanda! Hurry! Bilisan mong maglakad! Nasan ka?! Ipapasundo nalang kita!" Nahi-hysterical na sabi ng Ina.

Imbes na makatulong ang Mama niya ay napangiwi nalang siya sa lakas ng sigaw ng Ina.

"No n-need, Mom. Tanaw ko na ang village." Dali-dali siyang tumakbo hanggang sa makita siya ng guard ng village.

"Ay naku, hija! Bakit ginabi ka yata ngayon? Ngayon lang nangyari sayo ito, ah? Alas nuebe na!" Ngumiti nalang si Amanda at nagpahatid ng cab para mapadali ang pag-uwi niya sa bahay nila.

Oo, bahay nila ng asawa niyang hindi niya kilala. Napabuntong hininga siya.

Siguro, kung nandito lang ang asawa ko, sana siya ang sumusundo sakin o kaya naman ay sabay kaming uuwi. Pero tatlong taon na ang nakalipas simula nang huling makita ko siya.

Umiling nalang siya. Nagpasalamat siya sa guard.

"Sige, ah. Sa susunod, kung wala kang masakyan, tumawag ka nalang sakin. Ay, naku! Baka mapano ka sa daan. Madami pa namang tarantado ngayon." Tumango siya kay Manong Marlon.

"Salamat po, Manong Marlon. Sa susunod po, tatawag nalang po ako para magpasundo."

"Oo naman, no! Baka kung anong mangyari sa daan sayo. Takot nalang namin sa asawa mo kung madisgrasya ka sa daan." Natatawang nagpaalam na si Manong Marlon sa kanya.

"Sige ho, maraming salamat ho!"

Nang makapasok siya sa bahay niya. Huminga muna siya ng malalim bago nagtungo ng kwarto. Hindi niya hinangad na tumira sa mansiyon ng asawa niya.

Sinabi niyang titira nalang siya sa isang village. Simpleng village pero pinadala siya ng asawa niya sa isang exclusive na village.

Kumain muna siya at naligo pagkatapos. Saka siya nagpahinga.

KINABUKASAN, nakarinig siya ng ring ng telepono. Nakapikit siyang tumayo mula sa kama at tinungo ang landline.

"Hello?" Paos niyang boses.

"Damn, woman. I love your sexy sleepy voice."

"Timothy?" Nagulantang niyang sabi. Tumawag ang asawa niya ng hindi inaasahan. Kadalasan kasi, katapusan ng buwan siya tumatawag. Minsan mula pa sa ibang bansa ang tawag niya.

"Miss my husky voice, wife?"

Umiling siya na para ba namang nakikita siya ng asawa niya.

"I miss you. I want to see you. Please, Timothy. Be with me."

Mangiyak-ngiyak niya sabi. Kahit na sa telepono lang sila nagkakausap, alam niyang mahal siya ni Timothy at ganun din naman siya sa asawa niya.

"Stop crying then baby. Hush now."

Marrying Amanda SalazarWhere stories live. Discover now