CHAPTER 8 | MR. DRAKE

619 33 7
                                    

Chapter 08: Mr. Drake

"YES. YES, SIR." Tatango-tango niyang ani habang nasa tenga niya ang telepono. Pasado alas-dos na ng hapon. Sa sobrang dami ng trabahong naimbak noong mga nagdaang mga araw dahil holiday break.

"Madame?" Kumatok sa pinto ng opisina niya si Betty. Ginamit niya ang intercom para marinig niya ang tawag mula sa labas ng opisina niya.

Ibinaba niya ang tawag. "Come in." Aniya.

May dalang box ng. . . .cupcake? Napakunot ang noo niya. Inilapag ni Betty ang karton sa mesa niya.

"Binili mo?" Tanong niya. Umiling naman ang nakangiting si Betty. Natatawang binuhat niya ulit ang karton ng cupcake.

"Bigay lang 'to." Aniya.

"Sayo? Manliligaw mo?" Takang tanong niya. Betty is just 26. Young and single. Nakakatuwa nga dahil isa siyang masipag na trabahador at mabait na sekretarya. Kaibigan at the same time.

"Baka manliligaw mo?" Banat niya. Hindi naman siya pinansin ni Amanda.

"Para sayo 'yan, Madame. May nagpapabigay. Hmm? Sino kaya?" Umakto pa siyang nag-iisip. Lalo tuloy lumalim ang gatla ng noo niya.

Para malinawan siya, kinalas niya ang pagkakabuhol ng ribbon ng box ng cupcake. Tumambad sa kanya ang nakasalansan na cupcake.

"Anong ibig sabihin niyan, Madame?" Pati siya ay hindi alam kung anong ibig sabihin ng letrang M dahil letrang A naman ang pangalan niya.

"Sa akin ba talaga ito?"

Saka niya napansin na may sulat pala ang takip ng box. Sulat kamay. Cursive. Masarap tignan. Sulat lalaki.

'Congrats, Amanda.'

Yun lang naman ang nakalagay. Galing ba ito sa asawa niya? Napangiti siya.

Mukhang galing nga yun sa asawa niya.

"Timothy always make me happy." Nakangiting aniya.

Mayamaya ay nag-ring ang kanyang phone. Sa tuwa na si Timothy iyon ay hindi na niya tinignan ang Caller ID.

"Thank you, hubby." Aniya agad. Napatikhim naman si Drake sa kabilang linya. Para tuloy siyang nabulunan. Nasa Plovialen ngayon si Drake at nasa harap niya ang Ina ni Amanda.

Nagtataka namang nakatingin si Myi sa kaharap. Nag-iwas ng tingin si Drake.

"Amanda. This is me, Drake. Hubby, ei?" Natatawang sagot niya.

Napaayos naman ng upo si Amanda.

"Oh. . . Sorry, akala ko yung asawa ko. Sorry ah, k-kasi sobrang saya ko ngayon." Hindi mapigilang i-share ni Amanda ang kasiyahan niya.

"Hm? Do you mind if I ask why?"

Nagtatakang nakamasid lang si Betty sa boss niya, pati si Myi sa lalaking kaharap niya.

"Ahmm, hm? Wala yun. Hayaan mo na yun. Bakit ka nga pala napatawag?" Aniya. Nahiya naman siya. Tanga! Akala niya yung asawa niya. Epic fail.

"Dumatin na ba yung cupcakes?"

Napatingin naman si Amanda sa cupcake na nasa harap nilang dalawa ni Betty. Napalunok siya. Kung hindi ang asawa niya ang nagbigay, so, si Drake pala?

"Y-yeah? I-ikaw ba nagpadala n-nito?"

Matamang tinignan ni Betty si Amanda na nakapako ang tingin sa mga cupcake.

"Hm-hm." He hummed while smiling. "Nagustuhan mo ba?"

Marrying Amanda SalazarNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ