"MOM!" Reklamo ni Green.

"Papatayin ko ang Chekwang yun!" Pag wawala ni Black at inubos talaga ang display ni mama na mga mamahalin figurine.

"Black---" tawag ng bagong dating na si Cheiz.


Nilapitan lang ito ni Black. "IKAW! BAKIT KA NANDITO?"

"Tama na Black!" pigil ni Cheiz dito.

"TAMA? KUNG OK LANG SAYO NA PAKASALAN NG CHEKWANG 'YUN SI MAE, PWES SA AKIN HINDI! BAKIT KO BA ISUSUKO ANG BABAENG MAHAL KO! IKAW? NAKA DRUGS KABA KAYA NAGUSTUHAN MO ANG PAYATOT NA YUN?"

"Anong pinag uusapan ninyo?" Ani ni mommy.

"Yang si Cheiz! Mahal ang chekwang 'yun! Ako naman mahal si Mae! Pero wala siyang gagawin. Habang ako gusto ko nang pumatay!"

"Totoo Cheiz? Hindi kayo mag syota ng anak ko?"-mommy.

"MOM! How many times do I have to tell you? WA-LANG-KAMI!"

"Tama si Black tita. Were just friends. Alam mo kasi tita, mahal ni Marrion si Mae. Wala na akong magagawa pa dun. Kahit si Black wala na ring magagawa."

"P*STENG BUHAY TO! BAKIT WALA AKONG MAGAWA!"

"BLACK ANG BIBIG MO! Problema lang yan! Hahanap tayo ng paraan."

"Bakit mag papakasal si Mae doon mahal niya ba?" Ani ni mama na nakisali na sa problema.

"Mukhang problemado din si Chekwa, at desperadong magka asawa eh. Hindi siya mahal ni Mae, pero bilang kaibigan hindi siya maewanan ni Mae sa ire. Besides, utang niya sa chekwang 'yun ang buhay ni Black kaya nahihirapan siyang tumanggi." sagbat ko.

"Wala nang solusyon mom, magpapakasal na sila. Sa ayaw at sa hindi kailangan nang tanggapin ni Black ang lahat." Ani ni Green.

"Pag kasal ba may honeymoon? Pano yan na advance na ata ni Black ang honeymoon, ibig sabihin lugi na agad ang chekwang yun?" Ani ni White na sinapak na naman ni Green.

"Manahimik ka nga tanga! Sa susunod na magsasalita ka babangasan kita!" Banta ni Green kay White.

"Tito Black kung hindi mo kayang tanggapin di hindi! Problema ba yun?" Natigil kami sa pag sagbat ni Fierce. "Sabagay, anong bang aasahan ko sa utak mo? Konting problema lang pinapalaki mo."

"FIERCE!" saway ni kuya Red sa anak. Pero hindi natakot ito at umupo pa sa tabi ni Black.

"Tito Black, ang problema dito ay ikaw mismo. Kasi mas nauna pang mag react yang katawan mo kaysa sa utak mo!"

"Fierce, that's enough." Ani ni kuya Red sa anak.

"Let her be Red. May point si Fierce. Hayaan mong pangaralan niya ang tito niya." Nagulat ako sa pag dating ni ate Faye. Minsan nakakatakot siya. Tatahimik tahimik pero iba magalit. At bawat punto niya ay tama.

"Sa sinasabi mong problema, hindi naman eh kung nag iisip kalang. Kaso kulang ka sa plano. Dinadaan mo lahat sa init ng ulo. Ano bang nakukuha mo sa pag babasag ng vase ni mamu? Sige nga?" Wala ni isa sa amin ang nag salita. Kahit si Black ay supalpal. "Ay nako! Wag ko lang makita si kuya Vi at kuya Py na katulad mo at sasapakin ko talaga!"

Nanlaki ang mata namin sa ka walang galang ni Fierce. Kahit si mommy at daddy hindi naka imik. Si ate Faye ay natawa lang. "At bakit? Anong alam mo sa problema ko huh? Alam mo ba kung pano lutasin ang problema ko? Sige nga lutasin mo bibigyan pa kita ng isang milyon!"

"Duh! Easy! Mahal mo si Mae na mahal ni Chekwa na mahal naman ni Meztisa. Simple lang."

"ANO NGA!!!" nagka sabay pa kaming lahat sa pag tatanong epik talaga ang mga mukha namin.

"Ipadukot mo si Chekwa at ipakasal mo kay Meztisa. Asawa ang problema niya diba? O ayan si Mestiza na willing- willing maging asawa niya. At ikaw dukutin mo din si Mae at huwag mong e uwi hangga't hindi na ikasal si Chekwa at Meztisa. O asan ang problema d'yan? Diba solved?" pagmamayabang ni Fierce.

"Fi-e-rce...." shock na sabi ni Black. Laglag ang pangga namin sa katusuhan ng plano ni Fierce. Kahit isa sa amin ay hindi naisip ang ideyang yan. Si Black naka nga-nga lang kay Fierce.  


Sinapak ni Fierce ang mesa at nagising si Black. "Think tito Black! Think! Tito Green, isama mo si Kuya Vi, kuya Py at tito Orange. Dukutin ninyo si Chekwa. At ikaw tito White galingan mo ang acting sa pag tawag sa Mae na yun, sabihin mo magpapakamatay si tito Black 'pag hindi siya darating. And dad? call lolo Thunder, hiramin mo ang isla niya, dun ninyo ikulong si chekwa hangga't di makasal kay Meztisa."

Napakamot kami sa ulo sa plano ni Fierce. Five years old lang siya pero ang utak niya pang matanda. Hindi namin aakalain na uutosan kami ng batang 'to.

"Ano tito Black? Convincing ba?" Basta nalang niyakap ni Black si Fierce pero tinulak ito ni Fierce. "DON'T TOUCH ME!" graveh talaga ang batang to kawawa ang lalaking magmamahal dito kasi napaka tuso at maldita pa.

"I love you baby Fierce. Ikaw na ang favorite ko sa lahat ng pamangkin ko." Bola ni Black dito.

"Yah right! Lolo, sa apat bakit pareho ang utak nila? Graveh. walang nakapag isip ng ganun? So simple and yet so hard?" Taas na kilay ni Fierce na nag aapila kay daddy na pinigilan ang matawa.

"Thats enough Fierce. Now say sorry for the bad manner. Hinayaan kitang mag salita ng harsh kanina pero that doesn't mean maganda yun at abswelto ka." Saway ni ate Faye at yumoko si Fierce para mag sorry sa lahat. Ang cute niya graveh. Saka kinarga ni kuya at pinatulog na.

"Fierce has everything. Tongue, guts, Temper, Brains, and even Alluring beauty. Nakakatakot siya. She is worst than all of you, even her father. She knows how to play her game. Don't you think may puso siya para mag mahal?" Ani ni daddy.

"WALA!!!" koru naming lahat.

TANGLED TO OUR PROMISEWhere stories live. Discover now